top of page
Search

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 12, 2024



Showbiz Photo

Nagtamo ang sikat na Hollywood actor na si Dwayne Johnson ng injury na kanyang ibinunyag kamakailan sa Instagram.


Ayon sa 52-anyos na aktor, nasugatan siya sa filming ng nalalapit na pelikulang ’The Smashing Machine.' "Anytime your film is called The Smashing Machine, you're kind of going to get smashed up," saad ni Johnson.


Inamin ni Johnson na napuruhan siya sa ilang eksena at inaalalang maaaring magkaroon ng pinsala ang mga soft tissues sa braso niya na makukumpirma niya kapag tuluyang nawala na ang pamamaga ng kanyang siko.


Naging positibo pa ang remarks ni Johnson sa kanyang naging injury at naalala pa raw niya ang yumaong ama na si Rocky Johnson. Paalala raw kasi palagi nito na, "‘A day without pain is like a day without sunshine, boy!'"


Kinumpirma ni Johnson na nakaranas na siya ng mga injuries dati, ngunit humirit pa rin siya ng payo galing sa kanyang mga tagasuporta para sa mabilisan niyang paggaling.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment | June 10, 2024



Showbiz Photo

Iiwanan na nga ba ng mag-asawang Ben Affleck at Jennifer Lopez ang kanilang bahay sa Beverly Hills?


Ang mga isyung ito ay pumutok matapos malaman ng Entertainment Tonight (ET) na tahimik na sinusubukan ng dalawang ibenta ang kanilang estate sa halagang $60.8-milyon na binili nila nu'ng Mayo 2023.


Namataan din ang international singer na si Lopez na tumitingin ng mga bagong ari-arian nu'ng nakaraang linggo.


Umugong ang mga balita ukol sa kanilang pagbebenta ng bahay sa gitna ng mga usap-usapang paghihiwalay ng mag-asawa na ikinasal nu'ng 2022.


Matatandaang isang 'di ipinakilalang source nu'ng Mayo naman ang nagsabing ang dalawa ay kinakailangan ng break mula sa isa't isa.

 
 

ni Gela Fernando @Entertainment News | June 8, 2024



Showbiz Photo

Hindi naitago ni Kylie Jenner ang excitement sa balitang buntis na ang kanyang malapit na kaibigang si Hailey Bieber sa international singer na si Justin Bieber.


Ibinahagi ni Kylie sa kanyang Instagram story ang ilang mga throwback photos nila ni Hailey at sinabing hindi nila namalayan ang bilis ng panahon.


Caption ni Kylie, "[W]e're moms now @haileybieber." Game na game namang nag-react sa kanyang story si Hailey at sinabing, "Like.....where did the time go???????!"


Matatandaang ginulat ng mag-asawang Bieber ang madla matapos nilang isapubliko ang pagbubuntis ng modelo nu'ng Mayo 9 at mukhang hindi nga nakaligtas maging ang beauty mogul mula sa sorpresang ibinahagi ng kanyang kaibigan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page