top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 19, 2024



FIle Photo

Iniulat ng CBS News na naaresto ang kilalang pop star na si Justin Timberlake sa kasong 'drunk driving' noong Martes sa estado ng New York.


Ayon sa ulat ng network, ang paglilitis kay Timberlake dahil sa umano'y pagmamaneho habang lasing ay nakatakda sanang mangyari sa Martes ng umaga.


Hindi naman nagbigay ng komento ang mga pulis sa Sag Harbor, New York, isang komunidad sa silangan ng Long Island kung saan sinasabing nahuli si Timberlake.


May dalawang concerts si Timberlake na nakatakdang ganapin sa Chicago ngayong weekend at dalawang shows sa New York City sa susunod na linggo, ayon sa kanyang website. Hindi rin nagbigay ng komento ang mga representatives ng pop star.


Sumikat si Justin Timberlake bilang miyembro ng kilalang boy band na NSYNC bago siya nagtagumpay sa kanyang solo career sa musika at pag-arte.


Gumanap din siya sa ilang karakter sa mga pelikula at TV shows, at siya ay kilala sa kanyang mga papel bilang host at musical guest sa Saturday Night Live.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 17, 2024


Showbiz Photo

Ibinunyag ng “Superman” actor na si Henry Cavill na siya ay magiging tatay na.


Sa Father’s Day, inanunsiyo ng aktor sa Instagram ang balita sa pamamagitan ng pag-post ng isang selfie na may wooden crib at cabinet na may baby supplies sa background.


"Happy Father's Day, ye dads out there," panimula niya sa caption.


"Turns out I shall be joining your hallowed ranks soon! Any tips?" ani Henry.


Idinagdag ng 41-anyos na aktor ang kanyang sense of humor sa post sa pamamagitan ng pagbibiro, na nag-uugnay sa paparating na adaptation series ng laro na "Warhammer 40,000."


"And don't worry, pillows won't be in the crib when the wee one arrives, just glue and scalpels so he or she can build Warhammer miniatures," aniya.


Si Henry ay unang gumanap bilang Superman sa pelikulang "Man of Steel" noong 2013. Ang huling pagganap niya bilang superhero ay sa pelikulang "Justice League" noong 2017.


 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 14, 2024



Showbiz Photo

Pinatutsadahan ni Khloé Kardashian ang kanyang nakababatang kapatid na supermodel na si Kendall Jenner sa kung paano nito sinasayang ang buhay na meron siya.


Sa episode ngayong linggo ng The Kardashians, tinanong si Khloé ng isang producer kung sino sa kanyang mga kapatid ang nais niyang makapalitan ng buhay o ang tinatawag nilang ‘Freaky Friday’.


Agad naman itong sinagot ni Khloé at sinabing si Kendall ang gusto niyang makapalitan ng buhay. "I could be a supermodel going around town. I could hook up with this person -- not that Kendall does that — but I would be doing that," dagdag pa ni Khloé. Ayon pa kay Khloé, hindi raw ganu’n mamuhay ang supermodel kaya sinasayang daw nito ang kanyang buhay.


“She definitely doesn't do any of those things. That's why she's wasting her life. You're wasting it, Kendall. Let me be you for a second,” saad ni Khloé tungkol sa 28-anyos na kapatid.


Matatandaang si Kendall, na piniling itago ang kanyang personal na buhay mula sa reality series ng kanilang pamilya sa Hulu, ay umamin nu'ng mga naunang season na mas boring talaga siya sa harap ng kamera ngunit marunong daw siyang magsaya sa likod nito.


Kahit iniisip ni Khloé na sinasayang ni Kendall ang kanyang kabataan, kamakailan ay muling nakipagbalikan ang supermodel sa kanyang Puerto Rican boyfriend at singer na si Bad Bunny.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page