top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | May 28, 2021



ree

Handa nang makipagsabayan at makipagtagisan ang mga homegrown talents ng tatlo sa siyam na koponan para sa karapatang maangkin ang kauna-unahang titulo ng Mindanao division ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup na inuurong ang pagbubukas simula sa Hunyo.


Wala pa mang pormal na napipiling lugar para pagdausan ng Mindanao leg matapos umatras ang Dipolog City na maging host ng kauna-unahang professional league sa katimugan dahil sa tumataas na kaso ng mapaminsalang coronavirus disease (Covid-19) sa Zamboanga del Norte, inihayag ni Chief Operating Officer ng Vis-Min na si Rocky Chan na namimili na lang sa dalawang Local Government Unit (LGUs) kung saan idaraos ang mga laro sa Mindanao.


I hope to get a word from the LGUs that we are in talks, hopefully today, but in the week will be finalizing. Actually, may isa ng nag-commit na LGU who’s willing to host the Mindanao leg, but for now I cannot divulge until we finalize kase I don’t want to pre-empt the negotiations namin,” pahayag ni Chan, Huwebes ng umaga sa weekly TOPS: Usapang Sports webcast sa Sports on Air. “We’re choosing two LGUs na lang po, medyo may pinaplantsa lang po tayo, but rest assured na within a week malalaman na natin kung sino ang official host for the Mindanao leg,” dagdag ni Chan sa programamg suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).


Gayunpaman, napabanggit ni City Sports Director at team manager ng Iligan City na si Amador Baller, na pinagpipilian na lamang ang Mindanao Civic Center sa Lanao del Norte at isang sports complex sa Pagadian City.


Puro bata at walang mga pro yung team namin. Yung iba MPBL lang galing, mga varsity player ng Cebu, pero native ng Iligan. Though we’re planning to get additional players from Luzon, kase ang daming ex-pro ng ibang teams,” eksplika ni Baller. “Malaking tulong na we’re invited sa league para makatulong na ma-promote sa mga kabataan, mostly mga bata ang kinuha para ma-develop at mabigyan ng chance na matupad ang mga pangarap nila.”

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | May 27, 2021



ree

Dalawang Philippine national boxers ang didiretso sa semifinal round ng 2021 Asian Elite Men’s and Women’s Boxing Championships kasunod ng mga impresibong panalo sa ikalawang araw ng aksyon sa Dubai, UAE.


Nagpakawala ng malulutong na kombinasyon sa mukha si Mark Lester Durens upang makuha ang referee stop contest (RSC) sa quarterfinal round laban kay Mansour Khalefahat ng Kuwait sa unang round pa lang ng men’s -under49kgs light-flyweight division upang umabante sa semifinal round.


Nakatakdang makatapat ni Durens si Daniyal Sabit ng Kazakhstan na tinalo naman sa kanilang sariling quarterfinal bout si Kornelis Kwangu Langu ng Indonesia via 5-0.


Nakakuha rin ng ticket patungong semifinals sa men’s bantamweight category si Junmilardo Ogayre ng gulpihin si Rukmal Prasanna ng Sri Lanka via 5-0, mula sa 30-27, 30-27, 29-28, 30-27, at 29-28 sa mga hurado. Sunod na kakaharapin ni Ogayre si No.1 seed Mirazizbek Mirzahalilov ng Uzbekistan na dinaig si Mohammad Hassam Uddin ng India sa iskor na 4-1.

Tumawid din ng quarterfinals si Jere Samuel dela Cruz ng banatan si Jeewantha Wimukthi, 4-1 sa lightweight bout para kaharapin si Varinder Singh ng India.


Matapos ang impresibong panalo ni John Paul Panuayan sa preliminary rounds laban kay Majid Alnaqbi ng UAE, yumuko ito sa quarterfinals kay No.1 seed Bakhodur Usmonovat ng Tajikistan matapos makuha ang referee stop contest sa round no.3 sa welterweight class.


Hindi rin nakalusot sa semifinals si Maricel dela Torre sa women’s lightweight category ng sibakin ni 2019 Southeast Asian Games bronze medalist Huswaton Hashanah ng Indonesia sa pamamagitan ng 0-5 mula sa 27-30, 27-30, 26-30, 27-30 at 27-30 sa mga hurado.

Maaga namang napatalsik si 2018 Tammer Cup gold medalist Marvin Tabamo sa preliminary round ng men’s flyweight laban kay Ramish Rahmani ng Afghanistan, 2-3, na silver medalist sa President Cup.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | May 24, 2021



ree

Hindi pa rin mapipigilan sa pagkamit ng pangarap na makuha ang lahat ng titulo sa bantamweight division ang 4-division world champion na si “Filipino Flash” Nonito Donaire na matindi ang paghahanda para sa championship fight laban kay WBC title holder Nordine Oubaali ng France sa Mayo 29 sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.


Pursigido pa rin ang 38-anyos mula Talibon, Bohol na makulekta ang lahat ng 115-pound belt, habang nakikinita pa nitong tatagal pa siya sa mundo ng boksing ng mula 5 hanggang 10 taon. “I have a dream which is to be the undisputed bantamweight champion, and at 38-years-old I think I am capable of doing it,” pahayag ni Donaire sa Boxingscene.com.


Mabibigyan muli ng pagkakataon ang dating bantamweight king na lumaban para sa titulo bilang mandatory challenger kontra sa 34-anyos na dating 2007 World Championships bronze medalist, na minsang nang naudlot ang pagtatapat noong isang taon matapos magka-COVID-19.


Bukod sa pagnanais na hubaran ng korona ang Frenchman southpaw, ang daan para sa inaasam na undisputed kingpin ay pupuntiryahin ni Donaire sa isang rematch kina WBC/WBA/The Ring titlist “The Monster” Naoya Inoue ng Japan na idedepensa ang titulo kay Filipino Michael “Hot and Spicy Dasmarinas sa Hunyo; at WBA (regular) champ “The Jackal” Guillermo Rigondeaux ng Cuba na makikipag-unify ng titulo kay WBO Johnriel “Quadro Alas” Casimero sa Agosto. “The first step is on May 29 against Nordine Oubaali, a good fighter, but he's never faced an opponent like me, and then we are definitely going to pursue a rematch with Inoue and gather the rest of the belts," saad ni Donaire.


Nauna ng ipinag-utos ni WBC President Maurico Sulaiman na idepensa ni Oubaali (17-0, 12KOs) ang titulo laban kay Donaire (40-6, 26KOs) para ipagpatuloy ang naunsyaming laban, matapos parehong tamaan ng COVID-19 ang dalawang boksingero noong isang taon.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page