top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 10, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 10, 2021 (Biyernes): Kabilang ka sa mga mapapalad na nilalang. Ibig sabihin, kahit hindi ka gaanong magsikap, may mga suwerteng nagdaratingan sa buhay mo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng saya ang iyong buhay. Hindi maganda sa tao ang sobrang seryoso. Ang sukatan ng tagumpay ay kung ikaw ay masaya sa mga nakamit mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-21-28-33-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong yakapin ang lungkot dahil kailangang makawala ka sa rito. Hindi mo dapat akalain na sa kalungkutan ay may sarap ding nararamdaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-20-27-33-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi nabubuhay ang tao dahil lang sa materyal na bagay. Ang bumubuhay sa tao ay saya at ligaya. Ang walang saya ay wala ring gana na magpatuloy pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-27-31-35-37.


CANCER (June 21-July 22) - Nakatutuwa ang mangyayari sa iyo. Sasabihin mo nang palihim na langit mismo ang bahala sa iyo. Masasabi mo ring nakikinig pala ang langit kaya kikilos ka para pagandahin pa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-22-26-39-40-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magkamali ka man ng pagkilos, magbubunga pa rin ito ng maganda dahil noon pa man, nagpasya na ang langit na hindi papansinin ang iyong mga kamalian at pagkukulang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-15-16-20-24-31.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagsisimula nang gumanda ang mga pangyayari sa buhay mo. At kahit magpumilit ang mga kontrabida, hindi na nila ito mahahadlangan pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-15-24-27-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humarap ka sa salamin at sa iyo’y sasabihin, “Hindi lang maganda ang hitsura mo kundi maganda rin ang magiging kapalaran mo.” Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-13-14-28-30-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansinin mo ang isang lalagyan na nadadagdagan lang kapag may paglalagyan pa. Ito ay nagsasabing, magbawas ka nang sa gayun ay madagdagan ka ng bago at magagandang bagay sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-17-20-25-39-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maghanap ka at ikaw ay makakakita. Walang magandang mangyayari sa ayaw gumalaw. Sa paghahanap, ang mga bagong oportunidad ay namamataan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-21-26-32-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dadalawin ka ng suwerte. Hindi mo man aktuwal na makaharap, tiyak na makikipag-ugnayan ito sa iyo. Ito ay letra-por-letra na mangyayari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-20-26-31-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magulat kapag sinuwerte ka dahil sa mga pagkilos ng iyong mga kaaway at karibal. Ang totoo nga, mahirap lang paniwalaan, pero sila mismo ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-15-27-21.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa masaya at sasaya ka. Paano kung dumikit ka sa may magandang kapalaran? Dapat ay alam mo na ang kasagutan at gawin mo na agad, ibig sabihin, dapat ngayon na. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-11-19-24-28-37.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 09, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 9, 2021 (Huwebes): Sapat ang lakas ng loob mo para harapin ang anumang hamon ng iyong kapalaran. Lakas ng loob din ang sandata upang maabot mo ang iyong mga ambisyon sa buhay.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating. Ang sinumang sumalungat sa iyo ay langit ang makakabangga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-13-29-34-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manghiram ka ng tapang sa iyong nakaraan kung kailan naipanalo mo ang mga laban sa buhay. Ito ang susi nang sa gayun ay makuha mo ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-17-21-25-34-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Iinit ang ulo mo dahil maiinip ka. Dapat mong malaman na ang marunong maghintay ay mas maganda kaysa sa pagiging mainipin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-16-24-33-36.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag galit ka, tumatapang ka. Maggalit-galitan ka para magawa mong sugurin ang iyong malalaking pangarap sa buhay. Hindi puwede na wala kang galit sa iyong katawan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-20-24-33-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Muli kang binigyan ng pribilehiyo ng langit na nagsasabing ikaw ang may hawak ng iyong kapalaran ngayon. