top of page
Search

ni GA @Sports | September 4, 2023



Handang-handa nang saluhin ni libero Dani Ravena ang mga atake at hambalos ng mga makakatunggali ng bagong sibol na koponang NXLed Chameleons na naghahandang maigi para sa paglahok sa panibagong kumperensya ng Premier Volleyball League (PVL) na All-Filipino Conference na sisimulan sa darating na Oktubre.


Ang Chameleons ang ikalawang koponan na pag-aari ng Carlson Group of Companies matapos buuin nito ang Akari Chargers, na inaasahang pagkukunan din ng mga manlalaro patungo sa bagong koponan, kung saan galing rin mismo si Ravena.


Bringing that fighting spirit to Nxled! Our first Chameleon is none other than fiery libero, Dani Ravena! Whatever it takes, wherever she goes, the former team captain of the Lady Eagles will give her 110% to win,” ayon sa kanilang Instagram account.


Wala pang pinal na listahan ng coaching staff ng koponan na sasalang sa unang pagkakataon bilang ika-10th koponan matapos mapabalitang magpapahinga muna ang Gerflor Defenders at Foton Tornadoes sa liga.


Matatandaang naging kauna-unahang liberong kapitana sa kasaysayan ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang 5-foot-5 na dating Ateneo Lady Blue Eagles, kung saan naging minsan na itong naging parte ng Ateneo-Motolite team na nakakuha ng second place sa 2018 Open Conference ng PVL.


Sunod na ipikilala si dating University of Santo Tomas Golden Tigresses at Akari spiker at middle blocker Camille Victoria bilang parte ng bagong koponan.

 
 

ni GA @Sports | September 2, 2023



Tuluyang nalaglag sa preliminaries ang Philippine Team-National University Lady Bulldogs matapos walisin ng multi-time champion na China sa bisa ng straight set 15-25, 20-25, 17-25 para sa ikalawang sunod na pagkatalo noong Huwebes ng gabi sa 22nd Asian Seniors Women’s Volleyball Championships sa Chartchai Hall of The Mall sa Nakhon Ratchasima sa Thailand.


Hindi umubra ang mga banat ni international Best Opposite spiker Alyssa Solomon sa mga nagtatangkarang manlalaro ng Chinese squad matapos mahirapang mapigilan ng Philippine national squad na binubuo ng karamihan sa NU Lady Bulldogs ang mga atake ng Chinese volleybelles na pinangunahan ni Wu Mengjie, habang palyado rin sa mga atake ang national squad dahil sa matitinding butata na inaabot sa mahahabang galamay ng Chinese blockers.


Naging madali para sa China na tapusin ang first set, subalit pilit na nakipagsabayan ang NU-Phils sa second set nang madala pa nila 16-16 ang laro. Gayunpaman, nahirapan pa ring maiahon ng 6-foot-1 na best opposite hitter ng 2023 Southeast Asian Women’s V-League ang koponan upang muling bumagsak sa second set.


Patuloy na naramdaman ng Pilipinas ang hagupit na atake ng China nang magpakawala ito ng 16 puntos mula sa atake kumpara sa 10 lang ng NU-laden squad, habang mas marami itong errors sa lima laban sa tatlo ng China at muling nakalamang sa blocking department sa 4-3.


Nabulilyaso sa opening game ng national squad ang panalo kontra Kazakhstan ng madale sila ng come-from-behind pagkatalo sa 25-21, 17-25, 24-26, 27-25, 15-6 nitong Miyerkules ng gabi para mabalewala ang 30 puntos na ginawa ni Evangeline Alinsug mula sa 28 atake at tig-isang ace at block, habang may 20 puntos si Mhicaela Belen at 14pts si Solomon.

 
 

ni GA @Sports | September 1, 2023



Nabulilyaso ang inaasam na unang panalo ng National University Lady Bulldogs-Philippine team na pinagbibidahan ni Mhicaela “Bella” Belen matapos ihambalos ng Kazakhstan ang isang come-from-behind panalo sa 25-21, 17-25, 24-26, 27-25, 15-6, Miyerkules ng gabi sa 22nd Asian Seniors Women’s Volleyball Championships sa Chartchai Hall of The Mall sa Nakhon Ratchasima sa Thailand.


Nahirapang makabangon ng national squad pagtuntong ng 5th set matapos maunahan ito sa 1-6 kalamangan kasunod ng magandang depensa at opensiba ng Kazakhs nationals upang malasap ang unang pagkatalo sa Pool D.


Nahirapang buhatin ng dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Rookie/MVP na si Belen na tumapos ng 20 puntos mula sa 18 atake at dalawang blocks, habang nanguna sa scoring si Vangie Alinsug na may 30 puntos mula sa 28 atake at tig-isang ace at block na nasayang ang 2-1 na kalamangang sets.


Nag-ambag din si Alyssa Solomon ng 14pts sa 10 atake at apat na service ace, gayundin ang 5 puntos ni Minierva Maaya at 3 puntos na ambag ni Adamson University Lady Falcons Lorene Toring.



Apat na mahahalagang puntos ang magkakasunod na itinala ng Kazakhstan mula sa 18-16 na bentahe ng Pilipinas ay inagaw ito sa 18-20 kasunod kasunod ng magagandang atake at depensa na sinabayan ng error ng national squad.


Pilit na inahon ni Belen ang NU-led sa matinding atake para sa 19-20, subalit magkasunod na mahuhusay na atake ang ibinaon ng Kazakhs para sa 19-22. Muling naka-iskor si Belen sa 20-22, subalit nahirapan ng makabangon sa kalamangan ng Kazakhs para sa 21-25.


Apat na sunod na atake naman ang inihambalos ng dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Rookie/MVP na si Belen sa huling bahagi ng second set.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page