top of page
Search

ni GA @Sports | September 16, 2023



Matinding sakripisyo ang patuloy na ginagampanan ng kampo ni dating super-flyweight titlist at World bantamweight challenger Jerwin “Pretty Boy” Ancajas upang muling makamit ang panibagong kampeonato sa pakikipagharap kay World Boxing Association (WBA) 118-pound title holder Takuma Inoue sa Nobyembre 15 sa Tokyo, Japan.


Nasa unang estado ng paghahanda para sa ikalawang pagkakataon sa title shot ang dating long-time junior-bantamweight titlist sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos upang subukang makabulsa ng titulo sa panibagong kategorya, kung saan naging impresibo ang kanyang debut kontra Wilmer Soto ng Colombia na nauwi sa fifth round technical knockout.


Bago ang panalo kay Soto ay walong buwang nabakante ang tubong Panabo, Davao del Norte southpaw boxer matapos dalawang sunod na mabigo kay reigning IBF super-flyweight titlist Fernando “Puma” Martinez ng Argentina, at sa kanyang comeback fight kay Soto ay ipinamalas ni Ancajas ang pagkakampante sa naturang dibisyon na mas naging pursigido na makabawi at makabalik sa tuktok ng tagumpay, matapos maging balakid sa kanyang laro ang timbang.


Nagsakripisyo kami para hindi muna umuwi ng Pilipinas para sa laban na ito, kaya malinaw sa isip namin yung misyon at goal sa paghahandang ito,” paliwanag ni trainer at manager Joven Jimenez.


Pagsisikapan namin ng husto makuha lang ang title belt. Nandito kami sa Vegas dahil nandito lahat mga magagaling na ka-sparring at hindi kami uuwi hangga’t hindi siya mapalaban ng title,” dagdag ni Jimenez na inaasahang makakadagdag sa paghahanda sa pagdating sa Amerika ni dating World challenger Arthur “King Arthur” Villanueva.


Siniguro ng kampo ni MP Promotions president Sean Gibbons na babanat muli sa world championship si Ancajas (34-3-2, 23KOs) kontra kay Inoue (18-1, 4KOs) na matagumpay na nakuha ang bakanteng korona laban kay Liborio “La Maquinita” Solis ng Venezuela.

 
 

ni GA @Sports | September 15, 2023



Nagpaalam sa koponan ng Petro Gazz Angels si 2018 professional league Best Libero Cienne Mary Arielle Cruz upang tahakin ang panibagong landas sa labas ng volleyball matapos ang anunsiyo sa social media nitong Martes.


Nagpasamalamt ang pamunuan ng Petro Gazz sa kanilang opisyal na Instagram account sa matagal na pananatili at paglalaro ng 28-anyos na dating De La Salle University Lady Spiker, upang maging pangunahing floor defender ng koponan, kung saan nakapag-ambag ito sa pagkapanalo ng dalawang kampeonato sa 2019 at 2022 Reinforced Conference sa Premier Volleyball League (PVL), gayundin ang tatlong runner-up at isang third place trophy.


This is not goodbye, just farewell for now. It has been great working with you over these past few years as part of this team. We wish you all the very best in what’s next,” ayon sa inilabas na statement ng koponan.


Mahigit limang taong nagsilbi ang 5-foot-5 floor defender sa Petro Gazz na kamakailan lang ay na-engage na sa kanyang kasintahan na si American Peter Guenther. Naglabas na rin ito ng kanyang pahayag sa kanyang Instagram account na binigyang halaga ang paglalaro ng volleyball, anuman ang maging resulta ay patuloy na lumalaban, na isa sa mga naging batayan upang hubugin kung ano man ang kasalukuyang tinatamasa.

 
 

ni GA @Sports | September 14, 2023




Hindi naiwasang maglabas ng sama ng loob si dating World champion Ricky “The Hitman” Hatton patungkol sa kanyang dating head trainer na si Floyd Mayweather Sr. matapos akusahan nitong nagkamali sa pagbibigay ng tamang paghahanda kontra kay Filipino boxing legend Manny “Pacman” Pacquiao na nauwi sa mabilis na second round knockout noong 2009.


Masama ang loob ng 44-anyos mula Stockport, Greater Manchester, England ng hindi umano umangkop ang ibinigay na training ni Mayweather Sr. dahil mas lalo itong nalubog sa hukay, kung saan inilahad niyang pinatumba siya ng kanyang sparring partner.



It seems to me that Floyd Sr. just drove me into the ground then with his training. Eight weeks before the fight, I felt fantastic, but he drilled me and drilled me, round after round after round,” pahayag ni Hatton sa SunSport. “Then two or three weeks before the fight my sparring partner, one of them knocked me on my a**. I thought, this ain’t right.”


Nadagdagan pa umano ang sama ng loob nito ng hindi man lang siya inihanda nito sa isang southpaw boxer na kinakailangan niyang mapag-aralan dahil sa stance na mayroon si Pacquiao. Maging sa pagtuntong niya ng Las Vegas, para sa kanilang laban sa MGM Grand Garden Arena noong Mayo 2, walang ginawang hakbang si Mayweather Sr. upang sumuntok ito sa kaliwang posisyon.


Tinapik nito si Mayweather Sr. upang palitan ang dating coach na si Billy Graham matapos mabigo sa anak nitong si “The Money” Floyd Mayweather Jr. noong 2007. Nasundan ito ng dalawang panalo laban kina Juan Lozcano at Paulie Malignaggi para sa IBO at The Ring welterweight titles, subalit mas paniguradong mararamdaman nito ang matinding pagsubok laban kay Pacman na nasa 30-anyos pa lamang.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page