top of page
Search

ni Gerard Peter / MC - @Sports | June 03, 2021



ree

Binigyan na nang go-signal ng gobyerno ang mga national athlete na lalahok sa Southeast Asian Games (SEA Games) sa Hanoi, Vietnam na sumabak sa bubble training. Base sa inilabas na joint administrative order ng Philippine Sports Commission, Department of Health at Games and Amusement Board mahigpit lang na babantayan ang mga atleta habang nasa training bubble.


Tamang-tama umano ang pag-apruba ng nasabing joint administrative order dahil sa nakahanda na rin ang sports facilities na nasa Baguio City. Nakasulat din sa kautusan na pirmado ni PSC Chairman William Ramirez, GAB at DOH na pinapayagan ang mga contact at non-contact sports magdaos ng training sa mga lugar na nasa ilalim ng moderate at low-risk community quarantine classifications.


Magtatalaga rin ng health and safety officers na magmomonitor sa mga atleta habang ang mga ito’y sumasabak sa dibdibang ensayo sa loob ng isang bio-secure environment.


Sa mahigpit na koordinasyon at pagkatig ng Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Paralympic Committee (PPC) sa ahensya ng pampalakasan ang mga national athletes na 18 pababa ay inaasahang kailangang magsumite ng written parental consent upang mapayagang magsanay.


We would like to thank the government through the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) for approving the JAO guidelines. This will boost the morale of our national team members as they prepare for the 2021 SEA Games,” pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.


Hindi lang namin alam kung saan-saan ang kanilang bubble trainings. Some of the NSAs ay mayroon ng nahanap at nasabi sa amin, but there are still na naghahanap pa.,” paliwanag ni PSC Commissioner Ramon Fernandez, Chef de Mission ng Vietnam Games, sa Bulgar Sports at paisa-isa pa nilang inaalam sa mga NSAs ang mga pagdarausan ng kani-kanilang bubble training set-ups. Binibigyan pa rin nila ng karapatan ang mga NSAs na maghanap ng kanilang mga LGUs na gagawan ng kanilang mga pagsasanay para sa biennial meet.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | June 02, 2021



ree

Isang Tripartite Agreement kasama ang Philippine Jump Rope Association (PJRA) at Department of Education upang maihatid ang magandang naidudulot ng jumping rope sa mga kabataang Pinoy.


Ang kasunduan at kolaborasyon ay parte na rin ng isang daan upang mapabilang ito sa MILO Home Court na magbibigay sa mga Physical Education teacher’s ng isang instructional videos na mapapanood sa YouTube, ng mga tamang kaalaman sa pag-jump rope at magandang pamamaraan upang manatiling aktibo kahit na nasa loob lamang ng bahay.


Itong tripartite initiative na ito is in line with our long term grassroots development program where we collaborate with the education and sports sector to champion the benefits of physical activity as a viable outlet for kids to learn better at school and to mark this new milestone as long as the celebration of the World Milk Day, we are enjoining the students, MAPE teachers, and all Filipinos out there, as well as parents and family members to jump rope,” pahayag ni MILO Sports Manager Nestle Phils. Inc. Lester P. Castillo, kahapon ng umaga sa lingguhang PSA Forum webcast, kasama sina Veronica V. Cruz, Senior Vice President Nestle Phils. Inc, Rob Layco Athlete Council ng PJRA at DEPED undersecretary Atty. Tonisito Umali.


Sinabi ni Castillo na naglunsad na sila ng programa noong Okt. 2020 sa Mandaluyong Elementary School, habang nagpamahagi na sila ng 180,000 piraso ng jump rope sa buong bansa para sa aktibong programa sa huling araw ng school year 2020-2021. Target din ng programa na maging parte ang jump rope sa Physical Education program sa susunod na pasukan. Nais ding puntiryahin ng programa na makamit ang inaasam na 10 million skips sa mga Pinoy na idaraos sa school break sa Hulyo. “We provided students with jump ropes to help them get active at home kase maganda sa jump rope, you need a very small space lang and can easily do it at home. So, that’s why we’re launch this tripartite partnership with PJRA and DepEd,” paliwanag ni Castillo.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | June 01, 2021



ree

Malaki ang posibilidad na magiging three-belt unification fight ang mega-bout battle sa pagitan ng nag-iisang eight division World champion Manny “Pacman” Pacquiao at WBC/IBF welterweight titlist Errol “Truth” Spence Jr., matapos magpahayag ang pamunuan ng World Boxing Association (WBA) na ibabalik nila ang “super” title belt ng Filipino boxing legend.


Sinabi ni WBA president Gilberto Mendoza na maaaring maibalik ang korona ng 42-anyos na Filipino Senator kasunod ng paglalagay dito bilang “Champion in Recess” nitong Enero, kasunod ng hakbang na ginawa ni MP promotions president Sean Gibbons na nagpadala ng pormal na liham upang hilinging maibalik ang titulo ni Pacman.


(MP Promotions head) Sean Gibbons, who represents Manny, they’ve written a letter to be placed back in [as WBA “super” champion]. We’re working on it. There’s a high probability. It has to be run through a championship committee and voted before being taken to the president,” pahayag ni Mendoza sa TheBoxingVoice.


Mula sa naging desisyon ng WBA na pansamantalang hubaran ng titulo si Pacquiao (62-7-2, 39KOs), ipinasa ng pamunuan ang titulo kay dating “regular” champion Yordenis “54 Milagros” Ugas ng Cuba matapos mabigong maidepensa ng future Hall of Famer ang titulo na napanalunan laban kay Keith “One Time” Thurman noong Hulyo 20, 2019 sa 12-round split decision sa Las Vegas, dahil sa world pandemic.


Ayon pa kay Mendoza, pinilano rin ng WBA na itapat si Pacquiao kay Ugas, ngunit dahil sa magaganap na sagupaan nina Pacquiao at Spence (27-0, 21KOs) sa Agosto 21 sa Las Vegas, tila maiiba ang ihip ng hangin para kay Pacquiao. “Initially, the plan was for Ugas to fight Pacquiao,” saad ng 72-anyos na Venezuelan sports leader. “But now, the Spence fight was announced.


Kasalukuyang mayg 3 kampeon sa WBA 147-pound division sa katauhan nina Pacquiao (Champion in Recess), Ugas (Super), at American Jamal James (27-1, 12KOs) na hawak ang regular title.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page