top of page
Search

ni MC / Gerard Peter - @Sports | June 14, 2021



ree

Hinirang na kauna-unahang The Apprentice: ONE Championship Edition winner si Venezuelan sales director Jessica Ramella at makaraan ay tanggapin ang US$250,000 job offer ni ONE Championship chairman at CEO Chatri Sityodtong bilang protege at chief-of-staff sa ONE Championship Headquarters sa Singapore.

Tinalo ni Ramella si Pinoy former MMA champ at cancer survivor Louie Sangalang nang magpakita ng impresibong tikas si Ramella kay Chatri at special guest judge Grab CEO Anthony Tan sa isang pinakamahirap na job interview sa buong buhay nila.


Hinarap ni Sityodtong sina Jessica at Louie sa isang agahan sa Andaz Presidential Suite. Sinabi ni Chatri na taglay ni Jessica ang karakter na kanyang hinahanap bilang Chief Of Staff, kabilang na ang pagiging creative hustle, likeability, at intelligence. Sa kabilang banda, si Pinoy Louie naman ay isang "silent assassin" kung saan ang pinakamahusay na kalidad ay pagiging tahimik, kampante at malalim mag-isip kapag under pressure. Pinuri rin ng ONE CEO ang outstanding leadership na kakayahan ni Louie.

Pinasalamatan ni Chatri si Eric Yuan, ang Founder at CEO ng Zoom nang makausap nina Jessica at Louie ang kani-kanilang mahal sa buhay. Nakausap ni Jessica ang ina na si Daniela at ipinangakong magwawagi sa kompetisyon at bibigyan ng magandang buhay. Nakausap naman ni Louie ang kanyang misis na si Kaye at tiniyak na siya ang tatanghaling "The ONE."

Motibadong hinarap nina Jessica at Louie ang sumunod na physical task. Isinabak ang finalists kasama ang Evolve Fight Team ni Head Coach Siyar Bahadurzada sa ilang serye ng mabibigat na workouts na magpapakita ng kanilang lakas at tibay.

Ang workouts ay isang band run, boxing focus mitts, at battle ropes. Ipinakita ni Jessica na kaya niyang sabayan si Louie na isang lehitimong atleta, at ipinakita ang mental strength at lakas. Ayon kay Louie, mabigat na kalaban si Jessica.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | June 12, 2021



ree

Hindi padadaig at hindi patitinag ang koponan ng national Muay sa darating na 31st Southeast Asian Games na umaasang maagaw ang overall na kampeonato laban sa powerhouse Thailand at host country Vietnam.


Ibabandera ng pamunuan ng Muay Association of the Philippines (MAP) ang mga dekalibreng fighters sa pangunguna nina 2019 SEAG gold medalist Philip “Destroyer” Delarmino (57kgs), na nakatakdang sumabak sa Muay Thai Night sa Dubai, United Arab Emirates sa Hunyo 25 at Ariel Lampacan (54kgs), habang pursigidong puntiryahin nina professional mixed martial art fighters Jenelyn Olsim at Ryan Jakiri ang gintong medalya sa Vietnam meet na magsisimula sa Nobyembre 21-Disyembre 2, matapos masungkit ang runner-up finish sa 30th edition sa Subic Bay Exhibition and Convention Center sa Subic Freeport sa Zambales.


Tiwala si national head coach at dating national boxer Billy Alumno na malalampasan ng national team ang nakamit na 3 gold, 4 silver at 2 bronze medals sa 2019 biennial meet, kung saan lahat ng kanilang mga manlalaro ay nagkamit ng medalya.


Gusto namin ma-surpass yung nakuha naming medals last SEAG. Pipilitin namin na makuha yung gold medals kahit na maraming mga bagong atleta natin,” pahayag ni Alumno, Huwebes ng umaga sa lingguhang TOPS Usapang Sports on Air webcast. “Expect natin na magmedal yung mga nakakuha ng gold last time, pati yung 81kgs dahil hindi naman masyadong malalaki ang kalaban natin, then promising rin si Jen, na nagsabing willing na willing siya na sinabi niyang gagamitin niya iyong pro niya para magamit niyang stepping stone para mas ma-improve pa yung galaw niya. Then motivated na gustong manalo at maimprove niyang manalo si Ryan, then sa mga bago naman mga babae naming which is nakikita ko sa training na napakasipag nila at willing na magproduce ang mga ito at hopefully magprovide ng medals sa competition,” dagdag ni Alumno.


Bukod kina Delarmino, Lampacan, Olsim at Jakiri, puspusan din umano sa paghahanda at pagsasanay sina dating East Asian Youth silver medalist Rudsma Abubakar ng Zamboanga sa women’s 48kgs, Asian Indoor Martial Arts Games veteran Carissa Tarapen sa 51kgs at iba pa.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | June 11, 2021



ree

Pakay ng national handball team na malampasan ang nakamit na karangalan sa nagdaang edisyon ng Southeast Asian Games patungo sa pagsisimula ng kanilang ‘bubble training camp’ sa darating na Hulyo sa Pagudpod, Ilocos Norte, bilang paghahanda sa Vietnam meet ngayong taon.


Hindi man alintana ng mga naglalabasang balitang maipagpapaliban ang 31st na edisyon sa Hanoi Games, determinado ang pangkat ng 10-man team na mahigitan ang bronze medal finish sa nakalipas na 2019 SEAG sa bansa.


Naghihintay na lamang ng pag-apruba ang national sport association (NSA) nitong Philippine Handball Federation (PHF) sa isinumiteng kahilingan sa Philippine Sports Commission (PSC) na itulak ang training camp sa Hulyo 1 sa Villa del Mar Resort, kung saan idinaraos din ng national beach volleyball team ang kanilang sariling bubble camp training.“Napakalaki na chance natin na muling magka-podium finish o gold medal,” pahayag ni coach Luz Pacubas, Huwebes ng umaga sa weekly TOPS Usapang Sports on Air. “Base sa last SEAG, yung nakalaban natin ang powerhouse na Thailand, natalo lang tayo ng 1 point sa isang set, habang sa Vietnam naman ay 2 points lang, so mako-consider na ang Vietnam ay nag-qualify sa world stage kaya tingin ko may laban tayo,” dagdag nito sa programang suportado ng PSC, Games and Amusement Board (GAB) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).


Tanging sa men’s beach category lamang makalalahok ang Pilipinas mula sa apat na events na binubuo ng men’s at women’s indoor games at women’s beach division.


Before ng pandemic may indoor naman tayo, actually sumali tayo ng 2018 sa Youth at Junior team kung saan nag-silver tayo sa youth team, tapos nung 2019 may women’s indoor team tayo na nag-bronze sa international tourney sa junior team, ngayon medyo nag-stop tayo ng training para sa indoor games kaya naka-focus lang tayo sa beach category,” paliwanag ni Pacubas. “Ang na-approved lang kase sa atin ngayon ay ang men’s beach handball, pero may women’s team tayo kaso nag-break lang sila (pansamantala dahil sa Covid-19).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page