top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | March 6, 2024





Mga laro ngayong Sabado (SM Mall of Asia Arena)


10:00 am – UST vs Ateneo (men’s)


12:00 pm – Adamson vs FEU (men’s)


2:00 pm – UST vs Ateneo (women’s)


4:00 pm – Adamson vs FEU (women’s)



Madaling dinispatsa ng reigning at defending champions na De La Salle University Lady Spikers ang nangungulilang University of the East Lady Warriors sa pamamagitan ng straight set sa iskor na 25-21, 25-18, 25-10, kahapon, sa unang handog na laro ng 86th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Patuloy na nangibabaw sa iskoring si reigning Rookie MVP Angel Canino ng humambalos ito ng kabuuang 17 puntos mula sa 16 atake at isang block, kasama ang siyam na excellent digs at pitong excellent receptions upang dalhin sa kanilang ikalawang sunod na panalo at solong second place sa 4-1 kartada, habang bumagsak naman sa 1-4 marka ang Lady Warriors sa ika-pitong pwesto.


Nag-ambag rin para sa Lady Spikers sina Shevana Laput ng siyam na puntos mula sa pitong atake at tig-isang ace at block, kabilang ang apat na digs, Thea Gagate sa sariling siyam puntos mula sa limang blocks, tatlon atake at isang ace at Alleiah Malaluan sa pitong marka at limang digs. May kontribusyon rin si team captain at ace playmaker Julia Coronel ng 15 excellent set at tatlong puntos at double-double sa depensa libero Lyka De Leon sa tig-11 digs at receptions.


Madaling ipinadama ng Lady Spikers ang bangis ng kanilang mga atake sa first set mula sa pagbida sa opensa ng 5-foot-11 spiker na tubong Bacolod City ng tumudla ito ng 16 kills kasama ang trademark nitong depensa sa apat na blocks at isang ace. 


 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 6, 2024





Mga laro ngayong Miyerkules (SM Mall of Asia Arena)


10 am – UE vs DLSU (men’s)


12 pm – FEU vs NU (men’s)


2 pm – UE vs DLSU (women’s)


4 pm – FEU vs NU (women’s) 



Parehong hanap ng mainit na National University Lady Bulldogs at reigning at defending champions De La Salle University Lady Spikers na mapanatili ang pagsosyo sa ikalawang puwesto sa pakikipagharap sa dalawang koponang magpipilit makabawi na FEU Lady Tamaraws at UE Lady Warriors sa nakalatag na double-header ng 86th  (UAAP) women’s volleyball tournament ngayong araw sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Kasunod ng hindi magandang resulta ng unang laro nagsimula ng magtuloy na nag-ingay sa pagkahol ang NU Lady Bulldogs sa pangunguna ni dating Rookie/MVP Mhicaela “Bella” Belen na puntiryang kagatin ang kanilang 4-game winning streak laban sa babangon muling FEU Lady Tamaraws sa tampok na laro ng 4 p.m. 


Madaling dinispatsa ng Lady Bulldogs ang nakalipas na laro nito kontra sa nangungulelat na UP Lady Maroons para kagatin ang mabilis na 25-17, 25-16, 25-17 straight set, habang hindi na muli patitinag ang Lady Tamaraws na nabalahaw laban sa nangunguna at unbeaten na University of Santo Tomas Golden Tigresses sa fifth set nitong Linggo sa 25-22, 25-21, 23-25, 20-25, 7-15.


Tangka rin naman ng reigning at defending champions De La Salle University Lady Spikers na makuha ang ika-apat na panalo at ang ikalawang sunod kontra sa nangungulilang UE  Lady Warriors sa pambungad na laro ng 2 p.m., matapos suspendihin ng tatlong buwan ang kanilang head coach na si Jerry Yee.



Hindi man gaanong naramdaman ang bagsik ng mga hambalos ng 21-anyos na outside spiker sa nakaraang laro kontra Lady Maroons ng umiskor lang ito ng 10 puntos mula sa siyam na atake at isang ace.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 6, 2024





Mga laro bukas (Huwebes) (Philsports Arena, Pasig City)


4 n.h. – Creamline vs Galeries


6 n.g – Cignal vs NXLed 



Mainit-init na unang panalo ang pinasiklab ng Capital1 Solar Energy para mabigyan ng unang panalo ang beteranong head coach na si Roger Gorayeb matapos paliyabin ang kapwa baguhang koponan na Strong Group Athletics sa 25-18, 25-20, 19-25, 25-20 sa pambungad na laro ng itinampok na double-header ng 8th Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference, kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.


Nanguna sa atake ng Solar Energy Spikers ang beteranong hitter na si team captain Jorelle Singh ng lumista ito ng kabuuang 13 puntos mula sa 12 atake at isang block para ilagay sa winning column ang koponan kasunod ng dalawang pagkabigo sa 1-2 kartada, habang nahulog naman sa 0-3 marka ang baguhang koponan rin ng Strong Group.


Sobrang masaya lang kase importante itong laro dahil ito yung magpa-boost ng confidence at morale naming. Kaya ine-expect namin na mas magiging maganda yung game at makapag-perform ng maayos next game,” wika ng 28-anyos na outside hitter na nalampasan ang pangangapa sa koponan matapos ang mahigit isang buwan pa lamang magkakasama. “Nagkulang sa cokmmunication at receive sa next set nagusap na kami,” dagdag ng 5-foot-5 hitter na dating National University Lady Bulldogs spiker.


Aminado naman si Gorayeb na hindi pa gaanong gamay ng mga manlalaro nito ang sistemang pinapatakbo na umaasang makakabisado sa lalong madaling panahon upang mas higit na makasabay sa takbo ng laro sa liga. “Hirap na hirap pa kami mula sa setter at libero, yung sistema ko kase bago sa katawan nila, parang alienated sila, na di ito yung ginagawa nila dati, sana wag abutin ng isang taon bago nila makuha,” paglalahad ng San Sebasntian Lady Stags chief tactician na nakakuha rin ng suporta mula kay Patty Orendain na may 9 na puntos.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page