- BULGAR
- Mar 23, 2023
ni Gerard Arce @Sports | March 23, 2023

Muling maghihintay ng makakatapat sa championship round ang defending champions De La Salle-College of Saint Benilde Lady Blazers matapos muling umabanse sa Finals sa ikalawang sunod na pagkakataon sa pangunguna ni last season Finals MVP Jhasmin Gayle Pascual ng makuha nito isa na namang outright ticket kasunod ng 9-0 pangwawalis sa eliminasyon sa 98th season ng NCAA women’s volleyball tournament.
Nanatiling epektibo ang kumbinasyong inilabas ni coach Jerry Yee kahit na nabawasan ng arsenal ang koponan dulot ng pagkawala ni team captain at last season MVP na si Frances Micha Go, sinasandalan ang atake ni Pascual, gayundin ang ibinibigay na produksyon nina Jade Gentapa, middle blocker Michelle Gamit, Zam Nolasco at ace playmaker Cloanne Mondoñedo na mas pinahaba pa ang winning streak sa 27 sapul pa noong 95th season na naantala dulot ng COVID-19 pandemic.
“For us it's work all over again, it's back to zero. Every game gano'n, same 'yung preparation namin regardless. Kami laro lang. Kung may darating na kalaban, research natin then aralin natin,” saad ni Yee na magbabalik sa ikalawang sunod na pagmamando sa Finals matapos ligwakin sa Finals ang three-time champions na Arellano University Lady Chiefs noong isang taon.
Hindi maipagkakailang may mga panahong hinahanap ng Taft-based lady squad ang dating kapitana kasunod ng season ending knee injury na pansamantala namang tumayo bilang assistant coach at nagpahayag ng kaligayahan sa nakuhang tagumpay ng kanyang mga kakampi at masungkit ang ikatlong kampeonato sa liga. “Masaya kasi siyempre next na trabaho namin iyon eh. Next na goal namin iyon. Siyempre, eliminations muna then Finals. Ayun, nakahinga na rin kami na umabot na rin kami sa Finals. Finals na lang iisipin namin and isang team na lang,” ani Go.






