top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | April 16, 2021



ree

Ipinagpaliban muna ang mga laro ng Chooks-to-Go Vis-Min Super Cup, Huwebes, kasunod ng kontrobersyal na laban sa pagitan ng ARQ Builders Lapu Lapu City Heroes at Siquijor Mystics na nagtapos sa dalawang quarters noong Miyerkules ng hapon.


Hindi muna natuloy kahapon ang bakbakan sa pagitan ng KCS Computer City Mandaue City at Tabogon Voyagers sa 2:00 pm schedule, MJAS Zenith Talisay City Aquastars at Mystics na nakatakda sa second game sa 5:00pm at ang main game na salpukan ng Tubigon Bohol Mariners at Dumaguete Warriors sa 8:00 pm.


Gayunpaman, muling ipapalabas ang mga laban ng Computer Specialist at Voyagers, Biyernes ng 4:00pm at salpukan ng Mariners at Warriors sa 7:00pm.


Ipinatigil ang laban ng Lapu Lapu City Heroes at Mystics bago magsimula ang second half matapos magkaroon ng technical difficulties bunsod ng pagkawala ng kuryente sa Alcantara Civic Center sa Cebu. Lamang noon ang Lapu Lapu Heroes sa pagtatapos ng halftime sa 27-13 ng biglang mawala ang buong kuryente.


Subalit, kapansin-pansin umano ang takbo ng laro na tila mayroong kakaibang napansin ang mga manonood at taga-hanga sa naging laban. Dahilan upang magsagawa ng isang imbestigasyon ang pamunuan ng Games and Amusement Board (GAB).


Ayon sa ulat na inilabas ng batikan at nirerepestong sports columnist at writer na si “The Dean” Quinito Henson sa kanyang twitter account nitong Biyernes, sinabi nitong tuluyan ng pinagbabawalan ang koponan ng Siquijor Mystics at pagsuspinde ng ilang manlalaro ng Heroes dahil sa kontrobersyal na laro.


GAB Chairman (Abraham) Mitra said Siquijor has been banned from Vis-Min Cup and Some Lapu Lapu players will be suspended in wake of farcical game that was called off at halftime in Alcantara, Cebu yesterday – through probe will be made and charges may be filed – what a disgrace to game!


Habang isinusulat ang istoryang ito, inihayag ni Vis-Min Chief Operating Officer (COO) Rocky Chan na maglalabas sila ng official statement sa naturang hakbang. Tumanggi itong magpa-interview sa Bulgar Sports at hintayin na lamang ang kanilang posisyon sa kontrobersyal na pangyayari.“We will come out with official statement. After that official statement, then I can do an interview,” pahayag ni Chan.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | April 6, 2021



ree

Nalalapit na ang panahon upang tuldukan nina dating UFC two-division world champion Conor “The Notorious” McGregor at dating UFC interim lightweight titlist “The Diamond” Dustin Poirier ang kanilang trilogy match-up na nakatakdang ganapin sa UFC 264 sa Hulyo 10.


Kinumpirma mismo ng 32-anyos mula Crumlin, Dublin, Ireland sa kanyang social media account ang ikatlong pakikipagtuos kay Poirier na nagpabagsak sa kanya nitong Enero 24 sa pamamagitan ng 2nd round TKO sa Dubai, UAE para maitabla ang paghaharap na nagsimula noong Setyembre 27, 2014 nang wasakin ng Irish fighter ang Lafayette, Louisiana-native sa bisa ng 1st round TKO sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos. “The fight is booked! July 10th you’re gonna see what the Mac is about. Adjust and absolutely f***ing destroy,” wika ni McGregor sa kanyang twitter account.


Ayon kay ESPN Ariel Helwani, pormal ng pumirma ng kontrata si Poirier para sa natrang pagtatapat na wala pang inaanunsyong lugar na pagdarausan, habang naglabas ng mensahe sa kanyang social media account si Poirier, “July 10th, 25 minutes locked in. Let’s Go!


Inaasahang magiging isa sa pinakamalaking kikitain ang inaabangang Trilogy sa kasaysayan ng UFC kasunod ng knockout-wins sa pagitan ng dalawang fighters na magsisilbing main event bout sa 155-pounds.


Susubukan ng dating featherweight at lightweight champion na makuha ang unang panalo ngayong 2021 matapos makamit ang unang pagkatalo sa pamamagitan ng knockout, kasunod ng mga pagkatalo sa pamamagitan ng submissions mula kina Artemij Sitenkov, Joseph Duffy, Nate Diaz at dating UFC lightweight titlist at undefeated-retired na si Khabib Nurmagomedov ng Russia.


 
 

ni Gerard Peter - @Sports | April 5, 2021



ree

Nakamit ni Sanman lightweight prospect Mark “Machete” Bernaldez ang kanyang ikalawang sunod na panalo sa panahon ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic sa ibang bansa matapos pabagsakin si Mexican Hector Ruben Ambriz Suarez sa 6t round ng non-title bout na Got talent IX, Marso 24 sa Media Pro Studios, Medley, Miami, Florida sa Estados Unidos.


Ipinatikim ng 26-anyos na tubong-Butuan City ang pambihirang malupit na kanang hook kay Suarez upang mapabagsak ito sa 2:31 ng 6th ng 8th round fight para matikman ang 2nd victory sa tatlong laban sa Estados Unidos. Itinigil ni referee Samuel Burgos ang laban matapos hindi na makabangon pa ang Mexican boxer buhat sa nasabing patama, para igawad kay Bernaldez (22-4, 16KOs) ang technical knockout victory laban kay Suarez (12-13-2, 6KOs).


Pinuri ni Sanman Promotions chief operating officer (CEO) Jim Claude Manangquil ang naging panibagong tagumpay ng dating ALA boxer na nagpaplanong bigyan pa ito ng mas malalaking laban sa susunod. “Great Performance for Mark. Where looking for another big fight for him,” saad ni Manangquil sa mensahe nito sa Bulgar Sports.


Nasundan ng 5-foot-6 boxer ang isang impresibong panalo kay Julian Evaristo Aristule (34-15, 17KOs) noong Oktubre 17, 2020 sa Manual Airtime Community Center Theater sa Miami, Florida na nagtapos sa 3rd round TKO. Hindi naging maganda ang panimula ng pagbabalik U.S. ni Bernaldez nang daigin ito ni Amercian Albert Bell sa The Bubble sa MGM Grand na nagresulta sa 10th round unanimous decision noong Hulyo 2, 2020.


Natamo ang 25-anyos mula Ensenada, Baja California, Mexico ng ika-9 na pagkatalo simula noong Enero, 2018.Sa takbo ng mga laban, maagang nagpakitang gilas ang Filipino boxer ng magpatama ito ng mga malalakas na hooks at straights sa simula pa lang ng laban. Sinubukan namang ipitin ni Suarez si Bernaldez sa gilid kasunod ng mga kumbinasyong suntok, subalit bigo itong masaktan ang Filipino boxer na palaging naiiwasan ang atake nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page