top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | June 18, 2021



ree

Hindi man naging matagumpay ang Philippine national surfing team sa nakalipas na Olympic Qualifying Tournament sa El Salvador, tila nailagay naman ng mga Filipinong atleta sa mapa ng buong mundo ang bansa pagdating sa nasabing pampalakasan dahil sa mahusay na pagpapakitang gilas kontra sa pinakamahuhusay na surfers sa maalong katubigan ng mundo.


Hindi inaasahan ni coach Ian Saguan ang impresibong performance ng mga Filipinong surfers na kayang makipagsabayan sa mga tinitingala lang noon na professional surfers sa buong mundo. Kahit na walang nakalusot na Pinoy surfers sa shortboard category sa 2020+1 Tokyo Olympics na nakatakdang simulan sa Hulyo 24-Agosto 8, nagagalak pa rin si Saguan sa naging resulta ng kanilang mga laro.


Very surprising, personally, di ko ine-expect na ganun na pala ang surfing natin sa Pilipinas kase unang-una yung mga kalaban nilang surfers na tinitingala nila noon, eh ngayon, personal na nilang nakakalaban. So, nakakatuwa lang kase dahil sa mga athletes na ito, nailagay tayo sa mapa ng world surfng, na ang Pilipinas is capable to compete, na mayroon tayong mga athletes dito na hindi basta basta rin,” pahayag ni Saguan, kasama si surfer Nilbie Blancada, kahapon ng umaga sa weekly TOPS Usapang Sports on Air webcast.


Nakasama ni Blancada sa El Sunzal at La Bocana sa El Salvador sa 7-day qualifying tourney sina John Mark Tokong, Edito Alcala, Jr., Daisy Valdez, Vea Estrellado at Jay-R Esquivel na ginawang lahat ng pinoy surfers ang lahat ng makakaya upang makapasok sa Summer Olympic Games na tanging isang surfer lang sa isang rehiyon ang makakapasok sa Olympiad.


Pinangarap ng 2019 Southeast Asian Games shortboard gold medalist na makuha ang isang slot sa prestihiyosong palaro na unang beses na gagawin sa Olympics, kung saan nagtapos ang kanyang karera sa Repechage match.


Ang target ko talaga ay makapasok sa Olympics. Ginawa ko naman ang lahat pero para sa akin okay lang naman. Siguro hindi pa para sa akin sa ngayon. Pero di kami titigil hanggang di ko makuha yung pangarap ko,” saad ni Blancada na nagsimulang maging surfer sa edad na 14-anyos mula Siargao.


 
 

ni Gerard Peter - @Sports | June 15, 2021



ree

Hindi pala pang-Pilipinas na korona ang nais makamit ng koponang Execration, kundi ang maging kampeon sa pandaigdigang kompetisyon.

Nakapaghiganti ang Execration laban sa Blacklist International sa Mobile Legends Southeast Asia Cup grand finals, 4-1, nitong Linggo, para sa kauna-unahang major title nito matapos ang nakapanlulumong pagkatalo sa ML:BB Professional League Season 7 noong isang buwan.

Isinelyo ng grupo nina Renz “Renzio” Errol Cadua (Experience lane), Patrick “E2MAX” James Caidic (Support), Kiel “Kielvj” VJ Hernandez (mid lane), Joshua “Ch4knu” Mangilog (tanker), Grant “Kelra" Duane Pillas (gold laner/core), at Billy” Z4pnu" Jazha Alfonso (6th man/Any role), ang best-of-seven championship title.

Paborito ang Blacklist na mapanalunan ang naturang kompetisyon na nanatiling walang talo sa MSC na nagawa ring talunin ang Execration sa unang laro.

Itinanghal na most valuable player ng MSC si “Kelra” Pillas kasunod ng mahusay na pagpapamalas ng 15 kills at 5 assists at 2 deaths habang gamit ang character na si Chang’e para pangunahan ang Execration sa series clinching na Game 5.

Hindi umubra ang mahigpit na depensa ng grupo ng Blacklist ng pabagsakin ni Kelra ang mga gamit nina Danerie James "Wise" del Rosario na Granger at Edward "Edward" Dapadap na Paquito upang mas ilapit sa tagumpay ang kanyang koponan. Dito naman nakakuha ng pagkakataon sina Kelra at Kielvj para wasakin ang base ng kalaban sa loob ng 15 minuto upang maipaghiganti ang 3-4 na pagkatalo sa MPL Philippines season 7.“I think the key to victory against Blacklist is [to] copy their strategy because it’s so strong against assassin metas and that’s why we banned the Aldous and give them the marksman and fight them with our assassin. We combine their [strategy] with their gameplay and I think that’s how we win against them,” E2MAX Caidic sa post-match press conference, na inamin nitong pinag-aralan na nila ang istratehiya ng Blacklist sa playoffs pa lamang.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | June 15, 2021



ree

Magkakahiwalay na hiyawan at pagbati ang sumalubong sa pagbaba ng service bus ni teenage basketball phenom Kai Sotto sa pagdating ng Gilas Pilipinas sa Quest Hotel, senyales ng posibleng paglalaro nito – ngunit tila walang kasiguruhan kung tunay na masisilayan ito sa loob ng court sa pagsabak ng koponan sa FIBA Asia Cup 2021 sa Angeles University Foundation Gymnasium sa Pampanga.


We're hoping that he'll be able to play with the rest of the team. He is still evaluated in terms of match fitness, based on my discussion with coach Tab Baldwin,” pahayag ni SBP Assistant to the President na si Ryan Gregorio, linggo ng hapon sa ginanap na virtual press conference. “We want to make sure that we are not compromising his health. He has not done a lot basketball in the last few days and we want to immerse him slowly. We want to make sure knows the defensive scheme of things. Our concepts on offense and our strategies and our scouting and all. Of course, on the top of it is building chemistry,” dagdag ng dating 3-time PBA champion coach.


Sasalang ang 12-man national team sa Miyerkules laban sa mahigpit na karibal na South Korean team bandang 6 p.m. kasunod ng tapatan ng China at Japan sa unang laro sa 2:30 ng hapon. Bukod kay Sotto, kung saka-sakali, pagpipilian pa kina newly naturalized at dating Ateneo Blue Eagles center Ange Kouame, Dwight Ramos, Justine Baltazar, Javi Gomez de Liano, Isaac Go, Mike Nieto, Jordan Heading, William Navarro, Jaydee Tungcab, Carl Tamayo, Lebron Lopez, RJ Abarrientos, SJ Belangel at Geo Chiu ang maglalaro laban sa Korean team na ibabandera naman ni naturalized Ra Gun-Ah (Ricardo Ratcliffe).


Makakatapat ng Gilas ang mas pinalakas na Indonesia team sa pangunguna ni dating PBA import Lester Prosper, sa Biyernes, Hunyo 18 sa 6pm at muli laban sa Korea sa Linggo, Hunyo 20 sa ala-3:00 ng hapon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page