top of page
Search

ni Angela Fernando @On The Verge News | July 2, 2024



News

Hindi na matutuloy ang pakikipagkumpitensiya ng ‘Wicked’ na pagbibidahan ni Ariana Grande sa ‘Moana 2’ na dapat sana ay sabay na eere sa takilya sa Nobyembre 27. Ipapalabas na sa mga sinehan ang movie adaptation ng inaabangang Broadway sensation nang mas maaga at mapapanood na sa Nobyembre 22.


Ang 'Wicked' — na pinagbibidahan nina Ariana Grande at Cynthia Erivo bilang dalawang mangkukulam — ay ipapalabas na sa mga sinehan sa parehong araw ng isa pang malaking sequel, ang ‘Gladiator II’.


Ibinahagi ng direktor ng pelikula na si Jon M. Chu sa ‘X’ na ang prequel ng The Wizard of Oz, na nanalo ng tatlong Tony Awards matapos ang premiere nito sa Broadway mahigit dalawang dekada na ang nakalipas, ay malapit nang mapanood ng mga tagasuporta nito sa mga sinehan.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 14, 2024



Showbiz Photo

Pinatutsadahan ni Khloé Kardashian ang kanyang nakababatang kapatid na supermodel na si Kendall Jenner sa kung paano nito sinasayang ang buhay na meron siya.


Sa episode ngayong linggo ng The Kardashians, tinanong si Khloé ng isang producer kung sino sa kanyang mga kapatid ang nais niyang makapalitan ng buhay o ang tinatawag nilang ‘Freaky Friday’.


Agad naman itong sinagot ni Khloé at sinabing si Kendall ang gusto niyang makapalitan ng buhay. "I could be a supermodel going around town. I could hook up with this person -- not that Kendall does that — but I would be doing that," dagdag pa ni Khloé. Ayon pa kay Khloé, hindi raw ganu’n mamuhay ang supermodel kaya sinasayang daw nito ang kanyang buhay.


“She definitely doesn't do any of those things. That's why she's wasting her life. You're wasting it, Kendall. Let me be you for a second,” saad ni Khloé tungkol sa 28-anyos na kapatid.


Matatandaang si Kendall, na piniling itago ang kanyang personal na buhay mula sa reality series ng kanilang pamilya sa Hulu, ay umamin nu'ng mga naunang season na mas boring talaga siya sa harap ng kamera ngunit marunong daw siyang magsaya sa likod nito.


Kahit iniisip ni Khloé na sinasayang ni Kendall ang kanyang kabataan, kamakailan ay muling nakipagbalikan ang supermodel sa kanyang Puerto Rican boyfriend at singer na si Bad Bunny.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 29, 2021


ree

Engaged na ang Hollywood actress na si Lindsay Lohan sa kanyang boyfriend na si Bader Shammas.


Inanunsiyo ito ng aktres sa kanyang Instagram at Twitter account kung saan nag-post siya ng mga larawan nila ng kanyang nobyo habang suot niya ang kanyang engagement ring.


“My love. My life. My family. My future,” caption ng 35-anyos na aktres.


Sina Lohan at Shammas ay tatlong taon nang magkarelasyon, ayon sa kampo ng aktres. Pinanatiling pribado ng dalawa ang kanilang relasyon.


Matatandaang unang na-engage ang aktres sa Russian socialite na si Egor Tarabasov pero naghiwalay din noong 2016.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page