top of page
Search

ni GA @Sports | December 10, 2023



Mananatiling kokonekta para sa PLDT High Speed Hitters ang Filipino-Canadian spiker na si Savannah Davison sa ikatlong All-Filipino Conference sa susunod na taon kahit pa man nalaglag ang koponan sa ika-limang pwesto sa eliminasyon sa 6th Premier Volleyball League (PVL) second All-Filipino.

 

Siniguro ng 5-foot-8 outside hitter na patuloy itong bibirada para sa PLDT matapos pangunahan ang iskoring sa liga sa pagtala ng kabuuang 202pts mula sa 173 spikes, 22 blocks at pitong serves upang tapusin ang kampanya na may 7-4 marka sa kanyang unang kumperensya sa liga.

 

“I’ll be back for a little; I’m not going to tell you how long, but I’m going to stay with PLDT for the next conference. So hopefully, it’s all growth from here on out, wika ni Davison sa post-game interview sa fifth set panalo ng PLDT kontra first All-Filipino runner-up Petro Gazz Angels sa 16-25, 25-17, 21-25, 25-15, 15-7 nitong Martes ng gabi.

 

Sa larong ito ay lumista ng game-high 29 puntos si Davison mula sa 26 atake at tatlong blocks at kumpletuhin ang triple-double performance sa 15 excellent receptions at 10 excellent digs.

 

Bukod sa kanyang opensa, ay maaasahan rin ang dating Division 1 US NCAA spiker mula University of Oklahoma at New Mexico State University pagdating sa depensa ng makalinya ito sa ikatlo pagdating sa blockings sa 22 blocks, 18 faults at 21 shots para sa 0.55 na averages, habang ikapito ito sa recievers sa 120 receptions, 16 faults at 303 attempts para sa 34.32 efficiency rate.

 

Kinapos lamang ang PLDT na makapasok sa Final Four matapos mabigo sa importanteng laro kontra hot-streaking at semifinalists Creamline Cool Smashers at Choco Mucho Flying Titans, gayundin sa Final Four teams na Chery Tiggo Crossovers at first-game laban sa Cignal HD Spikers.                                     

 
 

ni GA @Sports | December 10, 2023



Parehong nilisan nina Kai Ballungay ang pugad ng Ateneo Blue Eagles at si Miguel Oczon ng College of Saint Benilde Blazers upang maghanap ng panibagong landas na tatahakin patungo sa propesyunal na karera sa anumang dako ng mundo.

 

Nagpaalam ang high-flying forward na si Ballungay sa isang mahabang pagpupugay at pasasalamat na buod ng mensahe sa kanyang social media patungkol sa Ateneo Blue Eagles at kay coach Tab Baldwin matapos ang dalawang taong paglalaro kabilang ang kampeonato sa 85th season at Final Four run sa 86th season. “With strong feelings of excitement, I wish to share that I will be embarking on the next chapter of my journey—transitioning to the world of professional basketball,” pahayag ni Ballungay sa kanyang Instagram post. The decision to pursue this path was not made lightly whatsoever, and I am glad to bring with me the invaluable experiences and lessons I have gained during my time at Ateneo.”

 

Pinangunahan ng 6-foot-7 Filipino-American ang Blue Eagles pagdating sa iskoring sa paglista ng 11 puntos kada laro, kasama ang mahigit pitong rebounds, dalawang assists at 0.75 steals sa kanyan sophomore year sa Ateneo na tinapos ang paghahari ng University of the Philippines Fighting Maroons na kasalukuyang lumalaban kontra De La Salle University Green Archers sa best-of-three Finals

 

Nagpaalam na rin si Oczon sa Taft-based squad sa social media nitong Miyerkules upang sumali sa Korean Basketball League na Ulsan Hyundai upang tapusin ang nalalabing dalawang taon na nalalabi sa Blazers, para samahan sa Korea sina Rhenz Abando (Anyang KGC), Juan Gomez de Liano (Seoul SK), Dave Ildefonso (Suwon KT), Calvin Epistola (Busan KCC) at Ethan Alvano (Wonju DB).

 
 

ni GA @Sports | December 8, 2023



Hindi papaawat sa pangarap na makamtan ang ikalawang World title ni dating long-time super-flyweight champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas na mapagtagumpayan ang nakalinyang title fight laban kay World Boxing Association (WBA) bantamweight Japanese titlist Takuma Inoue kasunod ng pag-uwi sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang paghahanda para sa banatan sa main event sa Pebrero 24 sa Ryogoku Kokugikan National Sumo Arena sa Tokyo, Japan.


Gaya ng nakagawian, walang humpay sa pagsasanay ang 31-anyos na tubong Davao City na lubos pa ang gagawing paghahanda habang papalapit ang araw ng laban matapos siguraduhin ni MP Promotions President Sean Gibbons na maipadala sa Survival Camp sina dating World challengers Vincent “Asero” Astrolabio at Mike “Magic Plania upang makatulong sa preparasyon ng mga Pinoy boxers.


Dadalhin ni sir Sean dito si Astrolabio at Mike Plania. [Ready] rin daw kumuha sa iba [ng ka-sparring],” paglalahad ni Jimenez.


Bukod umano kina Astrolabio at Plania, hahanap din umano ng ilang mga ka-sparring na itatapat kay Ancajas na kahalintulad ng estilo ni Inoue, na idedepensa sa unang pagkakataon ang korona matapos mapanalunan kontra Liborio Solis nitong Abril 8 sa Ariake Arena sa bisa ng unanimous decision kasunod ng pagbakante ng nakatatandang kapatid na si Naoya matapos maging undisputed titlist sa 118-lbs division.


Magsisilbi ring malaking karagdagang inspirasyon at motibasyon ang pag-uwi sa Pilipinas nina Ancajas, Jimenez at dating World challenger Jonas “Zorro” Sultan nitong Sabado upang ipagpatuloy ang pagsasanay sa Magallanes, Cavite, matapos ianunsiyo ang pagkansela ng laban nitong nagdaang Nob. 15, para samahan ang amang may karamdaman sa Survival Camp, gayundin ang kani-kanilang pamilya. “Dito muna kami mag-training sa survival camp. May sakit kase 'yung papa ni Jerwin, kailangan niya masamahan kaya nandito kami sa camp ngayon,” pahayag ni Jimenez.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page