top of page
Search

ni GA @Sports | January 19, 2024


Photo : UAAP / FB


Determinado at gigil na makabawi si first Rookie/MVP Mhicaela “Bella” Belen at ang buong National University Lady Bulldogs para muling maibalik ang nawalang korona sa nagdaang season laban sa defending champions De La Salle University Lady Spikers sa 86th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament sa susunod na buwan.


Ito ang pangunahing layunin at minimithi ng Jhocson-based lady squad sa paparating na bagong season matapos mabigong madepensahan ang korona kontra La Salle sa magkasunod na laro sa best-of-three Finals noong nakalipas na Mayo.


Yung mga naglaro kase ng high school sa amin is the same team na lalaro ngayon sa season 86, so I’m very happy kase kilala ko na 'yung mga teammates ko, and siguro, grabe na lang yung gigil namin ngayon na makabawi, na maibalik sa amin yung korona,” pahayag ng two-time junior’s MVP at Best Outside Hitter na sasamahan pa rin nina team captain Erin Pangilinan, Alyssa Solomon, Camilla Lamina, Vange Alinsug, Myrtle Escanlar, Minierva Maaya at Sheena Toring. “Tatrabahuhin namin and [alam namin na] hindi siya magiging madali, pero alam naman ng bawat isa sa amin kung ano 'yung goal namin, kung ano 'yung dapat naming trabahuhin and kailangan lang namin mag-enjoy at gawin yung mga tine-training namin para mag-stick kami sa plan ng coaches namin,” dagdag ng 21-anyos mula Quezon City.


Magbabalik sa paggabay sa Lady Bulldogs si coach Norman Miguel na minsang hinawakan ang grupo nina Best Middle Blocker Roselyn Doria, na kasalukuyang nasa Cignal HD Spikers at nina Princess Robles at Jennifer Nierva ng Chery Tiggo Crossovers.


Subalit nag-resign si Miguel noong 2020 kasunod ng naganap na COVID-19 pandemic, dahilan upang humalili si coach Karl Dimaculangan tungo sa season-sweep na Season 84.     

 
 

ni GA @Sports | January 18, 2024


Photo : POC / FB


Agad na nagsanay si Filipino-American short track speed skater Peter Groseclose kasunod ng pagtuntong nito sa Youth Olympic Village sa Gangneung Wonju National University kahapon sa ilalim ng pangangasiwa ni Olympian coach John-Henry Kruege sa Gangneung Ice Arena para sa Winter Youth Olympic Games sa Gangwon, South Korea.

 

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang 16-anyos na Fil-Am skater matapos dumating sa Seoul makalipas ang tatlong araw, hindi na nagsayang ng mga sandali at dali-daling tumuntong ng Mokdong ice rink upang magsanay bago ang laban sa Biyernes.

 

I’m very honored and grateful to become part of the Winter Youth Olympic Games representing the Philippines,” wika ni Groseclose, anak ni American author at propesor na sina Timothy at Victoria. “I think it will be a great experience and I’m very excited.”

 

Ang Fil-Am teenager ang unang sasabak sa tatlong Pinoy na atleta na nagkwalipika sa Winter Games para sa lalahukang 1,500 meters sa Sabado, 1000 meters sa Linggo at 500 meters sa Lunes.

 

Parte ang Fil-Am skater sa 36 na kalahok sa short track speed skater katapat ang host na South Koreans na paboritong muling magdomina sa kompetisyon kasunod ng paghahari sa apat na events sa Innsbruck 2012 at Lausanne 2020, habang puntirya rin nitong makapasok sa 2026 Milano Cortina Italy Winter Olympics. “That’s a goal of mine—to represent the Philippines in the 2026 Olympics,” saad ng 11th grader sa Oakton High School sa Virginia, sa Amerika.

 

Ayon sa inang si Victoria, na tubong Alabang, Muntinlupa, maingat na ginagabayan ni Krueger ang anak, nang unang katawanin ang  U.S. sa Pyeongchang 2018 games at naging naturalized Hungarian sa Beijing, makalipas ang dalawang taon.

 
 

ni GA @Sports | January 17, 2024



Magiging malaking tulong para sa Farm Fresh Foxies ang pagpasok sa koponan nina Jolina Dela Cruz at power-lefty Caitlin Viray upang mabigyan ng karagdagang opensiba at arsenal para magamit bilang panlaban sa 7th season ng Premier Volleyball League (PVL) sa Pebrero.


Dadalhin ng all-around outside hitter mula Bulacan ang kanyang matinding kasipagan at talento sa batang koponan na isa sa mga tinitingnang paangat na koponan sa nagdaang komperensiya. Subok sa kanyang kasipagan ang 24-anyos na spiker ng maasahan ito ng F2 Logistics Cargo Movers sa lahat ng pagkakataon pagdating sa floor defense at atake, kasunod na rin ng career-high sa 30 puntos noong Nobyembre kontra Cignal HD Spikers.


Gayunpaman, pansamantalang hindi masisilayan ang 5-foot-9 wing spiker sa darating na All-Filipino Conference dahil sa patuloy itong magpapagaling sa tinamong leg injury.


Ang dating De La Salle University Lady Spiker ang isa sa mga naging malaking sandalan ng koponan upang mapanalunan ang 85th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament noong isang taon, bago ito tuluyang pumalo sa nabuwag na F2 Logistics sa Invitational Conference.


Nitong Sabado ay kinumpleto ni Dela Cruz ang ‘Lucky Nine’ na recruits ng Farm Fresh na kinabibilangan nina Viray mula sa Choco Mucho Flying Titans, setter Anj Legacion mula PLDT High-Speed Hitters, mga dating teammates sa F2 Logistics na sina Elaine Kasilag at Chinnie Arroyo, dating Chery Tiggo Crossover Jaycel Delos Reyes, dating University of Santo Tomas Golden Tigresses libero Janel Delerio at high-flyer Ypril Tapia, gayundin si Julia Angeles mula sa Galeries Towers.


Sunod-sunod na pagbati naman ang nakuha ni Dela Cruz sa kanyang malalapit na kaibigan sa social media kabilang si Chery Tiggo leading spiker Ejiya “Eya” Laure.                                                                                                                                         

 
 
RECOMMENDED
bottom of page