top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | April 16, 2024




Matagumpay  na sinuntok ni 2016 Rio Olympian Charly “The King’s Warrior” Suarez ang kanyang ika-17 panalo upang manatiling unbeaten at mas lalo pang palakasin ang tsansa sa World title matapos higitan si American Luis Coria sa 8th-round unanimous decision ng super-featherweight bout, Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas) sa American Bank Center, Corpus Cristi, Texas sa Amerika.


Pinaboran ng tatlong hurado ang three-time Southeast Asian Games champion at 2014 Incheon Asian Games silver medalist nang panigan ito sa iskor na 77-74, 77-74 at 76-75 para sa kanyang ikalawang sabak sa Amerika. Nakatakda sanang makaharap ni Suarez si dating World Boxing Organization (WBO) Latino super-featherweight titlist Henry “Moncho” Lebron ng Puerto Rico, ngunit umatras ito dalawang linggo bago ang laban para sa Top Rank promoted card na pagbibidahan ng pagbabalik ni heavyweight prospect Jared Anderson kontra kay Ryad Merhy.


Naging agresibo sa kabuuang laban si Suarez (17-0, 9KOs) nang mahigitan sa bawat pagkakataon ang American boxer mula sa mga mahuhusay na kontra-atake ng Pinoy boxer sa kanyang ulo at katawang kombinasyon. Sa kagustuhan namang makahabol sa laban ay sinikap ni Coria na magpaulan ng mas maraming banat dahilan upang matiyempuhan si Suarez sa panga upang makaiskor ng knockdown. Gayunman, hindi sapat ang nakuhang knockdown sa 8th round upang mabaligtad pa ang desisyon ng mga hurado.


Pagdating sa preparasyon ay nakahanap ang  35-anyos na tubong San Isidro sa Davao del Norte ng mga pamalit na orthodox boxer  mula sa kaliweteng boxer na si Lebron sa Top Rank Boxing Gym sa Las Vegas, Nevada, kung saan ilang buwan na itong nagsasanay na inaalalayan ng pinsan at dating Olympian na si Mark Anthony Barriga.        

 
 

ni Gerard Arce @Sports | April 15, 2024




Mga laro bukas (Martes)

(Filoil EcoOil Arena)

7:30 a.m.- LPU vs AU (men)

10 a.m.- LPU vs AU (women)

2 p.m.- Letran vs EAC (women)

4 p.m.- Letran vs EAC (men)

 

Pinaliyab ng College of St. Benilde Lady Blazers ang koponan ng Jose Rizal University sa iskor na 25-13, 25-12, 25-20, kahapon upang kunin ang solong liderato at pahabain ang winning streak sa 32 sunod sa 99th season ng  NCAA Season 99 women’s volleyball Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.


Nailista ng Lady Blazers ang ikatlong sunod na panalo ngayong season na nabalasa ng husto ang mga manlalaro para walang tumapos ng doble pigura na pinagbidahan nina middle blocker Michelle Gamit at spiker Wielyn Estoque na may tig-walong puntos.


Lahat ng manlalaro ng CSB ay nakapagtala ng iskor bukod lamang sa kanilang kapitan na si Jessa Dorog at dalawang liberos.


Nagpatuloy ang magandang panalo mg CSB na hanap ang ikatlong sunod na kampeonato matapos walisin ang dalawang nagdaang season, habang may naputol ang kumpetisyon dahil sa COVID-19 pandemic.


Gayunman, ayaw magpakampante ni coach Jerry Yee sa mga nakukuha nilang winning streak at mga panalo dahil pangunahing puntirya pa rin ang makuha ang kanilang layunin.


We try not to mind those, we don’t even count,” wika ni Yee, na sinabing may binabantayan nito ang mas ikauunlad pa ng koponan. “Kulang pa sa execution, dami pa kulang, dami pa aayusin. Hopefully, maayos naman.”


Inihahanda na ni Yee ang mga susunod sa yapak ng mga beteranong manlalarong parte ng starting lineup na aalis ng koponan na kinabibipangan nina Jade Gentapa, Cloanne Mondonedo, Michelle Gamit and Gayle Pascual. Meron na naman apat na aalis and we try to train yung mga papasok a year ahead to prepare,” ani Yee. 

 
 

ni Gerard Arce @Sports | April 14, 2024




Mga laro sa Martes

 

(Philsports Arena, Pasig City)

4:00 n.h. – Petro Gazz vs Cignal

6:00 n.g. – Chery Tiggo vs PLDT 


Bumuhos ng matinding opensiba si France Ronquillo upang pagbidahan ang atake ng Galeries Tower Highrisers upang madaling itumba ang Farm Fresh Foxies sa straight set 25-18, 25-23, 25-16 sa unang laro ng nakalatag na triple-header kahapon sa 8th Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

 

Humambalos ang 5-foot-8 outside hitter ng 20 puntos mula sa 16 atake kabilang ang tatlong service ace at isang block, habang nagdagdag pa ito ng tig-5 excellent digs at excellent receptions upang makuha nito ang ikatlong panalo mula sa siyam na laro, habang pinabagsak naman ang Farm Fresh sa ika-10th place sa 2-7 marka.

 

Nakatulong din ng 24-anyos na spiker mula sa National University Lady Bulldogs si Roma Joy Doromal sa kumabig ng 10pts mula sa siyam na kills at isang block, habang nag-ambag ng tig-8 puntos sina Audrey Paran at Norielle Ipac at 6 na puntos na kontribusyon mula kay Andrea Marzan.

 

Naging mahusay naman ang pagpapatakbo sa opensa ni Renee Mabilangan sa kabuuang 20 excellent sets at isang puntos, habang dumepensa naman ng matindi si Alyssa Eroa sa 26 excellent digs, upang makabawi sa huling pangwawalis ng Akari Chargers nung nagdaang Sabado sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

 

Nalubog naman sa five-game losing skid ang Farm Fresh na sinubukang buhatin nina Trisha Tubu at Chennie Arroyo sa tig-walong puntos, habang may 15 excellent sets si Louie Romero kasama ang dalawang puntos.   .”                                           

 
 
RECOMMENDED
bottom of page