top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | July 29, 2024



Sports News
Photo: UST Tigresses / X

Mga laro sa Miyerkules

(Paco Arena)

10 a.m. – Perpetual vs NU (Men)

12 p.m. – FEU vs UST (Men)

3 p.m. – FEU vs Letran (Women)

5 p.m. – UE vs Benilde (Women) 


Nagpasikat at nagkapit-kamay sa pagputok sa opensa sina outside hitters Jonna Perdido at last season UAAP Rookie of the Year Angeline Poyos para pagbidahan ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa pagsakmal sa Lyceum of the Philippines University Lady Pirates sa pamamagitan ng 4-set panalo sa 25-22, 23-25, 25-20, 25-17 para simulan ang kampanya sa 2024 V-League Women’s Collegiate Challenge kahapon sa Paco Arena sa Maynila.


Humataw sina Perdido at Poyos ng kapwa 16 puntos, kung saan nagdagdag din ng 3 excellent receptions ang 20-anyos na Second Best Outside Hitter sa season 86th ng UAAP. Kumana rin sa atake ang dalawang opposite spikers na sina Regine Jurado at rookie Margaret Altea na kapwa may tig-13 puntos, gayundin si Margaret Banagua na may 8 at Cassy Carballo na may 12 excellent sets.


Ano naman ito whatever the result ang gusto lang namin mangyari kung paano sila magre-react for different scenario, adjustments yung tamang judgements, those things ang tinitignan namin kase skills wise, andun naman, more on decision-making na lang nga at yung adaptability kung sino yung mag-fit dun sa system, kung anong pinakamagandang mangyayari so far,” pahayag ni head coach Emilio “Kungfu” Reyes, na muling inilatag ang mga dating manlalaro matapos makuha ang runner-up finish sa nagdaang UAAP season.


They have the power, pero 'yung consistency di pa masyadong makita, pero yung maturity okay na naman sa kanila. Halos lahat ng seniors, composed, confident, andun na yung galawan nila,” dagdag ni Reyes patungkol sa ‘core group’ na nagbalik muli sa eksena sa paglalaro. 

 
 

ni Gerard Arce @Sports | July 28, 2024


Sports News
Photo: Manny vs. Anpo / X

Nauwi sa tabla ang ikalawang salang sa exhibition bout ng nag-iisang eight division World champion na si Manny “Pacman” Pacquiao laban kay dating K1 fighter Rukiya Anpo ng Japan, Linggo ng gabi sa Super RIZIN 3 sa Super Saitama Arena.


Maituturing man na walang nanalo sa three-round-three-minute boxing match, tila mas kinakitaan ng kalamangan ang Japanese fighter na malaki ang bentahe pagdating sa height at lakas matapos na magpakawala ng mabibigat na suntok sa 45-anyos na Filipino boxing legend.


Tiniis ng future Hall of Famer ang mabibigat na suntok ni Anpo, kabilang ang right hooks sa first round, body shots sa round two at matitinding atake sa round three, kung saan nasaktan si Pacman sa huling round.


Naging pamalit lamang si Anpo kay kickboxing at mixed martial arts RIZIN featherweight champion Chihiro Suzuki, matapos kinailangang umatras dahil umano sa hand injury na natamo sa exhibition boxing match kay PRIDE FC Legend Takanori Gomi.


Huling beses sumabak sa exhibition match si Pacquiao nung Disyembre 11, 2022 kontra kay South Korean fighter DK Yoo sa Korea International Exhibition Center na nagtapos sa unanimous decision sa kanilang six round bout, na sinundan naman ng pagpirma ng kasunduan sa kilalang Japanese Promotions na RIZIN MMA para lumaban rin sa isang exhibition match.


Nakikita namang isang tune-up fight ni Pacquiao ang laban kay Anpo bilang daan sa nilulutong comeback professional fight nito kontra kay World Boxing Council (WBC) welterweight titlist Mario “El Azteca” Barrios ngayong taon sa Estados Unidos.


Matatandaang nabigo si Pacquiao sa huling professional bout kontra kay Yordenis “54 Milagros” Ugas ng Cuba nung Agosto 21, 2021 na nagresulta sa 12-round unanimous decision pabor sa 2008 Beijing Olympics bronze medalist para sa WBA (Super) 147-pound title belt.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | July 21, 2024


Sports News
Photo: PVL / FB

Mga laro sa Martes


(Philsports Arena)


1 n.h. – Zus Coffee vs Cignal


3 n.h. – Choco Mucho vs Akari


5 n.h. – Capital1 vs Petro Gazz 


Hindi hinayaang nag-iisang puputok sa opensa ni dating collegiate at professional MVP Ara Galang ang kanilang import para maniobrahin ang takbo ng laro ng Chery Tiggo Crossovers at kunin ang ikalawang sunod na panalo sa Pool A laban sa NXLed Chameleons sa 25-16, 25-20, 25-23 kahapon sa pambungad na laro ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.


Matapos na madaling makuha ang dalawang unang sets sa loob ng 29 minuto, sinandalan ng Crossovers ang 29-anyos na beteranong spiker upang bumira ng mga importanteng iskor, na tumapos ng double-double sa kabuuang 11 puntos mula sa pitong atake at apat na blocks at 11 excellent digs para segundahan si dating PSL Best Outside Spiker Katherine Bell na tumapos ng 21 puntos mula sa 19 kills at dalawang aces at 10 excellent digs.


Mindset ko lang ay tulungan si kath, [kase] ‘di pwedeng umasa lang kami sa import namin, kailangan mag-contribute as much as we can,” pahayag ni Galang, para pangunahan ang lokal players sa kawalan nina power hitter Eya Laure at ace libero Jennifer Nierva na kumakampanya para sa Alas Pilipinas national team. “Mag-stick lang kami sa kakayanan namin at magtrabaho ng maayos at magwork as a team. Expect na pagbutihan lalo at magwork pa as a team.”


Nag-ambag rin para sa Crossovers si Shaya Adorador sa anim na puntos kasama ang pitong excellent receptions, gayundin ang 12 excellent sets at tatlong puntos ni Jasmine Nabor at 10 excellent receptions ni rookie floor defender Karen Verdeflor.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page