top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | February 28, 2021



ree


Payak mang maituturing ang kanilang koponan, paniguradong may ibubuga at hindi aatras sa anumang laban sa pag-asang mairerepresenta nila ang bansa sa 31st Southeast Asian Games simula Nob. 20-Dis. 2 sa Hanoi, Vietnam.


Wala pa man umanong maipagmamalaking matatag na line up para sa mga pandaigdigang kompetisyon, ngunit optimistiko si Vovinam Master Jojo Quy Tran Gonzaga Jr. na ang iilang manlalaro nila ay paniguradong magbibigay ng medalya para sa bansa oras na maging opisyal silang kinatawan para sa biennial meet.


We don’t’ have a strong team right now, meron kaming line up, only 4 athletes pa lang. Para sa akin magsisimula ako ng zero dito sa Pilipinas, dahil bago lang kami,” pahayag ni Filipino-Vietnamese Master Quy Tran, Huwebes ng umaga sa TOPS: Usapang Sports na live na napanood sa Sports on Air Facebook page. “Though everytime naman na sumali kami may at may ipinapadala na 3 representatives, we always brought home 2 medals. Meron kaming sparring and diyan tayo magaling na mga Filipinos,” dagdag nito sa programang suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).


Kabilang ang pampalakasang Vovinam sa 40 sports na inilagay ng Vietnam Olympic Council at Organizing committee, habang parte pa rin umano ng 38 sports na planong ipadala ng Pilipinas para sa Vietnam meet.


Ayon kay PSC commissioner at Hanoi Games Chef De Mission Ramon Fernandez, parte ng 38 sports na napiling ipadala ng bansa sa regional multi-sport events ang Vovinam. Kinakailangan lamang umano na makipag-usap at lumapit ang pamunuan ng PVU sa pamumuno ni Mr. Jasper Movilla ng Cebu. “They are part of the lists of sports sa SEA Games. They need to coordinate and talk to the POC officials, most specially to Cong. Bambol if they want to represent country,” wika ng dating 4-time PBA MVP sa panayam ng Bulgar sa telepono.


Ilan sa mga maaaring maging pambato ng vovinam sa SEA Games ay sina Kristine Baguio, na nagwagi ng gold medal sa women’s 63kgs sa Doi Khan Sparring noong World Championships sa Cambodia2019 at isa pang gold medal noong 2018 Thap Tu Quyen sa Myanmar; Jaysa Anna Gabuya, na nakapag-uwi ng gintong medalya sa 49kgs category sa Dhoi Kang sa Asian Vovinam Championships sa Bali Indonesia at Cedric Bolneo na nakapagbulsa ng Silver sa Southeast Asian Championships sa 57kg Dhoi Kang sa Myanmar.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | February 26, 2021



ree


Asahan ang mabilis na takbuhan, umaatikabong habulan, at mahihigpit na depensang galawan ang maaaring maipakita ng isa sa mga paboritong koponan na Glutagence Glow Boosters sa pagbubukas ng 2021 WNBL Philippines ngayong taon.


Dahil sa pagkakaroon ng tinaguriang “The Splash Sisters” sa katauhan nina Camille Claro at Khate Castillo mula La Salle, gayundin ang pagtapik sa first draft pick na si Dra. Fille Claudine Cainglet galing UP Maroons para makuha ang unang tatlong picks, malaki ang posibilidad na makamit ng Glow Boosters ang kauna-unahang kampeonato ng first-ever professional women’s basketball league sa bansa.


As any other team, we also target the championship. Back up by other players that we’ve gotten who are as good as everyone in the league and with by securing the first three picks, we’re hoping na makapag-champion kami in this inaugural professional tournament,” pahayag ni Team Manager Nico Banson, kahapon sa lingguhang TOPS: Usapang Sports na live na napanood at napakinggan sa Sports on Air via Facebook page. “We don’t want to be complacent. We don’t want pressure to hit us kase kapag tumama na yung pressure mag-iiba na iyong style, we want to make sure that we reach our goals. Our first goal is to hit that, and get the championship, so even if people are saying that we are the favorites, we don’t want that to bother us on reaching that goal as a team.”


