top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 19, 2024



FIle Photo

Iniulat ng CBS News na naaresto ang kilalang pop star na si Justin Timberlake sa kasong 'drunk driving' noong Martes sa estado ng New York.


Ayon sa ulat ng network, ang paglilitis kay Timberlake dahil sa umano'y pagmamaneho habang lasing ay nakatakda sanang mangyari sa Martes ng umaga.


Hindi naman nagbigay ng komento ang mga pulis sa Sag Harbor, New York, isang komunidad sa silangan ng Long Island kung saan sinasabing nahuli si Timberlake.


May dalawang concerts si Timberlake na nakatakdang ganapin sa Chicago ngayong weekend at dalawang shows sa New York City sa susunod na linggo, ayon sa kanyang website. Hindi rin nagbigay ng komento ang mga representatives ng pop star.


Sumikat si Justin Timberlake bilang miyembro ng kilalang boy band na NSYNC bago siya nagtagumpay sa kanyang solo career sa musika at pag-arte.


Gumanap din siya sa ilang karakter sa mga pelikula at TV shows, at siya ay kilala sa kanyang mga papel bilang host at musical guest sa Saturday Night Live.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 12, 2024



Showbiz Photo

Nagtamo ang sikat na Hollywood actor na si Dwayne Johnson ng injury na kanyang ibinunyag kamakailan sa Instagram.


Ayon sa 52-anyos na aktor, nasugatan siya sa filming ng nalalapit na pelikulang ’The Smashing Machine.' "Anytime your film is called The Smashing Machine, you're kind of going to get smashed up," saad ni Johnson.


Inamin ni Johnson na napuruhan siya sa ilang eksena at inaalalang maaaring magkaroon ng pinsala ang mga soft tissues sa braso niya na makukumpirma niya kapag tuluyang nawala na ang pamamaga ng kanyang siko.


Naging positibo pa ang remarks ni Johnson sa kanyang naging injury at naalala pa raw niya ang yumaong ama na si Rocky Johnson. Paalala raw kasi palagi nito na, "‘A day without pain is like a day without sunshine, boy!'"


Kinumpirma ni Johnson na nakaranas na siya ng mga injuries dati, ngunit humirit pa rin siya ng payo galing sa kanyang mga tagasuporta para sa mabilisan niyang paggaling.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 30, 2021


ree

Pumanaw na ang Hollywood actor na si Gavin MacLeod na mas nakilala sa kanyang pagganap bilang Captain Stubing ng 1970s-80s sitcom na “The Love Boat” noong Sabado sa edad na 90.


Kinumpirma ng pamangkin ni MacLeod na si Mark See sa showbiz publication na “Variety” ang pagpanaw ng aktor ngunit hindi binanggit ang dahilan nito.


Nagkaroon din ng supporting roles si MacLeod sa "Kelly's Heroes" (1970) kasama sina Clint Eastwood at Telly Savalas, at "Operation Petticoat" (1959) kasama sina Cary Grant at Tony Curtis.


Samantala, maging ang aktor na si Edward Asner na nakasama ni MacLeod sa “Maty Tyler Moore Show” ay nagpahayag din ng kalungkutan sa pagkamatay nito.


Aniya, “My heart is broken. Gavin was my brother, my partner in crime (and food) and my comic conspirator. “I will see you in a bit Gavin. Tell the gang I will see them in a bit.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page