top of page
Search

Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023



ree

Hiniling ng kapatid na OFW ng pinaslang na Pinay nurse sa Israel na si Angelyn Aguirre na maiuwi sa bansa ang kanyang mga labi.


Nasawi si Angelyn sa bahay ng kanyang amo nang umatake ang Hamas nu'ng Oktubre 7, 2023.


Maayos na nakauwi sa bansa ang kapatid ni Angelyn na si Angenica Aguirre kamakailan ngunit hindi niya magawang tuluyang magsaya dahil naiwan pa sa Israel ang mga labi ng kanyang kapatid.


Aniya, huli silang nagkitang magkapatid halos pitong araw bago ang pag-atake ng Hamas kung saan napatay nga si Angelyn sa tahanan ng kanyang amo.


Dagdag niya, meron silang palitan ng pag-uusap mismong araw ng Oktubre 7.


Ninanais ni Angenica na maiuwi na ng 'Pinas ang bangkay ng kapatid upang maayos nila itong maipagluksa.


Inaasahang darating ang mga labi ni Angelyn sa bansa bukas, Nobyembre 4.


Sa kabilang banda, inaayos naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang tulong-pinansiyal na matatanggap ng pamilya Aguirre.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023



ree

Nasawi ang 47 katao at isa sa komandante ng Hamas sa ginawang pag-atake ng Israel sa Jabalia camp.


Ayon sa Israel, sinugod ng kanilang mga eroplano ang isang malawak na lagusan sa lugar, na ikinamatay ang maraming "teroristang" miyembro ng Hamas kasama na ang commander ng battalion na si Ibrahim Biari.


Hindi kukulangin sa 47 na bangkay ang narekober na nasaksihan ng Agence France-Presse (AFP).


Isang 41-anyos na saksi ang nagsabi na parang lindol ang naging pagsabog na dulot ng malakas na atake.


Nangako naman ang mga lider ng Israel na kanilang lalabanan ang Hamas bilang ganti sa ginawa ng mga ito nu'ng nakaraan.



 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 28, 2023



ree

Nakikipagtulungan ang 'Pinas sa Israeli Defense Forces upang mahanap ang 2 Pinoy na nawawala sa gitna ng karahasang nangyayari sa Hamas-Israel.


Ayon sa opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) na si Hans Leo Cacdac may umaabot sa 770 pamilya sa bansa ang humihingi ng tulong sa ahensya upang hanapin ang kanilang mga mahal sa buhay sa Israel.


May 768 na OFWs na ang nahanap at patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang DMW sa IDF upang mapabilis ang paghahanap sa dalawang Pilipino.


Sa kasalukuyan, wala pang nakukuhang impormasyon hinggil sa paghahanap sa mga nawawala


Hindi naman tumitigil at nawawalan ng pag-asa ang DMW na mahanap ang dalawang OFW.






 
 
RECOMMENDED
bottom of page