- BULGAR
- Dec 15, 2023
ni GA @Sports | December 14, 2023

Photo: PVL
Mga laro ngayon (MOA Arena)
Battle-for-3rd (best-of-three)
4 n.h. Chery Tiggo vs. Cignal
Finals (best-of-three)
6 n.h. Creamline vs Choco Mucho
Nakahanda nang magsalpukan sa unang pagkakataon sa Finals ang mag-utol na unbeaten Creamline Cool Smashers at Choco Mucho Flying Titans sa unang sultada ng best-of-three championship bout ngayong Huwebes sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference sa MOA Arena sa Pasay City.
Naunang nakapasok ang Creamline para sa kanilang 10th Finals Appearance matapos padapain ang Chery Tiggo Crossovers noong Sabado, habang natupad ang pinaka-pangarap ng lahat ng fans at tagasubaybay nina Deanna Wong at Cherry Ann Rondina ng Choco Mucho Flying Titans na magkaharap ang utol na Cool Smashers sa isang Final matchup sa professional league.
Emosyonal na nalasap ng ace playmaker ng Flying Titans ang kauna-unahang pagpasok sa Finals matapos maglunsad ng pambihirang paggabay sa mga kakampi sa ibinahaging 24 excellent sets.
Tinapos ng Titans ang matinding pananabik ng karamihan na umusad ang mga ito sa kauna-unahang podium finish matapos ang paglahok sa liga simula noong 2019 Open Conference, kung saan limang beses ng tumapos na 7th place ang Titans kabilang ang magkasunod na komperensiya sa first All-Filipino at Invitational. Nakakuha ito ng pinakamagandang pagtatapos at malaking motibasyon sa isang torneo ng magwagi ng tansong medalya sa 2023 VTV International Womens Volleyball Cup sa Lao Cai Gymnasium sa Vietnam.
“Were just really grateful na nakapasok kami sa semis. Hindi lang naman ako, pero buong team. Hindi lang top four goal namin, hopefully we'll reach our goal talaga, humihikbing panayam ni Wong sa panayam ni Lexi Rodriguez ng One Sports matapos ang 25-20, 23-25, 26-24, 25-23 panalo kontra sa Cignal HD Spikers sa Game 3 ng PVL Second All-Filipino Conference semifinals nitong Martes. But the whole teams goal is to win the championship. We worked hard for this win and its all about teamwork.






