top of page
Search

ni Angela Fernando @News | July 10, 2024



Showbiz news

Pinangalanan ni Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) chairman at CEO Alejandro Tengco nitong Miyerkules si dating presidential spokesperson Harry Roque na tumulong sa pagbibigay ng lisensya sa ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga.


Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa mga POGO hubs na ni-raid, ibinahagi ni Tengco na nu'ng Hulyo 2023, sinamahan ni Roque si Katherine Cassandra Li Ong, ang otorisadong kinatawan ng Lucky South 99, sa isang pagpupulong sa kanyang opisina upang talakayin ang mga problema tungkol sa billing ng POGO firm mula sa PAGCOR.


Nilinaw naman nitong hindi na opisyal ng gobyerno si Roque nu'ng naganap ang nasabing pagpupulong.


Ayon kay Tengco, humirit sina Roque at Ong na bigyan ng pagkakataon ang POGO hub na bayaran ang kanilang utang sa loob ng anim na buwan na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $500,000, na kanilang binayaran na kay Dennis Cunanan, ngunit hindi natanggap ng PAGCOR.


Bukod pa rito, sinabi rin ni Tengco na humiling sina Roque at Ong na muling mag-apply ng lisensya ang hub dahil ito ay nakatakdang mag-expire nu'ng panahong iyon.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 18, 2022



Inihayag ni senatorial candidate Harry Roque na pabor siya sa same-sex marriage, at magpa-file ng batas na nagle-legalize ng same-sex marriage kung siya ay mananalong senador.


"Pabor po ako diyan dahil hindi po puwede manghimasok ang estado pagdating sa isyu kung sinong mamahalin at sinong magiging kapiling sa buhay,” aniya.


Noong Jan. 6, 2020, inanunsiyo ng Supreme Court na dismissed na ang motion to reconsider ng September 2019 ruling na nag-deny ng petisyon upang aprubahan ang same-sex marriage.


Pabor din aniya siya sa diborsiyo upang hindi mag-suffer ang mga anak sa ‘bad marriage’ ng mga magulang.


“Pabor din po ako dyan kasi talaga naman pong may mga taong nagkakamali ang nagbabayad po ay ang mga anak when the parents are stuck in a bad marriage.”

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 6, 2022



Inihayag ni former Palace spokesperson at ngayo’y senatorial aspirant Harry Roque na tinanggihan niya ang alok sa kanya na maging chairman ng Commission on Elections (Comelec).


“Perhaps for the first time I will reveal that the post of Comelec chairman was first offered to me,” pahayag ni Roque sa mga grupo ng reporters nitong Sabado.


Ayon pa kay Roque, hindi niya maaaring tanggapin ang alok na ito dahil siya ay ‘very loyal’ kay Pangulong Rodrigo Duterte.


“I said, I cannot accept that because obviously I am presidential spokesperson, and I am correctly perceived as being loyal to the President, and that is why I decided not to accept it because I might destroy the integrity of the commission, knowing that I am very loyal to the President, which at that time, was contemplating a run for the Senate, and also the daughter was running,” dagdag pa ni Roque.


Si Commissioner Socorro Inting ang ngayo’y acting chairman ng poll body matapos ang retirement ni Comelec chairman Sheriff Abas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page