top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | March 2, 2024





Mga laro ngayon (Sabado) (Philsports Arena, Pasig City)


2 n.h. – Galeries vs Cignal


4 n.h. – PLDT vs Petro Gazz


6 n.g. – Choco Mucho vs Chery Tiggo


Pare-parehong hangad ng PLDT High Speed Hitters, Choco Mucho Flying Titans at Chery Tiggo Crossovers na mapanatili ang maagang liderato sa single-round robin na eliminasyon ng matinding aksyon na hatid ng 8th Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference 2024 ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.


Kapwa nailista ng tatlong koponan ang 2-0 rekord kasama ang reigning at defending champion na Creamline Cool Smashers sa four-way tie, subalit hanap ng bawat isa na mapanatili ang paggiya sa liderato sa pakikipagharap ng PLDT magbabawing Petro Gazz Angels habang maghihiwalay ng landas ang Flying Titans at Crossovers. Plano namang ikonekta ng Cignal HD Spikers ang back-to-back panalo laban sa Galeries Highrisers sa triple-header. 


Bumida para sa PLDT sa straight set 25-17, 25-23, 25-22 panalo kontra NXLed Chameleons si last season best scorer Savannah Dawn Davison na lumikha ng triple-double sa 13 puntos. Makakatulong ng Fil-Canadian sina middle blocker Jessey De Leon, Majoy Baron, Fiola Ceballos Kiesha Bedonia, Erika Santos, Jules Samonte at setter Kim Fajardo.


Epektibo ang mahuhusay na sets ng bagong playmaker ng Choco Mucho Flying Titans na si Marionne “Mars” Alba upang masikwat ang pagsosyo sa liderato matapos mamahagi  kabuuang 25 excellent sets Angels sa dikdikang 24-26, 25-22, 25-18, 24-26, 15-13 noong Martes upang mabiyayaan ang limang manlalaro ng doble pigura sa pangunguna ni high-flying MVP Cherry Ann “Sisi” Rondina sa 24pts. 


Gayunpaman, hindi pa rin umano kuntento sa ipinapakitang laro ang 5-foot-7 playmaker mula sa DLSU  Lady Spikers na patuloy pa ring inaaral ang sistema ni coach Dante Alinsunurin, gayundin ang pag-alalay sa puwesto ni Deanna Wong na unti-unting ibinabalik ang laro dulot ng injury.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 1, 2024





Unti-unting inaangat ni dating collegiate champion Chinnie Arroyo ang kanyang kumpiyansa at laro matapos magpasikat sa bagong koponan na Farm Fresh Foxies na tinulungang makuha ang unang panalo laban sa bagong koponan na Capital1 Solar Energy sa pamamagitan ng 25-16, 25-18, 25-16 straight set para sa unang handog na laro ng 8th edisyon ng Premier Volleyball League (PVL) All Filipino Conference, kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.


Nagawang magpakitang-gilas ng dating National University Lady Bulldogs spiker na kuminang ng 11 puntos galing sa 10 atake at isang service ace upang hiranging player of the game, na unti-unting umaangat ang laro matapos tumalon galing sa nabuwag na F2 Logistics Cargo Movers ng umiskor din ng 8  puntos sa pagkatalo kontra sa reigning at defending champions na Creamline Cool Smashers sa unang laro nito. “Madami kaming natutunan sa past games namin [kung saan] nagkulang kami, kaya 'yun ang ina-apply namin ngayong game na ito. Simula nu'ng nag-team building na kami, naging mabilis 'yung samahan namin sa isa’t isa,” saad ni Arroyo.


Nagbida pagdating sa opensiba si dating Adamson University Lady Falcons spiker Trisha Gayle Tubu ng tumapos ito ng kabuuang 15 puntos mula sa 12 atake, dalawang blocks at isang ace upang pangunahan ang opensa ng Foxies tungo sa 1-1 kartada para samahan ang Petro Gazz Angels, habang nahulog naman sa 0-2 marka ang Capital1 kasosyo ang NXLed Chameleons at Strong Group Athletics.


Patuloy rin sa pamamahagi ng magandang takbo ng opensa si ace playmaker Louie Romero sa kanyang 12 excellent sets kasama ang dalawang puntos, habang nag-ambag si Kate Santiago ng anim puntos, gayundin sina Sofia Ildefonso at Alyssa Bertolano.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | February 29, 2024





Mga laro sa Sabado (SM Mall of Asia Arena)


10:00 am – NU vs UP (men’s)


12:00 pm – La Salle vs Ateneo (men’s)


2:00 pm – NU vs UP (women’s)


4:00 pm – La Salle vs Ateneo (women’s) 



Naging mahusay ang pagmamando sa opensa ni ace playmaker Camila Lamina upang maging epektibo ang atake ng National University Lady Bulldogs kontra sa Adamson University Lady Falcons na nagtapos sa straight set 25-17, 25-20, 25-20 sa unang laro kahapon sa pagpapatuloy ng first round ng eliminasyon ng 86th UAAP women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.


Pumoste ang multi-best setter ng kabuuang 17 excellent sets at 2 puntos upang pamahagian ng mabuti sina opposite hitter Alyssa Solomon na humirit ng game-high 17pts mula sa 14 atake, 2 blocks at isang ace, na sinegundahan ni first Rookie/MVP Mhicaela “Bella” Belen ng 15 puntos galing lahat sa atake kasama ang tig-5 excellent digs at receptions, gayundin si Alinsug sa 12 markers galing sa 10 kills at 2 blocks kabilang ang 6 na digs. Yung patience namin sa isa’t isa 'yun 'yung napansin ko kanina na kahit anong mangyari, may ibang sasalo para sayo na will cheer you up,” wika ni Solomon.


Napaganda ang puwesto ng Lady Bulldogs sa magkasunod na panalo upang makuha ang 2-1 kartada katabla ang reigning at defending champions na DLSU Lady Spikers at FEU Lady Tamaraws sa likod ng unbeaten na UST  Golden Tigresses sa 3-0., habang bumagsak ang Adamson sa 1-2 rekord kasama ang UE  Lady Warriors. Nakakabawi-bawi na kahit papaano now that we won in 3 sets, first time dito sa first round. Hopefully magtuloy-tuloy pa 'yung magandang kondisyon ng katawan ng mga players namin pati yung mindset,” pahayag ni Lady Bulldogs head coach Norman Miguel.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page