top of page
Search

ni VA, MC @Sports | June 26, 2024



Sports News


Gaya ng inaasahan, nadagdagan pa ang naunang 15 Filipinong atleta na nag-qualify sa darating na Paris Olympics.


Pinakahuling nadagdag sa mga Filipino Olympic qualifiers ang dalawang kababaihang golfers sa katauhan nina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina.Kapwa nakapasok sina


Pagdanganan at Ardina sa 60-player cutoff para sa Olympic golf competition sa pagtatapos ng  qualification period noong Lunes-  Hunyo 24.May ranggong 113th sa world ranking nakamit ni  Pagdanganan  ang 35th spot  ng itinakdang player cut-off upang makapasok sa Olympics sa ikalawang sunod na pagkakataon. Kasalukuyan namang nasa No.298 sa world ranking, nakamit naman ni Ardina ang 55th spot para sa kanyang unang Olympic stint.


Base sa itinakdang qualification system para sa Paris Games, pasok ang nasa top 15 ng world rankings kasama ang mga susunod na highest ranked players para sa kabuuang 60- women field.Gayunman, limitado sa hanggang dalawa lamang kada-bansa ang mapapabilang sa listahan.Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-qualify si Pagdanganan sa quadrennial meet kasunod ng pagsabak niya sa nakaraang Tokyo Olympics kung saan kasama niyang nag-qualify ang ngayo'y Japanese citizen nang si Yuka Saso.   


Samantala, 20 na at nadaragdagan pa ang mga atletang lalahok sa ika-100 taon na partisipasyon ng bansa sa  Olympics kung saan swak na rin sina  swimmers Kayla Sanchez at Harold Hatch maging si judoka Kiyomi Watanabe sa Summer Games.


Ang bilang ay nadagdagan mula sa International Golf Federation’s (IGF) official announcement sa Paris qualifiers na sina Pagdanganan  na No. 35 at  Ardina na No. 55 sa top 60 cut off ng Olympics.


Great news, and we can even ask for more,” ayon kay Philippine Olympic Committtee president Abraham “Bambol” Tolentino mula sa Metz, France, kung saan siya nakagabay  sa pre-Paris training camp ng mga atleta sa  La Moselle kasama si chef de mission Jonvic Remulla.


Each day, as the countdown to the Olympics dwindles, the morale goes higher and higher,” dagdag ni Tolentino. 


Ang iba pang Filipino qualifies sa Paris sina weightlifters Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Elreen Ando; boxers Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Eumir Felix Marcial; rower Joanie Delgaco; fencer Samantha Catantan; at gymnasts Carlos Yulo, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar.


 
 

ni Eddie M. Paez, Jr. - @Sports | June 11, 2022


ree

Walang planong kumalas sina Pinay parbusters Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina sa kanilang mga pangarap na makapagparamdam sa professional women's golf sa buong mundo at sabay silang hahataw sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Shoprite Classic sa Galloway, New Jersey ngayong weekend.

Hahataw ang dalawang pambato ng Pilipinas kasama ng mga malulupit na pangalan sa malupit na tour na nakabase sa Estados Unidos. Kabuuang $1,750,000 ang nasa palayok ng pabuyang puwedeng iuuwi ng mga mananalo sa tatlong araw na patimpalak na tatampukan ng 54 na butas sa par-71 na golf course.


Tiyak na gigil na makabawi sina Pagdanganan at Ardina matapos ang mapaklang mga laro nila sa prestihiyosong US Women's Open na ginanap sa Pine Needles Lodge and Golf Club ng Southern Pines, North Carolina.

Nakapasok sa weekend play si Pagdanganan, dating reyna ng Southeast Asian Games, at nakapagbulsa ng $19,777 sa US Open. Pero ito ay malayo sa trono dahil pang-68 lang siya sa kabuuan.

Samantala, bagamat nakahirit ng titulo na nagkakahalaga ng $30,000 sa Epson Tour si Ardina, 28-taong-gulang, nang magwagi ito sa Copper Rock Championships sa Utah kamakailan, naobliga naman siyang mag-empake pagkatapos lang ng dalawang rounds sa US Open dahil sa lumobong iskor. Ganito rin ang naging kapalaran ni 2021 US Open titlist Yuka Saso na ngayon ay kumakatawan na sa Japan.


 
 

ni Eddie M. Paez, Jr. - @Sports | May 4, 2022


ree

Inangkin ni Rianne Malixi ng Pilipinas ang panlimang puwesto sa 2022 American Junior Golf Association (AJGA): Rome Junior Classic sa Georgia.


Ikinalat ni Malixi ang tatlong birdies upang kontrahin ang dalawang bogeys sa huling 18 butas ng 3-araw na kompetisyon tungo sa kabuuang iskor na 1-under-par 212 strokes (67-75-70). Inokupahan nina Sara Im (USA), Thanana Kotchasanmanee (Thailand), Alice Ziyi Zhao (China) at Lydia Swan (USA) ang unang apat na baytang sa paligsahan.


Ang torneo ay isa sa tatlong warm-up events ng dalagitang Pinay bago ito sumalang sa Hanoi SEA Games na magsisimula na ngayong Mayo 12. Nauna rito, naisalba ni Malixi ang runner-up honors sa AJGA: Ping Heather Farr Classic sa palaruan ng Longbow Golf Club sa Mesa, Arizona.


Kumartada si Malixi, 15-anyos, ng kabuuang 6-under-par 207 na palo para makasosyo niya si Kelly Xu ng USA sa 2nd place sa paligsahang pinagwagian ni Jasmine Koo (205 strokes).


Kamakailan, humabol siya sa trangko sa huling 18 butas upang makaakyat sa trono ng AJGA: Thunderbird Junior All-Star Tournament sa Arizona pa rin.


Tatlong mga kalahok ang nagpatas pagkatapos ng regulation play sa Thunderbird. Bukod kay Malixi, na nakaipon ng 207 strokes mula sa markang 69-68-70, pumasok din sa playoff si round 1 at 2 pacesetter Nikki Oh (65-71-71) mula sa Torrance, California at Scarlett Schemmer (72-66-69) ng Birmingham, Alabama.


Laglag para sa karera sa korona sa unang playoff hole si Oh bago naselyuhan ni Malixi ang trono sa pangatlong butas. Matatandaang nagkampeon din si Malixi sa 2021 Se Ri Pak Desert Junior event.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page