top of page
Search

ni Angela Fernando @Entertainment News | September 7, 2024



Showbiz News

Nakasali na ang dating Disney child star at international singer na si Selena Gomez sa billionaire index ng Bloomberg dahil umakyat na ang fortune worth nito sa $1.3-bilyon.


Ayon sa ulat, ang yaman ni Selena ay pangunahing nagmula sa kanyang kumpanya ng beauty cosmetics na Rare Beauty, na itinatag niya limang taon na ang nakalipas. Tinatayang ang kanyang bahagi sa kumpanya ay nasa $1-bilyon.


Naging rason ang tagumpay ng brand ng singer para mapabilang sa listahan ng isa sa mga "youngest female self-made" na mayaman kasama sina Taylor Swift at Rihanna.


Nakilala ang Rare Beauty sa kanilang liquid blush at lip tint na sumikat sa social media, at naiulat na kumita ng net sales na $400-milyon mula sa nakaraang 12 buwan hanggang Pebrero.


Kumita rin si Gomez ng milyong dolyar mula sa mga endorsement deals kasama ang mga kilalang luxury brands tulad ng Louis Vuitton, Coach, at Puma, ayon sa Bloomberg.

 
 

ni Angela Fernando @News | August 29, 2024



Showbiz News
Photo: Armie Hammer / Instagram

Ibinahagi ni Armie Hammer sa Instagram na ibinebenta na niya ang kanyang pickup truck dahil hindi na niya kayang tustusan ang gastos sa gasolina nito na umaabot sa $500.


Pagbabahagi ni Hammer, regalo niya ang nasabing truck sa kanyang sarili nu'ng 2017. “I have loved this truck intensely and taken it camping and across country multiple times and on long road trips, and I took it for one last road trip to CarMax.


This is not an ad for CarMax. This is because I'm selling my truck," saad ni Hammer. Pag-amin niya, hindi niya na raw afford na laging magpa-gas ng nasabing truck kaya ibinebenta na ito kahit hindi rin nagustuhan ng mga anak niya ang kanyang naging desisyon.


Nakilala ang Hollywood star sa kanyang pagganap sa mga pelikulang "The Social Network" at "Call Me By Your Name."

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment News  | August 27, 2024



Showbiz News
Si Mariah Carey kasama ang kanyang inang si Patricia at anak na si Monroe sa paggawad ng star sa kanya sa Hollywood Walk of Fame sa Los Angeles. Photo: File / Chris Pizzello / Invision / AP

Inihayag ni Mariah Carey na ang kanyang ina na si Patricia at kanyang kapatid na si Alison ay pumanaw sa parehong araw noong weekend. Kinumpirma ng Grammy winner ang balita sa isang eksklusibong pahayag sa People Magazine, at sinabing "[my] heart is broken that I’ve lost my mother this past weekend." "Sadly, in a tragic turn of events, my sister lost her life on the same day," dagdag ni Mariah.


Ibinahagi ng singer na masuwerte siya dahil nagkaroon pa siya ng pagkakataong makasama ang kanyang ina sa huling linggo bago ito pumanaw. "I appreciate everyone’s love and support and respect for my privacy during this impossible time," aniya.


Ang sanhi ng pagkamatay ni Patricia, ina ni Mariah, at ng kanyang kapatid na si Alison, pati na rin ang iba pang detalye, ay hindi pa inilalabas ng singer. Si Patricia ay isang opera singer at vocal coach na sinanay sa Juilliard, at dati siyang kasal sa aeronautical engineer na si Alfred Roy Carey.


Nagkaroon sila ng tatlong anak, sina Alison, Morgan, at Mariah. Nag-divorce sila nu'ng tatlong taon pa lamang si Mariah. Si Alison ay nanirahan sa kanilang ama, samantalang sina Morgan at Mariah ay nanirahan kasama si Patricia.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page