top of page
Search

ni GA @Sports | November 1, 2023



Mga laro sa Huwebes


(Santa Rosa Sports Complex)

2:00 n.h. – PLDT vs NXLed

4:00 n.h. – Choco Mucho vs Galeries

6:00 n.g. – F2 Logistics vs Petro Gazz


Matutulis na hambalos ang pinakawalan nina Jema Galanza at Michele Gumabao upang pagbidahan ang ika-apat na panalo at solong liderato para sa Creamline Cool Smashers matapos matakasan ang masigasig na Farm Fresh Foxies sa 25-21, 21-25, 25-20, 25-22, habang sumakay sa matinding hataw ni Eya Laure ang Cherry Tiggo Crossovers upang madaling sagasaan ang Quezon City Gerflor Defender sa pamamagitan ng straight set 25-8, 25-12, 25-20, kahapon sa magkasunod na laro ng triple-header game ng 6th Premier Volleyball League 2nd All Filipino Conference sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.


Sinandalan ng Creamline ang kanilang opensiba at mga atake upang malampasan ang pahirapang panalo kontra sa naghahanap ng unang panalo na Farm Fresh na kinakitaan ng sandamakmak na 30 errors para sa defending champions upang makuha ang magandang panimula sa 4-0 kartada, habang lalong hinila sa ilalim ng team standings ang Foxies tangan ang 0-5 rekord.


Bumira ang 2019 Open Conference MVP ng double-double sa kabuuang 18 puntos mula sa 15 atake, dalawang aces at isang block, kasama ang 10 excellent digs, habang nanguna naman sa puntusan si Gumabao na muling lumista ng 20 puntos mula sa 18 atake at dalawang blocks, gayundin sina Diana Mae “Tots” Carlos na may 14 puntos at walong receptions at Bernadeth Pons sa siyam, habang may ibinahaging 17 excellent sets si Kyle Negrito at dalawang puntos.


Yung errors namin masyadong marami, talagang hindi maganda yung nilaro namin, pero yung Farm Fresh talagang promising sila talaga, kaya sabi ko sa team na hindi sila basta-bastahin kase may potential yung team nila, talagang lalaban at lalaban sila,” pahayag ni head coach Sherwin Meneses.


 
 

ni GA @Sports | October 31, 2023



Muling idedepensa ng National University Pep Squad ang kanilang korona sa unang pagkakataon sa ilalim ng bagong coach sa paglatag muli ng mga pinakamahuhusay na stunts at dance moves kaantabay ang naglalakasag sigawan ng walong miyembro ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Cheerdance Competition sa Disyembre 2 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Makikita ang panibagong diskarteng handog ni coach Gab Bajacan na maggagabay sa NU Pep Squad laban s apitong katunggali kasunod ng pagreretiro ni Chicka Bernabe matapos ang ika-pitong cheerdance title.


“I believe we're in for another exciting and eagerly anticipated competition. I know our coaches are highly creative and innovative when it comes to their performances. Let's see how our coaches will work their magic and captivate their respective communities,” pahayag ni UAAP Special Events Committee head Gigi Kamus.


Masusing inalam at sinuri ang pagkakasunod ng mga magtatanghal sa isinagawang drawing of lots sa UST Quadricentennial Pavilion sa itinakdang coaches’ meeting nitong Huwebes.


Nakatakdang simulan ng University of the East Pep Squad ang programa bilang pambungad na magtatanghal na susundan ng defending champions NU. Iktalong maghahandog ng kanilang eksibisyon at pagpapakitang gilas ang Ateneo de Manila University Blue Eagles kasunod ang Adamson University Pep Squad para sa unang apat na magtatanghal.


Nakalinya namang ikalima ang many-time champions na University of the Philippines Pep Squad ay ang De La Salle University Animo Squad para sa ika-anim na sasabak sa kumpetisyon.


Kukumpletuhin ng runners-up nung isang taon na Far Eastern University Cheering Squad at third-placed na University of Santo Tomas Salinggawi Dance Troupe ang listahan ng lahat ng magpe-perform.

 
 

ni GA @Sports | October 17, 2023



Mga laro ngayong Martes


(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m.- Chery Tiggo vs Farm Fresh Foxies

5 p.m.- F2 Logistics vs Akari

7 pm – Petro Gazz vs Galeries


Tatangkain ng Petro Gazz Angels na maibalik ang kanilang matayog na paglipad sa Premier Volleyball League (PVL) na tiyak na pagbibidahan ni three-time collegiate Most Valuable Player Grethcel Soltones kahit na ramdam ang kawalan ng ibang manlalaro upang makabalik sa Finals ng huling komperensiya ng ikalawang All-Filipino Conference ngayong Martes sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.


Matutunghayan sa kanilang unang laban ang Petro Gazz sa pinakahuling laro ng triple-header laban sa baguhang Galeries Tower High Risers sa alas-7:00 ng gabi, kung saan sasabak rin sa apat pang nalalabing koponan sa pagtatapat ng Cherry Tiggo laban sa Farm Fresh Foxies sa unang laro sa alas-3:00 ng hapon at tapatan ng F2 Logistics Cargo Movers kontra Akari Chargers sa alas-5:00 ng hapon.


Patuloy na pangungunahan ng 2022 Open Conference second Best Outside hitter mula Catmon, Cebu ang two-time league champions na paniguradong pangungunahan sa opensa ang Angels katulong sina power-lefty Aiza Maizo-Pontillas, Mary Remy Palma, Jonah Sabete, Kecelyn Galdones at ace-setter Djanel Cheng.


Subalit malaking kawalan sa koponan ang mga prime-defenders ng koponan sina Mar Jana Philipps na lalaro sa Gwangju Al Peppers ng Korean V-League at starting libero Cienne Mary Cruz na napabalitang lalagay na sa tahimik.


Gayunpaman, may mga bagong manlalaro ang koponan na maaaring pumalit sa mga nawalang manlalaro ng Angels na sina Babylove Barbon, Ranya Musa, Matet Espina at ang nagbabalik sa Petro Gazz na si Ivy Perez, habang ipaparada naman ang bagong coach na si Timmy Sto. Tomas.“We’ll do our best to reach the finals,” wika ni Petro Gazz assistant mentor Vince Mangulabnan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page