top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | May 14, 2021



ree

Isang koponan na binuo ng magandang samahan, iisang hangarin at maayos na pagmamando ang matagumpay na natagpuan sa coaches at manlalaro ng KCS Computer Specialist Mandaue City upang makamit ang kauna-unahang kampeonato sa Visayas division ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup.


Mailalarawan ni head coach Mike Reyes at defensive guard Ping Exciminiano ang pantay-pantay at kabuuang samahan ng kanilang koponan, na sa anumang mga pagsubok dahil pandemic, injuries at maigsing panahon ng paghahanda, nanatiling buo ang layunin ng lahat na makuha ang pinakamataas na karangalan. “I learned a lot. Many are worried about the bubble pero parang naging plus factor pa kase you get to know each and every individual outside the court, I believe if you get to know each and every individual you can ask the best from them,” pahayag ni Reyes, kahapon sa TOPS: Usapang Sports, via zoom online. “In the basketball side, usually we have time to prepare for the tournament but this one we had 1 month and 1-week, kaya medyo questionable ang ginagawa namin on the court, kaya I address the most important things to be done on the court,” dagdag ni Reyes, na ginabayan ng husto ang koponan upang magapi ang season-favorite na MJAS Zenith-Talisay City Aqustars sa game 3 ng best-of-three finals.


Aminado ang 32-anyos na Olongapo City-native na produkto ng Far Eastern University na si Exciminiano na marami siyang naging adjustments sa pagbabalik sa maayos na laro kasunod ng hamstring injury.


So ang ginawa ko lang yung mentality ko dapat di ako ma-down kahit may injuries na nangyari yung mga stress kailangan labanan ko yun, ayon 'yung mga ginawa ko, kailangan palakasin ko lang loob ko, need maging positive ako. Nag-try ako na maglaro ulit at 'yung confidence ko bumalik na at di ko iniisip yung injury ko and proud to say na bumalik na yung Ping Exciminiano na nakilala nila dati,” paliwanag niya na kasalukuyan ding nakapirma ng 1-year contract sa Talk “N Text Tropang Giga, na pa- Laoag City upang isagawa ang paghahanda sa pagbubukas ng 46th season ng Philippine Basketball Association (PBA) na tinatarget sa Hunyo.


 
 

ni Gerard Peter - @Sports | May 13, 2021



ree

Iminuwestra ni Five-time World sambo medalist Sydney Sy ang magandang porma at tamang kumbinasyon at bilis ng mga judo techniques upang tanghaling pinakamahusay na lady judoka sa pagkamit ng 2 gintong medalya at special awards sa katatapos lang na 1st UST Judo Women’s Uchikomi (Form) Virtual Tournament nitong linggo ng umaga sa Sports on Air podcast.


Ibinulsa ng 21-anyos na Davao City-native ang gintong medalya sa +70kgs heavyweight division sa iskor na 74.26 sa final round upang ungusan sina sophomore Krizza Amisola (67.8) ng Manila, team captain Risa Erica dela Cruz (63) at Christine Pagdanganan ng Quezon City, gayundin ang pagkopo sa overall category at special awards na best in Uchikomi form at best player award.


It’s a very nice event kasi not only nirerenew niya po yung competitive edge ng athletes but also it’s something to look forward to after more than a year of training virtually, most especially yung mga teammates ko po who experienced hiatus in competitions,” pahayag ng 2nd year IPEA Sports Management student-athlete, na umaasang muling makapaglalaro sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2 sa sports na Kurash, kung saan nagwagi siya ng bronze medal sa heavyweight division sa nagdaang 2019 biennial meet sa bansa. “As of now po, the situation is very indefinite in terms of competitions but if given an opportunity to be able to compete in the upcoming competitions and SEAG, I will definitely strive in order to get a great outcome,” paliwanag ni Sy, na nanalo rin ng bronze medal sa 2017 Singapore meet sa women’s judo under-78kgs category.


Matatandaang noong isang taon ay nakamit ng 82nd UAAP Rookie of the Year awardee ang bronze medal sa 2020 World Sambo Championships noong Nobyembre sa Novi Sad, Serbia nang talunin nito si Evadne Huecas ng Spain sa senior’s division sa kasagsagan ng matinding pananalasa ng mapanganib na Covid-19.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | May 12, 2021



ree

Mas matitinding mga parusa ang nakatakdang kaharapin ng bawat manlalaro, coaches at ilan pang miyembro ng isang koponan ng Philippine Basketball Association (PBA) kung sakaling labagin ng mga ito ang health and safety protocols na ipatutupad ng Inter Agency Task Force sa pagsisimula ng closed-circuit practice sessions.


Nagbabala si PBA commissioner Willie Marcial na mas malaki pa sa mga multang ipinalabas noong nakalipas na ‘PBA bubble’ sa Clark sa Pampanga, maging ang mga suspensiyong nakaatang sakaling labagin ang mga kautusan at panuntunan ng pamahalaan at liga.


Tiyak umanong hihigit pa sa P100,000 at 10 araw ang matitikmang suspensiyon sa mga susuway sa training protocols, kung saan gagawin ang mga pagsasanay sa Batangas City na may Batangas Coliseum, Lyceum of the Philippines University-Batangas at Batangas State University, na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ). “Panigurado mas malaki pa dun sa penalties na ibinigay natin sa Clark bubble. Hindi naman nalalayo yung figures doon at pwede ring ma-suspend ng 10 days, kase nga gusto natin na maging successful yung bubble,” wika ni Marcial sa ginawang press briefing noong isang linggo.


Muli niyang ipinapaalala na ginagawa ang naturang kautusan para sa kapakanan ng lahat ng mga manlalaro, coaches, staff, personnel at mga pami-pamilya ng bawat isa. “Ginagawa lang naman ito para din sa lahat ng players at kapwa team mates nila, kasama sa team at bawat pamilya ng isa’t isa. Sana lang maintindihan nila,” saad ni Marcial.


Mahigpit na ipatutupad ng PBA ang closed-circuit set up, kung saan papayagang makauwi ang bawat manlalaro, ngunit kinakailangang diretso lang ito sa bahay, gayundin pagbalik ng practice venue lamang. "Mayroon tayong gagamiting app na magmo-monitor sa mga players kung nasaan sila. Honesty lang talaga. Oras na malaman namin na hindi nila ni-log o may pinuntahan sila, nahuli namin, may pruweba kami na nilabag nila ‘yung protocols natin, suspension, fine o both ang ibibigay natin,” paliwanag ni Marcial.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page