top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 13, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 13, 2021 (Lunes): Pinagkalooban ka ng malakas na personalidad. Gamitin mo ito para sa iyong sariling kapakanan bago mo gamitin para sa iba.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumuha ka ng lakas sa mga tagumpay mo sa nakaraan. Ganyan nga, sapagkat ito ang panggagalingan ng iyong lakas para talunin mo ang pag-aalinlangan sa iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-23-39-40-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat magpatangay sa mga negatibong pananaw na naglalabas-pasok sa iyong isipan. Tandaan at ‘wag mong kalimutan na kahit kailan, ang negatibong isipan ay hinding-hindi magbubunga ng positibo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-20-24-30-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ubusin ang mga oras sa pag-iisip ng mga proyektong hindi mo naman magagawa nang mabilis. Mas magandang maging abala ka sa mga alam mong kayang-kaya mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-24-28-32-36.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi puwede na wala kang love life o minamahal, kaya magmahal ka at huwag kang matakot. May puso at damdamin ang tao upang ipadama sa kanyang minamahal. Ito ang iyong isip-isipin sa araw na ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-14-18-29-31-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tutulungan mo ang ayaw mong tulungan. Ang nakapagtataka, ikaw at siya ay kapwa dadagsain ng suwerte at magagandang kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-16-25-39-40-46.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Babagal ang mga kilos mo dahil tatakutin ka ng iyong sarili kung saan aakalain mong hindi magiging maganda ang mga resulta ng iyong ginagawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-22-27-30-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Problema sa pag-ibig ang kinakaharap mo, pero ang mas tama, ikaw ay ang poproblemahin ng karelasyon mo. Hayaan mo lang dahil siya naman ang sasakit ang ulo at kalooban. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-25-31-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang humingi ng tulong dahil sasama lang ang loob mo. Huwag ka rin munang tumulong dahil sasama rin ang loob mo sa pagbalewala sa mga itutulong mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-21-29-30-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Balikan mo ang iyong mga plano at may makikita kang dapat baguhin. Huwag mong tigasan ang loob mo dahil kapag nasabi mo na, ‘yun na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-23-25-39-49-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling magaganap ang nangyaring napasaiyo ang hindi mo gusto. Pero hindi naman ito nangangahulugan na ang gusto mo ay hindi mo na makukuha pa. Ibig sabihin, ito ay mapapasaiyo pa rin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-24-25-33-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang sumalungat sa mga kagustuhan mo ay mamalasin na para bang ang kanilang makakabangga ay ang mismong langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-25-28-30-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dagdag-kaalaman ang iyong kailangan sa papasukin mong negosyo o pagkakakitaan. Huwag kang maniwala na ang pagpapayaman ay palakasan lang ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-15-16-20-35-37.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 12, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 12, 2021 (Linggo): Hindi maiaalis sa iyo ang kabahan at mag-alinlangan, pero ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na maaabot mo ang iyong malalaking pangarap.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paisa-isa lang ang paghakbang, pero kailangan ay tuloy-tuloy. Isang sikreto ito ng tagumpay na kapag ginawa mo ay makakaiwas ka sa malalaking kabiguan at pagkalugi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-19-20-24-33-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang maasiwa na magpatulong sa may mga alam. Sila rin naman ay walang alam sa umpisa at humingi ng payo sa mga nauna nang nagtagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-21-24-32-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka dapat malibang sa masasayang nakakasama mo. Higit kailanman, ngayon mo kailangang tutukan ang pinakamalalaking ambisyon mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-25-30-35-42-45.


