top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | March 17, 2024





Mga laro sa Martes (FilOil Ecooil Arena, San Juan)


4 n.h. – Strong Group vs Cignal


6 n.g. – Choco Mucho vs PLDT 


Tinapos ng Chery Tiggo Crossovers ang 19-game winning streak ng Creamline Cool Smashers kasunod ng mainit na laro ni Eya Laure at magandang depensa ni Jennifer Nierva tungo sa pambihirang sweep sa 25-18, 26-24, 25-23 straight set sa unang laro ng nakalinyang triple-header kahapon sa 8th Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference na isinagawa sa Sta, Rosa Sports Complex sa Laguna.


Tumapos ang 5-foot-10 spiker ng kabuuang 14 puntos mula sa 12 atake at dalawang service ace, kasama ang apat na excellent receptions upang tuldukan ang matagal na pananalasa ng Cool Smashers sa liga na planong duplikahin ang ginawang pangwawalis sa kabuuang kumperensya nung nagdaang season.


Sumegunda naman sa iskoran si Czarina Carandang sa 12pts mula sa siyam atake at tatlong blocks, gayundin si Ara Galang na gumawa ng 10pts kasama ang anim na excellent digs. Nag-ambag rin si dating conference MVP Mylene Paat ng siyam puntos at Abigail Marano ng anim, habang namahagi naman si Alina Bicar ng 12 excellent sets at ang magandang floor defense ni Nierv ana kumaala ng double-double sa 20 excellent digs at 10 excellent receptions. “Masayang-masaya kami, kase back nung championship last conference nanood po kami ng entire game, sonbrang amaze kami, napatanong ako kung paano namin matatalo ang Creamline, kase system wise, solid ang sistema nila, attackers, defense, passing, even kapag nag-scout kami sa kanila, ‘di namin alam kung paano namin sila bubutasan eh,” pahayag ni Laure matapos ang laro na nakabawi sa dalawang sunod na pagkatalo kontra Choco Mucho Flying Titans at Farm Fresh.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 16, 2024





Mga laro sa Sabado (Smart Araneta Coliseum)


2 pm – DLSU vs NU


4 pm – Adamson vs UST



Lalapain ng University of Santo Tomas Golden Tigresses ang kauna-unahang pangwawalis sa first round laban sa Adamson University Lady Falcons, habang masasaksihan ang inaabangang Finals rematch sa pagitan ng reigning at defending champions na De La Salle University Lady Spikers at National University Lady Bulldogs sa bigating double-header ngayong araw sa 86th UAAP women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum.


Hindi magpapaawat ang Golden Tigresses na determinadong sakmalin ang 7-0 sweep sa pinakatampok na laro ng 4 p.m. kontra Lady Falcons, na naghahanap makabawi sa nagdaang pagkatalo.


Kasunod ng magkasunod na taon na paghaharap sa Finals, sisimulan ng DLSU Lady Spikers at NU Lady Bulldogs ang agawan sa solo 2nd place na kapwa may 5-1 kartada para sa pambungad na laro ng 2 p.m.


Minsang nawalis ng UST ang first round noong season 2006-2007, kung saan suspendido ang La Salle, subalit ngayon ay mahaharap sila sa panibagong hamon na mailista ang tagumpay para sa volleyball program na pinagbibidahan ni league-leading scorer Angeline “Angge” Poyos.


Hindi pa dapat kaming magpakampante kasi mahaba pa ang season at may second round pa. Bawal mag-relax,” wika ni super-rookie Poyos, na magkasunod na winalis ang Ateneo Blue Eagles at UP Lady Maroons.


Masaklap man ang pagkawala ng mga importanteng manlalaro ngayong season, matapos ang 3rd place finish noong nagdaang taon, tila hindi naman sumusuko ang Adamson sa panibagong pagkatalo na naitala kontra sa Ateneo sa 19-25, 19-25, 25-22, 23-25 noong Miyerkules upang tumabla sa 2-4 marka.


Inaasahang matinding salpukan ang harapan sa La Salle at NU, na tinapos ang 65-taong pagkagutom sa kampeonato noong 2022, habang binawian  sila noong isang taon para kunin ng DLSU ang ika-12 titulo.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 15, 2024





Mga laro bukas (Sabado) (Sta. Rosa Sports Complex, Laguna)


2:00 n.h. – Chery Tiggo vs Creamline


4:00 n.h. – Galeries vs Capital1


6:00 n.g. – NXLed vs Akari


 

Ikinarga ng Petro Gazz Angels ang kanilang ikatlong sunod na panalo kasunod ng mataas na lipad ni Brooke Van Sickle upang walisin ang Farm Fresh Foxies sa pamamagitan ng 25-21, 27-25, 25-19 straight set, kahapon, sa unang handog ng mga laro sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.


Pinunuan ng husto ng Filipino-American spiker ang puntosan ng Petro Gazz sa nilikhang 26 puntos mula sa 20 atake, tatlong blocks and tatlong aces, kasama ang siyam na excellent digs, habang bumida bilang best player of the game si Jonah Sabete na lumikha ng 11pts mula sa siyam kills at dalawang blocks.


Anlaki ng tiwala niya (coach Koji) kahit sobrang bagal ng start ko, kaya nung third set pag-start ko, tinanong niya ako kung ‘if you can? Inako ko na I can. So yun, nakukulangan ako sa sarili ko, pero yung team work namin masyadong matibay talaga,” pahayag ni Sabete matapos ang laro, upang masundan ang italong straight set na panalo kontra sa PLDT High Speed Hitters at Akari Chargers.


“Siguro forte lang namin ang maghabol, kailangan naming makadikit hanggang mahabol namin yung laro,” dagdag ni 30-anyos na tubong Kabankalan City, Negros Occidental spiker.


Bahagya namang nakapag-ambag para sa Petro Gazz si Mary Reny Joy Palma sa anim puntos at Mary Joy Dacoron sa limang puntos na sunod na makakalaban ang Chery Tiggo Crossovers sa Marso 21 sa ikalawang laro sa alas-6:00 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page