top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 24, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 24, 2021 (Biyernes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na pagkakalooban ka ng mas marami pang magagandang kapalaran ngayon, bukas at hanggang narito ka pa sa ibabaw ng mundo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang malalaking suwerte at kabilang dito ang pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-23-28-30-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Salubungin mo nang may masayang pagkatao ang masusuwerteng araw mo na nagsisimula na ngayon. Eksaktong ang autumnal equinox ay nagpapahayag na mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang iyong biglaang makakamit. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-11-13-29-30-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Mula sa panalo mo, muli kang mananalo. Kaya ang panalo ay hindi mo dapat ubusin na para bang hindi mo naman pinahahalagahan ang mga biyayang kaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-25-31-33-41.


CANCER (June 21-July 22) - Matatamis na araw ang magsisimula mong maranasan, na nagsasabing ang puso mo ay aapaw sa kaligayahan at pagmamahal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-18-20-27-43-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Itaya mo ngayon ang iyong kapalaran at ang panalo ay mapasasaiyo. Ang mga nasa paligid mo ay hindi makakapaniwala na kakaiba talaga ang ganda ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-22-25-39-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa mga paladaing, reklamador at iyakin. Wala kang mapapala sa kanila at baka ikaw ay mahawa pa. Muli, umiwas ka sa mga palaangal at palakontra. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-11-12-26-37-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bumanat ka ngayon. Oo, ngayon na. Ang malalaking suwerte ay mapasasaiyo sa mga ikikilos mong nakatuon sa pagpapaganda ng iyong kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-20-24-33-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Linisin mo ang iyong isipan dahil ang isip na nakatuon sa negatibong bagay ay magdadala lang sa tao ng sunod-sunod na problema at kamalasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-23-38-41-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi kung hindi at oo kung oo. Huwag mo nang habaan pa ang sasabihin mo dahil ang mahabang pananalita ay nagpapalala lang sa magulong sitwasyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-17-25-33-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon na ang pagsisimula ng magagandang kapalaran mo. Ngayon mo rin magagawa ang matagal mo nang ipinangako sa iyong sarili na paghahandaan mo ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-9-14-24-30-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sasakit lang ang ulo mo sa ayaw tumanggap ng iyong paliwanag. Pero matutuwa ka dahil kapag hindi ka kumibo, maiisip niya na siya pala ang nagkamali at hindi ikaw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-27-33-38-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Harapin mo ngayon ang mga kaaway. Tiyak na sila ay iyong tatalunin at mapapahiya. Malalaman nila na ikaw ay sobrang hirap na maging kaaway. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-25-34-44-45.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 23, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 23, 2021 (Huwebes): Maraming tagumpay ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Maging masinop at mapagpahalaga ka sa iyong kabuhayan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang kasalukuyang pormula ng pagpapalaki ng iyong kabuhayan. Huwag mong babaguhin ang anumang lakad o desisyon dahil lang may narinig kang mas maganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-13-29-35-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mabibilis ang mga kaganapan sa iyong harapan, dapat mabilis ka rin nang sa gayun ay hindi ka maiwanan ng pabago-bagong takbo ng panahon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-14-26-34-46.


GEMINI (May 21-June 20) - Marami kang natutunan sa pakikipagsapalaran. Ang kailangan na lang ay isabuhay ang mga ito at patuloy na madagdagan ang iyong mga kaalaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-28-30-31.


