top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | August 21, 2024



Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo

Iniulat ng sikat na American entertainment website na TMZ na nag-file ng divorce si Jennifer Lopez kay Ben Affleck. Ayon sa TMZ, nagpasa si J Lo ng mga legal na dokumento sa L.A. County Superior Court, ngunit walang abogado na nagsumite ng mga ito. — TMZ


"Jennifer filed pro per, meaning by herself and without an attorney," saad ng pahayagan. Iniulat naman ng People entertainment news site na itinakda ni Jennifer ang Abril 26, 2024, bilang petsa ng kanilang paghihiwalay.


Unang nagkakilala sina Jennifer at Ben sa set ng pelikulang Gigli noong 2002. Ipinagpaliban nila ang kanilang planadong kasal noong 2003 at inanunsiyo ang kanilang paghihiwalay noong unang bahagi ng 2004.


Nagsimula muli ang kanilang kuwentong pag-ibig noong 2021 at nagpakasal sila sa Las Vegas noong Hulyo 16, 2022. Ito na ang ika-apat na kasal ni Lopez at pangalawa para kay Ben.

 
 

by Eli San Miguel @Overseas News | August 15, 2024



Photo

Magbabalik-entablado si Taylor Swift ngayong Huwebes upang ipagpatuloy ang kanyang major concert tour na may mas mahigpit na seguridad matapos ang nabigong Islamic State-inspired attack na nagdulot ng kanselasyon ng kanyang mga palabas sa Vienna noong nakaraang linggo.


Inihayag ng British police na hindi maaapektuhan ng insidente sa Vienna ang kanyang limang palabas sa Wembley Stadium, kung saan inaasahang darating ang 90,000 na Swifties bawat gabi.


Papapasukin ang mga fans sa Wembley gamit ang mga metal detector at pinapayagang magdala alamang ng isang maliit na bag. Bawal ang mga glass at metal containers, laptop, at payong.


Sinabi ng 34-anyos na si Swift, na ang pinakamalaking takot niya ay ang panganib sa kanyang mga fans lalo nu’ng nangyari ang mga pag-atake noong 2017 sa mga music events, kabilang ang pamamaril sa Las Vegas at suicide bombing sa isang concert ni Ariana Grande sa Manchester.


Samantala, inaasahan namang kikita ang kanyang 'Eras' tour ng higit sa $1 bilyon, ang kauna-unahang tour na makakamit ito, mula sa 149 na palabas sa loob ng dalawang taon.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | August 14, 2024



File Photo: F-15E / James A. Finley / AP
Photo: Miley Cyrus sa Disney Award sa pagganap bilang Hannah Montana - Miley Cyrus

Naging emosyonal si Miley Cyrus habang inaalala ang kanyang panahon bilang si 'Hannah Montana' nang tanggapin niya ang kanyang Disney Legends honor sa D23.


Makasaysayan ang naging pagtanggap ni Miley ng award dahil itinanghal siya bilang pinakabatang "Disney Legend" sa D23 2024: The Ultimate Disney Fan Event sa Anaheim, California, dahil sa naging pagganap niya sa karakter ni Hannah.


Miley Cyrus as Hannah Montana

Kasama si Cyrus sa hanay ng mga naggagalingang stars tulad nina Jamie Lee Curtis at Angela Bassett bilang isa sa mga taong may malaking impluwensiya sa Disney.


"A little bit of everything has changed... but at the same time, nothing has changed at all. I stand here still proud to have been Hannah Montana," proud na saad ni Cyrus. Naging nostalgic naman para sa mga fans ng actress-singer ang naging pagtanggap ng award at inulan nila ito ng papuri at suporta.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page