top of page
Search

ni MC - @Sports | April 22, 2022


Kagyat na ipinag-utos ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang masinsin na imbestigasyon hinggil sa ipinataw na kaparusahan ng British Boxing Board of Control (BBBofC) laban sa Pinoy boxing champion na si John Riel Casimero.


Nitong Miyerkules, ipinag-utos ni Mitra sa GAB Boxing and Other Contact Sports Division na magsagawa ng ‘independent investigation’ upang matukoy kung tama ang naging desisyon na alisin si Casimero sa nakatakdang boxing promotion, bunsod ng paglabag sa ‘medical guidelines’ ng boxing association.


Nakatakdang idepensa ni Casimero ang WBO bantamweight title laban sa hometown challenger na si Paul Butler sa Liverpool, England sa Biyernes (Sabado sa Manila). Ngunit, tinanggal sa boxing card si Casimero dahil umano sa paggamit nito sa sauna bago ang opisyal na weigh-in na isa umanong paglabag sa boxing regulation.


Ipinarating ng BBBofC ang naging desisyon sa manager ni Casimero na si Mr. Egis Klimas. “As the country’s pro boxing regulatory agency, we strongly condemn and discourage the commission of any illegal acts or violation of boxing rules. We will surely look into this and summon Mr. Casimero and his team to shed light on the issue,” pahayag ni Mitra.


Orihinal na nakatakda ang laban ni Casimero kay Butler nitong Disyembre 2021, ngunit naunsiyami matapos magtamo ng viral gastritis ang Pinoy champion. Binawi ang naturang korona kay Casimero, subalit naibalik din kalaunan matapos mapatunayan ng WBO na nagtamo ng karamdaman si Casimero.


Ipinalit ng WBO si Jonas Sultan, pambato ng Zamboanga del Norte, kay Casimero para sa interim WBO bantamweight title fight kontra Butler.


Naging ganap na world title contender si Sultan nang labanan ang kababayan ding si Jerwin Ancajas para sa IBF belt noong 2018. Nagawa naman niyang gapiin si Casimero sa world title eliminator.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 17, 2021




Humingi ng paumanhin ang billiards champion na si Efren "Bata" Reyes matapos masangkot sa paglabag sa health protocols sa isang pool game sa San Pedro, Laguna kamakailan.



Ipinost ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Baham Mitra sa kanyang Twitter account ang sulat ni Reyes kung saan humihingi siya ng paumanhin.


Saad ni Reyes, "I am writing to you regarding the incident happened last March 11, 2021 in San Pedro, Laguna.” Aniya pa, “Before agreeing to the person who invited me, I informed them to ask permission to the local government or the barangay captain so that there will be no problem upon my arrival.”


Nu’ng umpisa raw ay kaunti lamang ang tao roon ngunit nang malaman na naroon siya ay nagpuntahan na rin ang iba. Saad pa ni Reyes, “At first, everything was smooth and only a few people were there. Since they heard the news of me visiting, their neighborhood were excited to see me in person that’s why safety protocols were not followed. The barangay captain was aware of the event, he reminded them to follow rules.”


Sa kumalat na video online, kinumpiska ng awtoridad ang kanilang kagamitan sa pagbi-billiards at maririnig din na pinapunta sila sa barangay hall.


Pahayag ni Reyes, “He kept on reminding the people watching the game to observe social distancing and follow the safety protocols (e.g. wearing face mask and face shield), but since they were not following, the barangay captain was forced to call the police. Calling the police was the only way of the barangay captain to make the watchers obey him.


The police officer informed me beforehand to just follow them to the barangay hall, so that everybody will comply. That’s why we went to the barangay hall with them. Then they gave us a warning and they gave back our cue stick. Then we went home after.


“I am deeply sorry for what happened, I don't have control over the situation and the people around the vicinity. "I, myself, was well aware of the safety protocols so that I will not acquire this virus and I'm hoping and praying for everyone's safety."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page