top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 28, 2023



ree

Handa na ang Hamas na tuluyang harapin ang sunud-sunod na pag-atake ng Israel na sumira sa Gaza.


Dagdag ng militanteng grupo, kasalukuyang nakikipagbuno ang kanilang mga tauhan laban sa Israel.


Ito ay matapos sabihin ng tagapagsalita ng militar ng Israel na si Rear Admiral Daniel Hagari na kanilang pinalawak ang mga operasyon at binomba ang mga daan at imprastrakturang pwedeng gawing lusutan ng Hamas nu'ng Biyernes, Oktubre 27.


Pinaalam din ng Hamas na kanilang nakababangga ang Israeli sa hilagang-silangang bayan ng Beit Hanoun at sa gitnang bahagi ng Al-Bureij sa Gaza kamakailan.


Samantala, pumapalo na sa mahigit 7,028 ang bilang ng mga namatay, kasama ang 2,913 na bata.





 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 19, 2023



ree

Nasawi ang isang Pilipino sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas, ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ngayong Huwebes.


Dahil dito, umabot na ang bilang ng mga namatay na Pilipino sa apat.


“I regret to inform the nation that we have received confirmation from the Israeli government of another Filipino casualty in Israel,” ani Manalo sa kanyang tweet.


“Out of respect for the wishes of the family, we shall be withholding details on the identity of the victim. But we have assured the family of the Government’s full support and assistance,” dagdag niya.


Ang namatay ay isang Pinay na caregiver na nasawi sa atake ng Hamas sa Israel noong Oktubre 7, ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega.


“She is one of the three missing Filipinos. Israel has confirmed. According to their record or testing, she is one of those who died due to the attack on October 7. She works in the Kibbutz as a caregiver,” sabi ni De Vega sa Radyo 630 ngayong Huwebes.


Dalawang iba pang Pilipino ang nananatiling nawawala, ayon kay De Vega.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 26, 2021


ree

Pinaulanan ng airstrikes ng Israel ang Gaza noong Linggo nang gabi matapos ang “incendiary balloons” mula sa Strip na naging sanhi ng sunog sa ilang bahagi ng southern Israel.


Ayon sa ulat, tinarget ng Israel ang open area sa northern Gaza at ang militant training site ng Hamas Islamists rulers sa Strip.


Saad ng Israel Defense Forces, "The decision was made following the continued launching of incendiary balloons from the Gaza Strip towards Israel, which constitutes a violation of Israeli sovereignty.”


Ang Hamas din umano ang responsable sa lahat ng aktibidad “Within the Gaza Strip and all actions originating in the Gaza Strip directed towards the state of Israel.”


Saad pa ng Defense Forces, "It will therefore bear the consequences for the violence committed against the citizens of the state of Israel."


Ang mga naturang balloons ay basic devices na ginagamit upang maging sanhi ng sunog sa mga farmland.


Samantala, wala pang naiuulat na casualties sa naturang insidente.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page