top of page
Search

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 24, 2024



News


Ibinida ni Taylor Swift ang bagong boyfriend na si Travis Kelce sa entablado nu'ng ikatlong gabi ng kanyang London Eras Tour stop.


Matapos ang dalawang gabi ng pagbibigay-saya sa mga tagahanga sa Wembley Stadium, pinatunayang muli ni Swift, 34, ang kanyang pagiging tunay na “mastermind” sa pamamagitan ng pagdala sa kanyang nobyo, ang Kansas City Chiefs player na si Travis Kelce, 34, sa entablado habang ang kantang "I Can Do It With a Broken Heart," ay tumutugtog.


Umabot ng mahigit 80,000 ‘Swifties’ ang nanood ng kanyang concert nu'ng Linggo, kung saan nasaksihan nilang kinarga pa ni Travis si Taylor sa stage habang suot ang isang tuxedo na matched sa iba pang mga backup dancers ng international performer-singer.


Maraming fans ang nagulat sa biglaang pagsama ni Travis sa performance ni Taylor at marami ang nagpakita ng kanilang suporta sa dalawa sa mga social media platforms.


Hirit pa ng isang fan sa ‘X’, "[There] is something extremely poetic about [Travis Kelce] carrying [Taylor Swift] away after her heart was shattered.”

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 21, 2024



Showbiz news


Pinuri ni Joe Alwyn ang aktres at kaibigan ng ex niyang si Taylor Swift na si Emma Stone matapos silang magsama sa pelikulang “Kinds of Kindness.”


Matatandaang sa production notes nu'ng 2022 para sa nalalapit na pelikula kung saan co-stars sina Alwyn at Stone, inamin ng aktres na humanga siya sa aktor.


“I love Joe. We had to do some pretty dark stuff on this one, so it was extremely comforting to be with him because he's one of the sweetest people you'll ever meet,” saad ni Stone tungkol kay Alwyn.


Ginawa ni Stone ang komento bago pa pumutok ang hiwalayan nina Alwyn at Swift ngunit kamakailan lang ay inamin ni Alwyn na swerte siyang makatrabaho ang kilalang aktres na tila naging tugon ni Joe sa naunang pahayag ni Emma tungkol sa kanya.


"I'm so lucky to be close to her, she's just the best. She's obviously wildly talented and she's just the best,” saad ni Alwyn.


Ang Kinds of Kindness ay ang pangalawang pagkakataon kung saan nagsama sina Alwyn at Stone sa trabaho. Dati na silang lumabas sa pelikula ng direktor na si Yorgos Lanthimos nu'ng 2018 na The Favourite.

 
 

ni Eli San Miguel @International News | June 21, 2024



Showbiz news

Pumanaw na sa edad na 88 ang Canadian actor na si Donald Sutherland, na kinumpirma ng kanyang anak nitong Huwebes.


“With a heavy heart, I tell you that my father, Donald Sutherland, has passed away,” saad ni Kiefer Sutherland sa X. “I personally think (he was) one of the most important actors in the history of film. Never daunted by a role, good, bad or ugly.


He loved what he did and did what he loved, and one can never ask for more than that. A life well lived,” dagdag pa ni Kiefer.


Kilala si Donald sa kanyang mga papel bilang anti-hero at villain, na kamakailan ay naging matunog dahil sa kanyang karakter sa pelikulang 'The Hunger Games.'


Sa ngayon, inihayag lamang ng talent agency ni Donald na siya ay nakaranas ng ‘long illness’ at hindi pa malinaw na tinutukoy sa publiko ang dahilan ng kanyang pagpanaw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page