top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | July 06, 2021


ree

Nagpahayag ng kanyang kahandaan sa national at regional pro title si 2016 Rio Olympian at unbeaten pro boxer na si Charly “King’s Warrior” Suarez kasunod ng dominasyong panalo laban kay Eduardo “The Nightmare” Mancito nitong nakalipas na Hulyo 3 sa Urdaneta Cultural Sports Complex sa Urdaneta City, Pangasinan.


Asam ngayon ng dating three-time Southeast Asian Games gold medalist na makamit ang anumang titulo sa Philippine Boxing Federation (PBF), Philippines Games and Amusement Board (PGAB) at international lightweight title sa kanyang susunod na laban.


Kung ano po ang magandang opportunity, naka-ready po ako,” pahayag ni Suarez sa panayam ng Bulgar Sports sa online messaging. “Kahit sino po. May mga plano na po akong laban sasusunod dito sa Pilipinas at international fights,” dagdag ng 32-anyos mula Sawata, Davao del Norte.


Nakamit ng 2014 Incheon Asian Games silver medalist ang napakahusay na performance nang gulpihin at ihatid sa ikalawang sunod na pagkatalo ang 28-anyos mula Iligan City, Lanao del Norte para sa 99-90, 98-92, at 100-89 na 10th round lightweight match para sa 7th straight na panalo kasama ang 5 kncokouts sa pro ranks, habang bumagsak naman sa 18-12-2 at 9KOs ang Davao del Sur-born na si Mansito.


Maging ang trainer at manager ni Suarez na si dating national mainstay at titlist Delfin Boholst ay nais ng maisabak sa isang title eliminator o title fight ang international amateur medalist na minsang nakalaban ni two-time Olympic gold medalist at dating 3-division World champion Vasyl “Loma” Lomachenko ng Ukraine noong amater ranks ng 2013.


Ang main event boxing match na pinamagatang “Relentless: Fists of Fire” boxing showdown ay inihatid nina Robert Hill ng VSP Boxing at Cucuy Elorde ng UKC Pro Boxing Edition na kinatampukan ng 10 boxing matches.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | July 03, 2021



ree

Umabot na sa 19 ang kabuuang bilang ng national athletes na sasabak sa 2020+1 Tokyo Olympics matapos opisyal na ideklara ng International Swimming Federation (FINA) ang pagkakasama nina Pinoy swimmers Luke Michael Gebbie at Remedy Alexis Rule sa quadrennial meet.


Lalangoy ang 2 Filipino-Foreign swimmers sa prestihiyosong Summer Olympic Games sa Hulyo 24-Agosto 8 sa Tokyo, Japan, kasunod ng pagbibigay ng Universality Places ng International Olympic Committee (IOC).


Kakarera sa tubigang 24-anyos na silver at bronze medalist ng SEA Games sa men’s 100m freestyle matapos makuha ang 828 FINA points, habang ang Texas Longhorns standout at double silver at bronze medalist sa 2019 SEAG ay sasalang sa women’s 200m butterfly sa nakolektang 830 FINA points.


Pinapurihan ni Philippine Swimming Inc. (PSI) president Lani Velasco ang pagpasok ng 2 Fil-Foreign athletes na nanguna sa top-ranked swimmers sa bansa kasunod ng mga nilahukang qualifying tournaments.


We congratulate the two swimmers for making it to the Philippine Olympic team! We thank them for their continuing dedication and sacrifice to serve our country well and we wish them all the best at the coming Olympic Games!” pahayag ni Velasco sa Facebook page, na pinuri rin ang ibang swimmers na sumabak sa mga qualifying tournaments gaya nina 2019 SEAG men’s 100m breaststroke gold medalist Jimmy Deiparine at 2-time Olympian at many-time SEAG medalist Jasmine Alkhaldi.


We also wish to commend all our other swimmers who gave their best to qualify for the Games, despite the recent circumstances. We hope you can all continue working towards achieving that Olympic dream in the coming years,” wika ni Velasco.


Makakasama nina Gebbie at Rule ang 17 pang atleta sa Olympiad na binubuo nina Ernest Obiena; Carlos Yulo; Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio, at Carlo Paalam; Chris Niervarez; Kurt Barbosa; Margielyn Didal; 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz at Elreen Ando sa weightlifting; shooter Jayson Valdez; women’s judoka Kiyomi Watanabe; sprinter Kristina Knott; at golfers Juvic Pagdanganan, 2021 US Open champion Yuka Saso at Bianca Pagdanganan.


 
 

ni Gerard Peter - @Sports | July 02, 2021



ree

Umaasa ang Philippine Sports Commission (PSC) na matutumbasan o malalampasan pa ng Pilipinas ang maipapadalang mga Paralympians sa 2020+1 Tokyo Paralympics matapos paniguradong makapagdadala ang bansa ng 5 national athletes.


Inihayag ni PSC Commissioner Arnold Agustin na naghihintay pa sila sa Tripartite Agreement na para sa 3 sports events mula Cycling, Para-Power Lifting at Table Tennis upang masamahan sina Allain Ganapin (Para taekwondo), Jerrold Mangliwan (Para Athletics; wheelchair racer), Jeanette Aceveda (Para Athletics; discuss thrower), Ernie Gawilan (Para Swimming) at Gary Bejino (Para Swimming).


Silang lahat ay dumaan sa standard qualifying event, so napakahirap ng pagka-qualify nila,” wika ni Agustin, kahapon ng umaga sa TOPS Usapang Sports on Air.


Mayroon pa tayong inaabangan by Tripartite Agreement dun sa ating cycling at sa para-power lifting, bale inaabangan pa rin natin iyon hopefully mapili rin sila,” dagdag ni Agustin na umaasang mapapantayan ang 6 na naipadala sa 2016 Rio Paralympics o higit pang manlalaro sa paralympiad na nakatakdang magsimula sa Agosto 24-Setyembre 5 sa Tokyo, Japan. “So, we’re still waiting sa tatlong event na iyon, hopefully magkaroon pa ng dagdag, kase nung last Rio Olympics 6 yung nagqualified natin eh, so right now 5 pa lang, maganda sana kung equal o madagdagan pa natin sa Tokyo Olympics,” paliwanag ni Agustin sa programang suportado ng PSC, Games and Amusement Board at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).


Sinabi rin ni Agustin na may tsansa na muling makabalik sa Olympiad si 2016 Rio Olympics singles class 8 bronze medalist at 7-time ASEAN Para Games champion Josephine Medina sa Tokyo meet kung sakaling magba-backout ang kasalukuyang World number 1 sa kanyang kategorya.


Although hindi siya (Medina) na-invite via partite, bale No.2 siya, just in case na magbackout yung No,1 makakapasok siya automatic,” saad ni Agustin, kung saan tinuldukan ng 51-anyos na two-time Asian Para Games silver medalist ang 16 na taong pagkagutom sa medalya sa Paralympic Games na huling kinuha ni para-power lifter Adeline Dumapong sa 2000 Sydney Paralympics sa kanyang bronze medal sa women’s under-82.5kgs category.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page