Nais ipadama ng Glow Boosters, sa pagmamando ni coach Justin Tan, ang mala-Golden State Warriors na istilo ng laro sa mga katunggali nito, kung saan gagamitin nila ang sistemang run-and-gun at ‘small ball style’ na hindi kinakailangan ng sobrang lalaking manlalaro at ang kinaugaliang post up offense at defense kundi mas aasa sa bilis at liksi ng galawan ng bola ng isang koponan. Nais nilang mapanatiling lahat ng mga lalaro sa loob ay makakapag-ambag sa sistemang ipapatakbo sa koponan.


Isang malaking pagkakataon umano na magkaroon ng mapaglalaruang liga para sa mga kababaihang basketbolista pagkatapos ng kanilang paglahok sa collegiate leagues gaya ng UAAP, NCAA, NCRAA, SCUAA, NAASCU at iba pang liga, dahil dito ay maipagpapatuloy nila ang nasimulan nilang pagkahilig at pagmamahal sa kanilang larangan.


This is a dream come true. After college wala ng future sa pro league for women. Big chance na maipakita ang talent at dedication at commitment as well sa basketball. sana maging inspiration kami to other women and promote women sports in our country,” wika ni dating UP Maroons players Ayra Hufanda, na napili ng Glow Boosters sa bilang ika-33rd pick sa round 11 ng WNBL draft nung Pebrero 13.


Aminado si dating Centro Escolar University guard Micah Figuracion na magiging mahirap sa kanila sa simula dahil bago ang koponan, ngunit dahil na rin sa nagkakalaban na sila sa labas at alam na nila ang istilo at laro ng bawat isa, ay maaaring makapag-adjust agad sila sa sistema.


Expect din naman na magiging good ang kalalabasan ng draft, magiging mahirap sa simula, dahil bagong team na naman siya, though magkakakilala na kami sa labas, sana maging maayos ang team namin bago makapagstart and will turn good.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | February 25, 2021



ree


Dumanas ng seryosong pinsala sa parehong binti ang renowned at multi-titlist professional golfer Tiger Woods matapos ang malagim na aksidente, Martes (kahapon sa 'Pinas) sa Los Angeles, California.


Masuwerteng nakaligtas ang 45-anyos na 15-time major golf champion kasunod ng pagbaligtad ng kanyang minamanehong 2021 Genesis GV80 malapit sa maburol na Palos Verdes peninsula, sa ilalim ng matarik na kalsadang madalas pangyarihan ng malalagim na aksidente ng ibang motorista.


Wala umano sa impluwensya ng drugs o alcohol ang World golf Hall of Famer nang maaksidente, na sasailalim sa isang surgery dahil sa natamong injuries. Wala siyang ibang kasamang pasahero sa car crash, ayon kay Los Angeles County Sheriff Alex Villanueva. “The airbags deployed, and the inside of the car stayed basically intact, and that gave him a cushion to survive the crash,” wika ni Villanueva, na ikinuwentong ang minamanehong SUV ay dumaan sa dalawang linya ng kalsada bago tumama sa isang puno at bumali-baligtad ang sasakyan na walang marka ng anumang skid marks dulot ng pagpreno at hindi magandang panahon. Hindi naman masabi kung mabilis itong nagpapatakbo, ngunit masuwerteng nakasuot ito ng seat belt. “I will say that it's very fortunate that Mr. Woods was able to come out of this alive,” saad ni deputy Carlos Gonzalez.


It is my understanding that he had serious injuries to both legs,” ika naman ni Los Angeles County fire chief Daryl Osby. “We are awaiting further information when he comes out of surgery. On behalf of the PGA Tour and our players, Tiger is in our prayers and will have our full support as he recovers,” pahayag ni PGA Tour commissioner Jay Monahan sa isang statement.


Nasa lugar umano ito ng PGA Tour event na taunang Genesis Invitational golf tournament sa Riviera Country Club sa Pacific Palisades, bago naganap ang aksidente.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page