top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 22, 2020



Tumindi ang pagnanais ng ilang mambabatas na ibalik ang death penalty sa bansa kaugnay ng karumal-dumal na pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.


Ngunit ayon sa Malacañang, ito ay nasa kamay ng Mababang Kapulungan at Senado.


Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “Ang pagpapasa po ng death penalty, ‘pag bubuhayin po ay sa mula’t mula, prayoridad ng ating presidente, pero nakasalalay po ang mangyayari riyan sa batas na iyan sa kamay siyempre ng mga mambabatas ng Mababang Kapulungan at ng ating Senado.”


Samantala, nahaharap na sa kasong murder si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na bumaril at pumatay sa mag-inang Sonya Gregorio at Frank dahil lamang umano sa improvised firecracker “boga” at alitan sa right of way.


Siniguro rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili sa kulungan si Nuezca.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 21, 2020




Galit na pinanood ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-viral na video ng pamamaril at pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac, ayon kay Senator Bong Go.


Sa video, makikitang nakaalitan ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca, 46, ang biktimang si Sonya Gregorio, 52 at ang 25-anyos nitong anak na si Frank Anthony dahil lamang sa paggamit umano ng homemade cannon at humantong sa pamamaril ng pulis na ikinasawi ng mag-ina.


Saad ni Go, "Galit din si Pangulo sa nangyari.” Samantala, una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi poprotektahan ni P-Duterte si Nuezca.


Aniya, "Iimbestigahan, kakasuhan, lilitisin at parurusahan po natin ang pulis na iyan — no ifs, no buts. Magkakaroon po ng katarungan dahil nakita naman po natin ang ebidensiya ng pangyayari.


"Hindi po kinukunsinti ng Presidente ang mga gawaing mali.”


Samantala, nahaharap na sa kasong grave misconduct involving homicide si Nuezca.


 
 

ni Thea Janica Teh | December 20, 2020



Nagsalita na si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ilabas at gamitin ng isang foreign publication ang kanyang mukha bilang GIF.


Ang Thai Enquirer ay isang online news portal na based sa Thailand ang nag-post nitong Disyembre 19, 2020 ng GIF ni Roque at may caption patungkol sa kampanya ng Thailand sa pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng social distancing sa panahon ng pandemya.


"It is encouraging that foreign media, particularly Thai Enquirer, has taken notice of the Philippine government's Minimum Public Health Standards Advocacy Campaign of wearing a face mask, washing of hands, and maintaining a physical distance, which is known locally as 'Mask, Hugas, Iwas'," sabi ni Roque.


Dagdag pa ni Roque, isa umanong magandang sign na nakaabot internationally ang kampanya ng Pilipinas sa pagpuksa sa COVID-19 dahil ito ay epektibo.


Samantala, matapos i-post ng Thai Enquirer ang GIF ni Roque, muli itong nag-post at sinabing hindi nila kilala si Roque. Ginamit lang umano nila ang GIF dahil si Roque umano ay “round and Asian.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page