top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | June 05, 2021



ree

Dalawang lugar na lang ang pinagpipilian ng Philippine Basketball Association (PBA) na maaaring pagganapan ng bagong season ng Philippine Cup conference.


Inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na napipisil nilang ganapin ang panimulang komperensya ng 46th season sa Ynares Sports Center sa Antipolo City o sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, na siyang magdedepende sa quarantine classification na ilalabas ng pamahalaan matapos ang Hunyo 15.


Malaki umano ang posibilidad na isa sa dalawang Ynares basketball gymnasiums gaganapin ang All-Filipino tourney na bubuksan sa huling linggo ng Hunyo o sa unang linggo ng Hulyo.


Ayon pa kay Marcial, nakausap na nila ang Antipolo Mayor para sa buksan ang mga laro sa Ynares Sports Center. Gayunpaman, kinakailangang maghintay muna ng susunod na klasipikasyon na ilalabas ang Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) bago gumawa ng hakbang. “We'll discuss the finer details of plans after June 15,” pahayag ni Marcial, na umaasang mas magiging maluwag ang mga quarantine protocols sa National Capital Region Plus Bubble, na kinabibilangan rin ng Cavite, Laguna Bulacan at Rizal, kung saan nakatayo ang Ynares Sports Center.


Aminado ang pamunuan ng kauna-unahang pay-for-play league sa Asya na hindi nila kinakailangan ng malaking pagdarausan ng mga laro dahil inaasahan nilang ipinagbabawal pa ang panonood ng fans sa loob ng gymnasiums, bagamat ang Ynares Sports Arena sa Pasig ay maliit ang kapasidad. “So kung kami-kami lang, pwede na ang Ynares-Pasig,” wika ni Marcial. “Ang problema lang sa Ynares-Pasig eh walang dugouts. We would need to put up tents as dressing areas for the players.”


Kung ikukumpara sa “PBA Bubble” noong isang taon sa Angeles University Foundation Gymnasium sa Pampanga at diretsong uwian sa Quest Hotel sa Clark, Freeport, Pampanga, mas magiging madali para sa mga bumubuo ng mga koponan ang close-circuit setup na uwian ng bahay kung sa isa sa dalawang Ynares gymnasium ang mapipili.

 
 

ni VA / Gerard Peter - @Sports | June 04, 2021



ree

Patuloy sa kanyang masugid na preparasyon para sa nalalapit na Tokyo Olympics sa gitna ng pandemya ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena.

Sa huling kompetisyon na kanyang nilahukan, nakopo ni Obiena ang gold medal sa Folksam Grand Prix-Goteborg 2021 sa bansang Sweden. Nagawang matalon ni Obiena ang baras na may taas na 5.70 meters sa una niyang attempt upang makamit ang gold medal.

Tinalo niya si reigning Olympic gold medalist na si Thiago Braz ng Brazil na nagkasya lamang sa silver sa naitala nitong 5.65 metérs. Pumangatlo sa kanila si Paul Haugen Lillefosse ng Norway na nakapagtala ng 5.60 meters.

Nagtangka pa si Obiena na talunin ang baras na itinaas sa 5.80 meters ngunit bigo siya sa kanyang tatlong attempts habang nangabigo rin sina Braz at Lillefose sa tangka nila na matalon ang taas na 5.75 meters.


Samantala, umaasa pa rin si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na aabot sa 20 national athletes ang maipapadala ng bansa sa 2021 Tokyo Olympics kasunod ng panibagong tagumpay ni taekwondo jin Kurt Barbosa sa Asian Olympic Qualifying Tournament nitong nagdaang weekend.


Tiwala ang kinatawan ng ika-8th district ng Cavite na malalampasan na ng bansa ang 13 national athletes na naipadala sa 2016 Rio Olympics, kung saan nagwagi ang Pilipinas ng silver medal mula kay women’s under-53kgs weightlifter Hidilyn Diaz.


Kabilang sa mga Olympian na nakipaglaban sa Rio Olympics ay sina 6-time Southeast Asian Games gold medalist Eric Shauwn Cray, 2017 SEAG marathoner champion Mary Joy Tabal, Long-jump queen Marestella Torres-Sunang, boxers Rogen ladon at Charly Suarez, golfer Miguel Tabuena, Judoka Kodo Nakano, swimmers Jesse Lacuna at Jasmine Alkhaldi, table tennis Ian Lariba, taekwondo jin Elaine Kirstie Alora, at weightlifter Nestor Colonia. “Ang laki ng nawala dun sa mga atletang kabilang sa 20 na target nabawasan na tayo, pero in spite of that, nagdadasal pa rin ako na maaabot sa 20, but definitely malalagpasan na natin yung 13,” paliwanag ni Tolentino.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | June 04, 2021



ree

Para mas mapalakas ang sports development sa kabataan, nahikayat ang MILO Philippines, Department of Education (DepEd) at Philippine Jump Rope Association (PJRA) na ilunsad ang tatlong programa ngayong 2021, kasama ang World Milk Day 10 million skips challenge ngayong Hunyo.


Nutrition, health and wellness is always been a priority for MILO and Nestle. Very committed po kami in enriching the lives of Pinoys through these 3 focus areas. In MILO helps company fulfill these priorities by enabling the Filipinos in the Champion Journey’s through sports. Through our commitment into grassroots development, patuloy ang paghahanap namin ng programa to get our children active at home,” pahayag ni MILO Sports Manager Nestle Phils. Inc. Lester P. Castillo, Martes ng umaga sa lingguhang TOPS Usapang Sports on Air webcast via zoom, kasama si PJRA President coach Noel Agra sa programang suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), GAB at PAGCOR.


Puntirya rin ng Tripartite Agreement sa DepEd ang ‘Train the Trainers’ para ituro sa MAPE Teachers ang tamang techniques sa jumping rope na para magamit sa pagtuturo sa 2021-2022 school year at mapasama sa P.E. program. “Actually, hindi lang sila matuturuan eh, they will be certified. Imagine, you have a certain certification from a group like PJRA at kung papaano ang tamang pagtuturo ng jump rope, and this will become a livelihood for them when the PJRA starts rolling out their active online classes.”


Nakatakda rin ang virtual competition ng jumping rope sa Setyembre o Oktubre para sa mga Interschools. “At the moment we’re able to identify 8 different sports and we are already in discussions with the partner organizers combination of the national sports association and private organizations in helping grow up the eligibility, technical and other rules, in making sure na mapatakbo natin ng maayos itong virtual tournament na ito,” dagdag ni Castillo na planong dalhin sa Palarong Pambansa at MILO Little Olympics ang jumping rope oras na matapos na pandemic.

It’s very aesthetic, very pleasing watching, yun ang goal namin sa sport ng jump rope kaya naging member kami ng Asian Jump Rope Union lalo na they are doing it very well tsaka international jump rope sa states kase meron kaming guide kung paano naming siya ma-execute as a sport din. With MILO and DepEd, we’re looking to start it with the kids with Little Olympics and competitions and hopefully nga that’s how we start and grow it from there,” esplika naman ni Agra.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page