CANCER (June 21-July 22) - Itabi mo muna ang iyong pagiging sensuwal at emosyunal, sa halip ay tutukan mo ang aspetong pangkabuhayan. Samantalahin mo ang magandang takbo ng kalakalan nang sa gayun ay dumami ang iyong pakinabang. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-19-20-28-31-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka pa makakapagpahinga dahil kailangan ka pa ring ilang malalapit sa buhay mo. Pero puwede kang mamasyal sa magagandang lugar. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-13-23-27-36-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang pag-asa ng mga nalugi na. Ito ay dahil ang mga bago at kakaibang ideya ay labas-pasok sa isip mo at mapakikinabangan ng mga gustong makabawi sa mga nawala sa kanila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-22-28-30-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na pagbibigyan ka ng kapalaran sa larangan ng damdamin at materyal na bagay. Darami ang iyong kita at kasabay nito, sasaya ka sa hindi inaasahang pagtatagpo ninyo ng landas ng isang nilalang na matagal mo nang gusto makasama. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-23-28-35-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibalik mo ang dating ginagawa mo at babalik din ang magandang takbo ng iyong pinagkakakitaan. Ang ‘wag na ‘wag mong ibabalik ay ang iyong mga pagkakamali. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-18-21-29-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli kang mangako sa iyong sarili na hindi ka hihinto hanggang sa makuha mo ang pangarap mo. Kailangang gawin mo ito dahil makikitang humihina ang loob mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-16-28-33-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo kailangan ang makabagong personal na kagamitan. Magsasayang ka lang ng salapi na magagamit mo bilang pandagdag na puhunan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-23-32-40-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masasayang kaganapan ang nakaumang sa iyo. Ang piliin mo ay saya dahil kumita ka ng marami at malalaki. Ang iba pang klase ng saya ay huwag mo nang pangarapin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-18-24-25-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka manghihinayang sa iyong ipupuhunan ngayon. Pero manghihinayang ka kapag sa ibang araw ka pa nakipagsapalaran sa mundo ng kalakalan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-14-15-27-44.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 22, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 22, 2021 (Miyerkules): Bago mo paunlarin ang iba, unahin mo ang iyong sarili. Puwede rin na habang umaasenso sila, ikaw ay ganundin.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bawat taong makausap mo, kunin mo ang magaganda sa sinasabi nila. ‘Wag mong tutularan ang mga kilos nila na salungat sa lumalabas sa kanilang mga bibig. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-15-20-24-32.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong guluhin ang iyong sarili dahil marami kang naririnig. Mapapansin mo na ang sinasabi ng mga tao ay magkakasalungat. Malilito ka lang kaya ‘wag mo silang pansinin. Ang sariling gusto mo pa rin ang iyong ipatupad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-20-27-41-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagsasama-sama ang mga gusto kaya magulo. Humihiwalay ka sa gusto ng iba na hindi mo naman gusto. Makabubuting lumayo ka sa maiingay na wala namang direksiyon ang kanilang buhay upang magkaroon ng direksiyon ang sarili mong mundo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-16-20-24-27.


CANCER (June 21-July 22) - Bakit mo pipiliting maniwala ang ayaw maniwala? Masasayang lang ang mga paliwanag mo, kaya gawin mo ang gusto mo. Sa huli, siya na mismo ang uunawa sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-14-17-21-28-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Bihira ang makakapansin na rito sa mundo, ang taong kaunti ang kaibigan ay mas umaasenso. Ngayong alam mo na ang isa sa lihim ng maunlad na buhay, magbawas ka na ng mga kaibigan na hindi naman talaga maaasahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-21-24-32-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lahat naman ay nakararanas ng kabiguan, kaya sa totoo lang, hindi naman malaking isyu ang mabigo. Ang mahalaga ay tanggap ang kabiguan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-26-34-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang iyong sarili kahit may ilang magtampo sa iyo. Ang mahalaga ay kinabukasan kaysa sa ibang bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-8-16-29-30-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagniningning ang bituin sa dilim. Kaya bakit katatakutan mo ang dilim? Ngayon ang pagkakataon upang maipakita mo ang iyong ningning dahil isa ka ring bituin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-14-23-33-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagkakaroon ang wala at ang mayroon ay nawawalan. Saan ka kaya? Ikaw ay nasa una at huli, kumbaga, mawawalan ka, pero muli kang magkaroon. Sobrang dami ng mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-28-30-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakagugulat ang kondisyon bago dumapo sa iyo ang malaking suwerte dahil ito ay nagsasabing, mabubuhay ka muna sa inis at lihim na galit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-4-14-23-35-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyung-iyo ang araw na ito. Sa gusto o ayaw ng mga kontrabida sa buhay mo, hindi maaawat ang langit na hulugan ka ng pagkaganda-gandang kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-20-28-39-40-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi dahilan ang taglamig o tag-ulan para hindi kumilos. Ang totoo nga, kilos ang kailangan sa panahong malamig. Ito rin ang sikreto kapag tila nanlalamig ang kapalaran ng isang tao. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-14-16-20-35-43-46.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page