top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 9, 2021


ree

Trending ngayon sa social media si Jennifer Lawrence dahil sa balitang buntis na ang aktres.


Masaya itong kinumpirma ng kampo ng Hollywood actress sa People Magazine.


Ito ang unang anak ng Oscar winner sa kanyang asawa na si art gallery director Cooke Maroney.


Matatandaang ang Hunger Games star ay ikinasal noong 2019 sa Rhode Island.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 26, 2021



ree

Pumanaw na ang Hollywood award-winning actress na si Jessica Walter noong Miyerkules sa New York City sa edad na 80, ayon sa kanyang anak.


Pahayag ng anak ni Walter na si Brooke Bowman, "It is with a heavy heart that I confirm the passing of my beloved mom, Jessica.


"A working actor for over six decades, her greatest pleasure was bringing joy to others through her storytelling both on screen and off. While her legacy will live on through her body of work, she will also be remembered by many for her wit, class and overall joie de vivre."


Samantala, hindi binanggit ng anak ni Walter ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Isinilang si Walter sa New York City at naging kilala sa kanyang pagganap sa mga pelikulang "Grand Prix", "Play Misty for Me", at "Photo Finish" kung saan siya nakatanggap ng Clarence Derwent Awards noong 1963. Nanalo rin si Walter ng Emmy award noong 1975 sa pagkabilang niya sa series na "Amy Prentiss" ng NBC.


Bahagi rin si Walter ng television series na "Trapper John M.D." at "Streets of San Francisco."


Mas naging tanyag ang pangalan ni Walter sa kanyang pagganap bilang si Lucille Bluth sa classic series na "Arrested Development" at pagbibigay-tinig sa katauhan ni Malory Archer ng animated series na "Archer."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page