top of page
Search

ni Angela Fernando @Entertainment News | July 29, 2024



Sports News
Photo: Selena Gomez / Axelle / Bauer Griffin / Glamour

Pinabulaanan ni Selena Gomez ang mga kumakalat na tsikang siya'y sumailalim sa cosmetic surgery. Sinagot ni Selena sa social media platform na Tiktok ang mga tanong ng netizens sa content creator na si Marissa Barrionuevo, isang physician assistant (PA) sa isang plastic surgery office na nagbabahagi ng mga larawan ng artista before and after nilang magparetoke.


Ito ay matapos ulanin ang kinilalang content creator kung ano ang mga pagpaparetokeng ginawa ng actress-singer. "Honestly I hate this. I was on stripes because of flare up. I have Botox. That's it. Leave me alone," komento ni Selena sa video ng influencer.


Nag-reply naman si Barrionuevo sa komento ni Gomez gamit ang isang video at humingi ng paumanhin sa singer. "I adore you. I really do mean the best, so I apologize if this rubbed you the wrong way in any way whatsoever," sagot ng PA.


"Although I always try to lead with grace and mindfulness, I am sorry this upset you (and I understand why it did). I decided to stop making videos like this last year because of the negative impact it can cause. It was never my intention," caption pa ni Barrionuevo sa nasabing video.


"I love you. Not about you. I just get sad sometimes," reply ni Selena sa video. Binigyang-linaw naman ni Selena na wala siyang problema sa PA at okay sila nito. Maraming netizens naman ang nagpakita ng suporta sa singer lalo na't na-diagnose itong may lupus.

 
 
  • BULGAR
  • Jul 29, 2024

ni Ali San Miguel @Entertainment News | July 29, 2024



Sports News
Photo: Lady Gaga at Michael Polansky - IG

Engaged na ang Mother Monster na si Lady Gaga. Sa TikTok, ibinahagi ng Prime Minister ng France na si Gabriel Attal ang isang video kung saan pinasalamatan niya si Lady Gaga para sa pagtatanghal nito sa opening ceremony ng 2024 Olympics sa Paris.


Sa video, maririnig ang global hitmaker na ipinakikilala sa Prime Minister ang kanyang longtime boyfriend na si Michael Polansky bilang kanyang fiancé. Unang ibinunyag ni Lady Gaga ang kanyang relasyon kay Michael noong Pebrero 2020, matapos silang makita na magkasama sa Super Bowl 2020.


Noong Hulyo, nagbigay ng pahiwatig si Lady Gaga ng kanyang pagbabalik sa music scene matapos mag-share ng selfie sa isang recording studio. Matatandaang noong 2020 pa ang huling full-length album ni Lady Gaga na "Chromatica", na naglalaman ng collaborative single kasama si Ariana Grande, ang "Rain on Me."


Sa ngayon, ang pinakahihintay ng mga fans ay pagganap ni Lady Gaga bilang Harley Quinn sa pelikulang "Joker: Folie à Deux", kung saan si Todd Phillips ang direktor.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | July 23, 2024



File Photo
File Photo: Ryan Reynolds at Blake Lively / Taylor Hill / WireImage / today.com

Ramdam ng aktor na si Ryan Reynolds ang pagmamahal mula sa mga tagahangang sumusuporta sa kanyang nalalapit na bagong pelikulang 'Deadpool & Wolverine' — at kabilang na rito ang asawa niyang si Blake Lively.


Ibinida ng 47-anyos na aktor, na nakapanayam ng ET kasama ang kanyang co-star sa pelikula na si Hugh Jackman, ang suportang ibinibigay ng asawang si Lively sa paghahanda para sa paglabas ng inaabangang Marvel project.


"She's amazing. She is so smart, everything I do is in lockstep with her and now she just takes every step with me — sometimes the scary steps, sometimes the ones that are, more often than not, aimed right at danger," saad ni Reynolds.


"I am super grateful to her. She's just so smart and so funny and [she] like really, really helped in like every aspect of this movie," dagdag pa ng aktor. Mararamdaman ang impluwensya ni Lively, 36, sa nasabing pelikula na magtatampok din ng ilang 'Y2K' references para sa mga taong mahilig sa pop culture.


Hindi naman nakalimutang bigyang-credit ni Reynolds ang kanyang asawa para sa pagtutok nito sa ilang mga jokes at mga late 90s bits na kanilang bibitawan sa film.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page