top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | July 9, 2024



Showbiz news

Umaming lesbian ang aktres na si Julia Fox bilang tugon sa isang viral TikTok video trend nu'ng Lunes. Sa original video, sinabi ng user na si @emgwaciedawgie, "I love when I see a lesbian with their boyfriend. It's like 'Aww, you hate that man. You literally hate him.'"


Agad na ini-stitched ni Fox ang nasabing video at sinabing, "Hey, that was me. I was that lesbian. So sorry, boys. Won't happen again."


Umulan naman ng suporta ang TikTok video ni Fox at marami ang nag-iwan ng kanilang positibong komento tungkol sa pag-amin ng ‘Uncut Gems’ star.


Matatandaang dating ikinasal ang aktres sa isang private pilot na si Peter Artemiev mula 2018 hanggang 2020 at naging dyowa rin nito ang rapper na si Kanye West.

 
 

ni Angela Fernando @On The Verge News | July 2, 2024



News

Hindi na matutuloy ang pakikipagkumpitensiya ng ‘Wicked’ na pagbibidahan ni Ariana Grande sa ‘Moana 2’ na dapat sana ay sabay na eere sa takilya sa Nobyembre 27. Ipapalabas na sa mga sinehan ang movie adaptation ng inaabangang Broadway sensation nang mas maaga at mapapanood na sa Nobyembre 22.


Ang 'Wicked' — na pinagbibidahan nina Ariana Grande at Cynthia Erivo bilang dalawang mangkukulam — ay ipapalabas na sa mga sinehan sa parehong araw ng isa pang malaking sequel, ang ‘Gladiator II’.


Ibinahagi ng direktor ng pelikula na si Jon M. Chu sa ‘X’ na ang prequel ng The Wizard of Oz, na nanalo ng tatlong Tony Awards matapos ang premiere nito sa Broadway mahigit dalawang dekada na ang nakalipas, ay malapit nang mapanood ng mga tagasuporta nito sa mga sinehan.

 
 

ni Angela Fernando @International | June 26, 2024



News

Ibinida ng Avengers at ‘Hawkeye’ actor na si Jeremy Renner ang kanyang mga peklat na nakuha niya sa snowplow accident nu'ng Enero 2023 para sa cover ng Men's Health magazine.


Ipinakita ng kilalang aktor ang kanyang katawan sa front page ng nasabing magazine para sa July-August release, isang taon mahigit matapos makaligtas sa aksidenteng nagdala sa kanya sa life support at iba pang pinsala.


Matatandaang umabot sa kritikal na kondisyon at kinailangang sumailalim sa maraming operasyon sa kanyang likod, balikat, at tiyan si Renner.


Sa loob ng magazine, makikita rin ang peklat sa kanyang binti habang suot ang workout shorts. Naging positibo pa rin naman si Renner matapos ang nasabing aksidente.


Sey nga nito sa kanyang mensahe sa mag: “All those [scars] are just reminders of the beautiful, beautiful, day that could have been a really bad day."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page