top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 28, 2021


ree


Pabor ang mga Metro Manila mayors na i-extend ang general community quarantine (GCQ) hanggang sa February, ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.


“Ang consensus po ng nakakarami, ng lahat, ng buong council, ‘yung 16 na city mayors at isang municipal mayor na irekomenda po sa ating IATF [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases] ay manatili po tayo sa GCQ sa darating na February.”


Mas magiging mahirap umano kung lalong dadami ang kaso ng COVID-19 lalo na’t mayroon nang bagong variant na nakapasok sa bansa.


Aniya, “Kung magluluwag po tayo, napakahirap po na magkaroon tayo ng spike lalung-lalo na parating na po ‘yung ating vaccine.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 29, 2020


ree


Extended na naman ang pagsasailalim sa Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) hanggang sa January 31, 2021, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address ngayong Lunes nang gabi.


Isinailalim din sa GCQ ang Isabela, Santiago City, Batangas, Iloilo, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan City, Davao City at Davao del Norte. Ang iba pang bahagi ng bansa ay isinailalim naman sa modified GCQ.


Pahayag din ni P-Duterte, “The rule is kung maaaring hindi ka lumabas ng bahay, ‘wag ka nang lumabas. Kung marami kang utang, ‘wag kang lumabas talaga, mas lalo na. Kung mayroon kang inano na anak na babae na niloko mo, ‘wag ka ring lumabas talaga.


"So, it’s a stay home if it’s really possible, kung kaya mo lang. It’s for your own good and the washing of hands,” muli pang paalala ng pangulo.


 
 

ni Thea Janica Teh | December 1, 2020


ree

Bawal pa rin lumabas ng bahay at pumasok sa mga malls ang mga menor de edad sa Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) kahit na sinabi na ni Interior Secretary Eduardo Año na puwede na basta’t may kasamang magulang.


Ayon kay Police Brig. Vicente Danao, ang mga authorized persons outside homes (APOR) at essential workers lamang ang maaaring lumabas at papasukin sa mga malls sa Metro Manila.


Aniya, makikipag-usap umano ito sa mga mall managers upang hindi papasukin ang mga menor de edad dahil sa panahon ngayon, mas marami umanong pumupunta sa mall upang mamili.


Ito rin umano ay para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19. Ibinahagi rin ni Dr. Tony Leachon, dating adviser ng pandemic task force ng pamahalaan na maaaring maging “superspreaders” ng COVID-19 ang mga bata kung papayagan itong makalabas ngayong holiday.


Dagdag pa ni Danao, magtatalaga pa ng mas maraming pulis sa Divisoria at ilan pang mga malls upang mas mapahigpit ang implementasyon ng minimum health standard tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask at face shield.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page