top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | April 11, 2024




Mga laro bukas (Sabado)

 

(Ninoy Aquino Stadium)

 

10 a.m. – Adamson vs UP (Men)

12 noon – FEU vs UST (Men)

2 p.m. – Adamson vs UP (Women)

4 p.m. – FEU vs UST (Women) 

 


Hindi naging malaking problema para sa UST  Golden Tigresses ang pagkawala sa laro ni ace scorer at super-rookie Angge Poyos at starting middle blocker Margaret Banagua ng pagbidahan nina Jonna Perdido at Regina Jurado ang atake ng koponan upang lampasan ang pagsubok na hatid ng UP Lady Maroons sa bisa ng 25-14, 25-13, 28-30, 25-15, kahapon sa unang laro ng 86th UAAP women’s volleyball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

Parehong nagtala ng tig-24 puntos sina Perdido at Jurado mula sa 22 atake at tig-isang ace at block at 21 kills at 3 blocks, ayon sa pagkakasunod, habang nag-ambag din si Xyza Gula ng 12 puntos mula lahat sa atake, kasama ang 9 na receptions at 7 digs, gayundin sina Mae Coronado sa 9 puntos at Bianca Plaza sa 5 puntos.

 

Nag-step lang po at trinabaho yung responsibilidad sa loob ng court, naging motivation namin ay para kina Angge at Em kaya namin nakuha 'yung panalo,” pahayag ni Perdido na nagbigay din ng walong excellent digs at apat na excellent receptions, habang pinaghugutan din ng koponan ang nakuhang pagkatalo sa NU Lady Bulldogs ngayong 2nd round upang makapag-adjust ng mga kinakailangang diskarte sa laro.

 

Eversince 'yung lost kinailangan na magising at iyong lapses na kailangan pagtuunan ng pansin, kahit paano napanindigan namin 'yung sinasabi naming babawi kami,” wika ni Jurado na nag-ambag din ng limang excellent digs.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | April 11, 2024




Mga laro bukas (Biyernes)


(Filoil EcoOil Arena)


7:30 a.m.- San Beda vs CSB (men)

10 a.m.- San Beda vs CSB (women)

2 p.m.- SSC-R vs LPU (women)

5 p.m.- SSC-R vs LPU (men) 


Sumandal sa balanseng atake ang Jose Rizal University Lady Bombers upang pataubin ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa pamamagitan ng straight set sa 25-20, 25-20, 25-23, kahapon upang makuha ang unang panalo sa 99th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) women’s volleyball tournament sa San Andres Gymnasium sa Malate, Manila.


Nagpamalas ng mahusay na pagmamando sa opensa si Inday Laurente ng pamunuan ang atake ng Lady Bombers kasunod ng 13 excellent sets, kung saan naging pinakamalaking nabahagian si Karyla Jasareno na tumapos ng 13 puntos upang makabawi sa unang laro laban sa University of Perpetual Help Altas sa bisa ng 25-14, 25-14, 25-21 straight set nitong nagdaang Linggo.


Nadistribute ni Inday ng mabuti yung bola. Wala siyang specifically sinasabihan na pag set niya ng bola, ibato mo dito,” wika ni JRU coach Mia Tioseco. “It’s more of basta kailangan ng points, kung sino nasa harap dun niya bibibigay yung bola,” dagdag ni Tioseco.


Naging malaking tulong rin ang siyam na puntos na ambag ni Mary May Ruiz upang bigyan ang tropa ni Tioseco ng unang panalo, kung saan nagbigay sa JRU ng kapabalidad na kayang kaharapin ng koponan ang anumang pagsubok na pagdaraanan sa mga susunod na laro.


I’m happy they get to feel and ma-realize nila yan ang game nila,” wika ni Tioseco, na paunti-unting kinakapa ang grupo kasunod ng isinagawang rebuilding sa pagkakawala ng mga mahahalagang manlalaro sa nagdaang seson habang nakikipagpambuno para sa pwesto sa Final Four. “We want to make the Final Four, but more importantly, I also want the younger ones to be able to fight during games, laban lang sila dapat,” saad ni Tioseco.                    

 
 

ni Gerard Arce @Sports | April 5, 2024




Mga laro sa Martes (Abril 9)


(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. – Adamson vs FEU

4 p.m. – La Salle vs UE


Tinudla ng De La Salle University Lady Spikers ang pagpapatibay sa pwesto sa Final Four kahit na wala ang pangunahing pambato nito na si Rookie/MVP na si Angel Anne Canino matapos ang matakasan ang mahirap na pagsubok na hatid ng University of the Philippines Lady Maroons sa pamamagitan ng fourth set 26-24, 25-20, 24-26, 27-25 kahapon sa unang laro ng 86th season ng UAAP women’s volleyball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Nagtulong-tulong ang mga manlalaro ng Lady Spikers upang punan ang kawalan ng 20-anyos na outside hitter na dumating sa MOA Arena na nakasuot ng sling na natatakpan ng jacket, kung saan maaaninag ang naka-cask na kanang kamay, para makuha ang kanilang ika-walong panalo laban sa isang talo para sa solong ikalawang pwesto at mapatibay ang Final Four spot.


Nagkaroon ng accident sa arms nya, so, day by day inaalam pa,” wika ni assistant coach Noel Orcullo sa sa post-press conference kahapon.


Nagawang pagbidahan ni opposite spiker Shevana Laput ang Lady Spikers ng kumana ito ng kabuuang 21 puntos mula sa 18 atake, dalawang blocks at isang ace kasama ang tatlong excellent digs, habang sumuporta ang mga beteranong sina Alleiah Malaluan na halos bumuhos ng triple-double sa 17pts mula sa 16 atake at isang ace, 11 excellent receptions at siyam na excellent digs, gayundin si Maicah Larroza sa triple-double sa 12pts mula sa 11 kills.       

 
 
RECOMMENDED
bottom of page