top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | July 10, 2021


ree

Nagpakita ng impresibong debut ang koponan ng JPS Zamboanga City mula sa mga beteranong manlalaro upang ihatid sa unang pagkatalo ang Kapatagan Buffalo Braves, 89-53, kahapon sa Mindanao leg ng Chooks-to-Go VisMin Pilipinas Super Cup sa Provincial Gymnasium sa Ipil Heights, Zamboanga Sibugay.


Kumamada ng 13 points si hometown kid at dating UE Red Warriors guard Gino Jumao-as para pangunahan ang opensiba ng Zamboanga City, habang rumehistro ang dating PBA veterans na sina Rudy Lingganay ng 12 pts, Mark Cardona 11 pts at Jerwin Gaco sa 10 pts.


Pinatunayan ng grupo ni coach Tony Prado na sila ang isa sa paboritong koponan na maaaring magdala sa Mindanao leg sa National Championships kontra Visayas champion na KCS Mandaue City Computer Specialist.


Maagang tinambakan ng Zamboanga City ang Kapatagan Braves, na kagagaling lang sa panalo kontra Iligan City Archangels, 64-56, sa pagtatapos ng unang quarter mula sa tulong nina Jumao-as, Ronnie Matias, Gaco, Espinas at Jaypee Belencion.


Sinubukang ibaba ng Kapatagan ang kalamangan sa 6 na puntos sa 1:42 ng laro sa 2nd quarter, kasunod ng mga puntos nina Renz Palma at Tey-tey Teodoro. “I told my players at halftime that the game is four quarters, 40 minutes. Naging complacent sila eh, now you have to show and come back like what you did in the first quarter,” wika ni JPS head coach Tony Pardo.


Pagpasok sa 3rd quarter ay muling bumuhos ang atake ng Zamboanga City at nilimitahan ang Kapatagan sa 10 puntos upang muling iangat sa 64-39 sa pagtatapos ng 3rd quarter mula sa 11-1 run.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | July 08, 2021


ree

Wala sa plano ng Jumbo Plastic-Basilan Peace Riders na magpatumpik-tumpik sa mga makakatapat nito kaya’t agad-agad itong nagpakita ng dominasyon matapos ilampaso ang ALZA Alayon Zamboanga Del Sur sa iskor na 82-48, kahapon sa pagbubukas ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao division sa Ipil Provincial Gym sa Ipil Heights, Zamboanga Sibugay.

Kasunod ng natanggap na go-signal mula nitong Martes mula sa local government unit at Games and Amusement Board (GAB), nagdesisyon si Chief Operating Officer Rocky Chan na tuluyan ng simulan ang Mindanao leg matapos makumpleto ang mga kinakailangang health screening, drug testing at iba pang mga importanteng dokumento mabigyan ng clearance ang mga ito.

“We are just happy that Ipil, Zamboanga Sibugay accepted us without hesitation as we tip-off our Mindanao leg,” wika ni Chan. “We would like to thank the city mayor and governor for hosting our games and the Games and Amusements Board, headed by Chairman Baham Mitra, for giving us the necessary licenses to resume our league.”

Simula pa lamang ng laro ay ipinadama na ng Peace Riders ang kanilang bagsik sa pagtatapos ng unang kalahati ng laro sa 40-14 sa pagtutulungan nina dating San Miguel Beermen forward at Jose Rizal University standout Michael Mabulac, Hessed Gabo, Chris Bitoon at Michael Juico. Mas lalo pang ibinaon ng Peace Riders ang Alayon Zamboanga del Sur sa third canto ng isalpak ang 30-point lead sa 61-31.

Pinangunahan ni Mabulac ang opensiba ng dating koponan na Basilan Steel sa 16 points, 11 rebounds at 3 assists, habang sinegundahan naman ito nina Gabo sa 14pts, 2rebs, 2asst, Bitoon sa 12pts, 2 rebs at 4 asst at Juico sa 11pts at 6 rebs. Tumayong nag-iisang kumana ng double digit si Dan Sara para sa Zamboanga del Sur sa 17pts at tig-isang 1reb at assist.

Maglalaban naman ngayong araw, Huwebes ang koponan ng Roxas Vanguards at Pagadian Explorers sa unang laro sa ganap na ala-1:00 ng hapon, habang susundan ng main event game na Clarin Sto.Nino at Misamis Oriental Brew Authoritea sa alas-3:00 ng hapon.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | July 07, 2021


ree

Pinaalalahanan ang lahat ng national athletes na sasabak sa Summer Olympic Games na manatiling ligtas at umiwas na madapuan ng delikadong coronavirus disease (COVID-19) upang hindi mabalewala ang lahat ng pinaghirapang pangarap na makatuntong sa prestihiyosong kompetisyon.


Dahil wala ng makapipigil pa sa pagdaraos ng Olympic Games na magsisimula sa Hulyo 24-Agosto 8 sa Tokyo, Japan, tanging ang mga atleta na lang sa buong mundo ang hinihintay na magpakita at maglaro rito sa kabuuang 339 events sa 33 sports, habang nasa 11 National Sports Association (NSAs) sa bansa ang maghahangad at magsusumikap na makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa loob ng 97 taon.


Ang preparation ng Olympics is always Go and the athletes are raring to go and ready to compete. Ang apprehensions lang natin is baka 'di sila agad pumasa sa tests or RP PCR tests, 'yun lang ang kinakabahan tayo, kase sayang naman 'yung pinaghirapan. Ilang taon ang pinaghirapan nila, and because of this (COVID-19) hindi sila makapag-compete,” ani 2020+1 Tokyo Olympics Chef de Mission Mariano “Nonong” Araneta sa panayam dito ng Radyo Pilipinas 2.


Yun ang nais nating iparating sa mga atleta na alagaan mo yung sarili nila for the next day’s bago mag-competition. Yun ang concern natin, kaya panay ang paalala natin na sundin ang playbook na wala ng despedida parties, walang kahit ano, basta focus on the Olympics,” dagdag ni Araneta, na tinukoy ang nangyaring kaso sa dalawang Ugandan athletes mula weightlifting, kung saan ang 8 delegasyon nito kasama ang boxers ay may close contact at inatasang manatili muna sa Izumisano Hotel sa Osaka para sa quarantine. Ang mga naturang atleta ay naturukan na ng dalawang doses ng AstraZeneca vaccines bago tumulak ng Japan.


Ito na rin mismo ang nakikitang magiging problema ng lahat ng delegasyon sa Tokyo Olympics dahil hindi paniguradong ligtas sa COVID-19 ang bawat atleta, kaya’t kinakailangang sunding mabuti at maging istrikto sa pagpapatupad ng playbook sa lahat ng atleta, coaches at officials.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page