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataong ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-19-25-31-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bibilis ang mga kaganapan sa iyong harapan. Kapag mabagal at kukupad-kupad ka, mapag-iiwanan ka ng iyong mga kasabayan at kakumpitensya sa hanapbuhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-22-28-30-33-38-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang hindi mo inasahang aalalay sa iyo ay ang iyong makakaagapay. Habang ang inaasahan mo, huwag kang mabibigla, pero siya ay himalang mawawala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-30-36-40-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Mismong langit ang gagawa ng paraan sa mga hindi mo kaya at mabibigat na suliranin mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-25-34-42-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pilitin ang ayaw sumunod sa kagustuhan mo. Sa huli, malalaman nilang ang hindi pagsunod sa iyo ay hindi tama. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-14-29-39-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Alalayan mo ang iyong sarili. Ang anumang pang-aabuso sa sarili, sa huli ay pinagsisisihan din. Kung ano lang ang kaya mo at hindi ka gaanong mahihirapan, ‘yun lang ang gawin mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-18-26-33-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag may unos, ang lipad ng agila ay mas mataas sa makakapal na ulap. Tularan mo ang agila, huwag mong harapin nang mukhaan ang unos ng buhay, sa halip ay lumayo ka muna. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-29-30-32-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa matatapang at ikaw ay tatapang, dumikit ka sa mahihina ang loob at hihina rin ang kalooban mo. Saan ka? Dapat ay sa una ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-19-22-23-36-40.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 08, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 8, 2021 (Miyerkules): Hindi masama ang tumulong sa kapwa para sila ay yumaman, pero ang mas maganda ay unahin mo ang iyong sarili bago ang iba.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong gaanong pahirapan ang iyong kalooban. Ang ayaw sa iyo, layuan mo na rin dahil habang siya ay nasa buhay mo, hirap na hirap ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-15-16-18-26-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bago ang umaga, may dilim muna. Ipinaaalala sa iyo na ang liwanag ng buhay mo ay darating na rin. Huwag kang mainip dahil ito ay tinitiyak ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-20-21-24-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Babagal na parang walang pag-usad ang mga kasalukuyang pinagkakaabalahan mo. Huwag kang mabahala, ibig sabihin nito, kumukuha pa ng buwelo ang mga suwerte mo sa kasalukuyan, at sa susunod na mga araw, totodo ang lakas nito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-20-24-39-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang lungkot ang madarama mo dahil wala namang sapat na basehan ang lungkot. Ang payo ay nagsasabing dumikit ka sa mga taong positibo at palakuwento. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-22-25-36-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakagugulat ang kapalaran mo ngayon dahil ang mga suwerte mo ay magmumula sa mga taong lihim mong kinaiinisan sa kasalukuyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-25-27-34-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Balikan mo ang iyong nakaraan kung kailan tinalo mo ang mabibigat na pagsubok sa buhay. Ngayon at sa darating pang mga araw, ang mga pagsubok ay muli mong tatalunin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-20-28-31-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mananamlay ka at medyo malulungkot simula ngayon, pero panandalian lang ito dahil dadapo sa iyo ang magandang kapalaran sa susunod na mga araw at sobrang ikagagalak ito ng iyong kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-21-28-30-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabuhay ka nang simple habang tinatahak mo ang landas ng buhay kung saan ang dulo ay iyong pagyaman. Muli, mabuhay ka nang simple. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-16-25-39-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang maging mapagpilit sa mga araw na ito. Ang mga kagustuhan mo ay kusang mapasasaiyo, pero kapag naging mapilit ka, maaantala at matatagalan ang pag-angkin mo sa mga bagay na inilaan talaga sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-27-33-35-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madodoble ang suwerte na nasa sa iyo na, kaya hindi ipinapayo na dahil masaya ka ay patuloy kang aangkin nang aangkin. Mas magandang bawasan ang hawak mo na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-12-25-30-34-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumalma ka lang kahit ang mga pangyayari sa harapan mo ay nakakainit ng ulo. Sa pagiging kalmado, ang mga suwerte sa paligid at ang nasa ibang tao ay malilipat mismo sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-20-22-25-30.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong tularan ang mga palaban. Dito sa mundo, ang tunay na basehan kung sino ang nagtagumpay ay ang maunlad na buhay at hindi ang marami ang tinalo sa pakikipag-away. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-26-28-30-37-38.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page