CANCER (June 21-July 22) - Ano ang gagawin mo kapag inilapit ka ng langit sa isang handang bigyan ka ng masarap na buhay na tutulungan ka rin para marating ang pangarap mo? Dapat ay tanggapin mo ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-15-23-26-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi puwedeng hindi ka makialam sa mahihina. Ikaw ay malakas at mas malakas kaysa sa pangkaraniwang malalakas. Ibahagi mo sa mahihina ang iyong taglay na lakas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-12-24-30-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino ang malapit , siya ang para sa iyo. Kaya ang mga nasa malayo ay puwede mo nang balewalain dahil mag-aaksaya ka lang ng panahon sa kanila. Tandaan, ang oras mo ay mahalaga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-22-25-31-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pakawalan ang iyong pinakikinabangan. Ang hayaan mong mawala ay ang mga nagpapahirap sa iyo. Ito ang susi upang guminhawa na ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-14-16-23-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil papaganda nang papaganda ang takbo ng iyong buhay. May maliliit at malalaking problema, pero ang mga ito ay kusang aalis sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-27-30-37-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang sinumang magtangka na sumira ng iyong saya at sigla ay makakabangga ng langit. Habang ang makikiisa ay bibiyayaan ng magagandang kapalarang hindi pa nila nararanasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-15-20-25-33-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hanapin mo ang daan ng pagkakaunawaan. Kapag matiwasay ang iyong buhay, magtutuloy-tuloy ang pagdating ng malalaking suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-29-32-37-45-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na hindi ka bibiguin ng langit. Kaya humiling ka na. Mas magandang ang hilingin mo ay para sa iyo at hindi para sa ibang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-18-22-27-30-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kailangan mo nang lumayo at ang isa sa magandang paraan upang lumayo ay ang pag-a-abroad. Puwede ring manirahan ka muna sa ibang lugar na malayo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-24-23-30-35.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 11, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 11, 2021 (Sabado): Malakas ka at hindi ka mahina. Gayundin, nasa isip mo lang ang mga negatibong pananaw. Kumilos ka at makikita mong ikaw ay mas malakas pa kaysa sa mga pangkaraniwang malakas.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawakan mo ang nasa iyo na. Ang hindi pa sa iyo ay puwede ring mapasaiyo. Ang importante ay patuloy kang kumikilos para madagdagan pa ang nasa iyo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-20-24-39-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong akalain na hindi mo kakampi ang langit dahil hindi mo nakuha ang iyong gusto. Ang totoo, ang mapasasaiyo ay ipagpapasalamat mo dahil ito ay sobra sa kailangan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-24-28-35-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagmamadaling dumapo sa iyo ang mga suwerteng kumuha muna ng tamang pagkakataon para lubusang magalak ang iyong puso at damdamin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-17-22-25-43.


CANCER (June 21-July 22) - Muli, magpapakita ka ng kalambutan ng iyong personalidad. Dahil ang mga alam mong hindi naman talaga dapat pagbigyan ay iyong hahayaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-28-35-36-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magpakita ng hindi maganda sa iyong kinaiinisan. Sa ganitong paraan, langit na mismo ang magpapadama sa kanya na siya ay aani ng mga hindi magandang pangyayari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-14-25-33-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinahon ang kailangan mo. Ang mahinahon ay hinahangaan at ang mapupusok ay nilalayuan. Sa ganitong paraan, hahangaan ka ng langit at ikaw ay pagpapalain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-24-30-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli, kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Huwag kang tumulad sa iba na itinago ang sarili at sa huli ay nagsisisi dahil sa ginawa nilang pagkukunwari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-21-28-30-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tatamaan ka ng hindi nakikitang sinag ng bituin ng kasaganaan. Biglang magbabago ang mundo mo kung saan ito ay sobrang sasaya dahil sa mga kaganapan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-18-22-25-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tulad ng magagandang dalaga na pumaparada sa beauty contest, ang magagandang oportunidad ay isa-isa nang darating, ngunit ang kaibahan, ang mga ito ay sabay-sabay na magpapakita sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-18-20-27-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit nagdududa ka sa iyong sarili, huwag kang magduda sa langit dahil ang mga kahilingan mo ay makikita na isa-isa nang nangyayari. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-21-24-31-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong kibuin ang taong ayaw mo. Mas maganda na alam niya na hindi mo siya gusto. Kapag nagkunwari ka pa, sasakit lang ang ulo mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-10-21-29-31-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga pinagsasabi ng mga taong alam mong kulang sa gawa. Hindi lang sakit ang nakakahawa, nakakahawa rin ang pangit na gawi at ugali. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-13-17-25-35-45.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page