top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 22, 2024



Ipagpatuloy  natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Boar, Pig o Baboy. 


Ang Boar, Pig o Baboy ay silang mga isinilang noong 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019 at 2031.


Sa pag-ibig, romansa at pakikipagrelasyon, ang mga Baboy ay nahihirapang magtago ng kanilang damdamin o emosyon. Kaya kapag nakursunadahan ka ng Baboy, sinadya man o hindi, makikita mo agad ang kanilang pagkalinga, lambing at pagmamahal sa iyo.

 

Sa 12 animal signs, ang Baboy ang isa sa pinaka-prangka at mahahalata mo talaga ang kanyang damdamin. Kapag napalapit na ang loob niya sa iyo, tunay ngang mararamdaman mo agad ang kanilang paghanga.


Nangyaring ganu’n, dahil bukod sa malambing at mapagmahal, tunay ngang ang mga Baboy ay mahusay din sa romansa. Kaya kung naghahanap ka ng very satisfied, meaningful love affair at sexual experience, talaga naman sa piling ng isang Baboy maso-solve ka na, dahil nga hindi nagagawang itago ng Baboy ang kanyang damdamin at pagnanasa. Pero, kadalasan itong nauuwi sa kabiguan at pagkadismaya dahil masyado silang nagmamadali at hindi nila natatantsa kung ang pinapakitaan ba nila ng motibo o pagmamahal ay may gusto rin sa kanila. Pero, higit naman na mas lumiligaya at very satisfied ang ikalawang pag-ibig o ikalawang pakikipagrelasyon kung ikukumpara sa nauna.


Kaya kung ikaw ay isang Baboy at nabigo ka sa unang pag-ibig o pakikipagrelasyon, ‘wag kang malungkot o manghinayang, dahil tiyak naman na sa ikalawang pag-ibig, paniguradong habambuhay ka ng magiging satisfied at maligaya.


Samantala, ka-compatible naman ng Baboy ang isang mahinhin at tahimik na Tupa o Kambing, at ang sopistikadong Kuneho. 


Nauunawaan ng Kambing ang damdamin ng Baboy habang masasarapan naman ang Kambing sa malambing at mapagkalingan nito. Hinggil naman sa relasyong Kuneho at Baboy, pinagpupursigihan ng Kuneho ang medyo magaspang at padaskol na ugali ng Baboy, habang tuturuan naman ng Baboy ang Kuneho para magkaroon ng lakas ng loob at laging maging positibo sa buhay, kaya kapag laging kasama ng Baboy ang Kuneho, unti-unting mawawala ang pagiging pesimista ng Kuneho, hanggang sa tuluyang siyang matutong tumingin sa mga bagay-bagay na may optimistang pananaw.


Bukod sa Kuneho at Kambing, ka-compatible rin ng Baboy ang maraming inililihim na Tigre. Kung ikaw ay isang Tigre, may mapagsasabihan ka na ng mga nililihim at mga tinatago mong sikreto na ayaw na ayaw mong sabihin sa iba. Habang sa piling ng Tigre, makakatagpo naman ang Baboy ng isang may kabuluhang kadaldalan, at may malalim na pagkatao.


Habang ang relasyong Baboy sa Baboy ay maaari namang sa umpisa lang magiging masaya at maligaya na sa bandang huli ay posible ring mauwi sa panlalamig at pagkasawa.


Puwede ring makasama ng Baboy ang mga Daga, Baka, Dragon, Kabayo, Tandang at Aso, dahil ang pagiging excess sa maraming bagay ng isang Baboy ay kaya-kayang disiplinahin, supilin at limitahan ng nasabing mga animal signs.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.


Itutuloy….


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 20, 2024



Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Boar, Pig o Baboy. 


Ang Boar, Pig o Baboy ay silang mga isinilang noong 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019 at 2031.


Dahil likas na matulungin at mapagmahal sa kanilang kapwa, sadya namang lapitin ng suwerte at magagandang kapalaran ang mga isinilang sa Taon ng Baboy. Para sa kanila, kung ano ang nasa puso mo, gawin mo. Kaya naman sa huli, bumubuti at lalong nagiging buwenas ang kanilang kapalaran.


Dagdag pa rito, batid ng mga Baboy na ang natural na batas ng kalikasan ang nagbibigay sa kanila ng suwerte at magandang kapalaran, hangga’t patuloy silang naglilingkod sa kanilang kapwa at gumagawa ng kabutihan.


Tulad ng Baka, ang mga Baboy ay nagsisikap at nagtitiyaga rin, ngunit ang kaibahan nila, ginagawa ito ng mga Baboy nang may arte, lambing at saya dahil ang pagiging malambing at masayahin ay isa sa mga pangunahin nilang katangian.


Kaya naman ang mga Baboy ay hindi basta dinadatnan ng lungkot at kamalasan dahil tulad ng nasabi na, anuman ang dumating sa kanilang bahay, itinuturing nila itong may maganda at mabuting kauuwian dahil batid ng mga Baboy na sadyang malakas sila sa nasa itaas. Kaya anuman ang sapitin nila, sa huli, sila ay kusang pinapatnubayan, binibigyan ng suwerte at magandang kapalaran ng langit.


Kaya ang isa pang keyword na sadyang magiging pangunahing kapalaran ng isang Baboy ay sadya silang sinusuwerte at pinagpapala ng langit kapag patuloy silang nagpakita ng kabutihan sa kanilang kapwa. Lalo na sa ngayong Green Wood Dragon, mas marami pang mga biyaya at pagpapala silang makakamit na kung saan-saan manggagaling, lalo na sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre sa taong ito ng 2024.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.


Itutuloy….


 
 
  • BULGAR
  • Mar 18, 2024

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Marso 18, 2024



Ipagpatuloynatin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Boar, Pig o Baboy. Ang Boar, Pig o Baboy ay silang mga isinilang noong 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019 at 2031.


Bukod sa mapagmahal at mapagkakatiwalaan ang mga taong isinilang sa Year of The Pig, sinasabi ring malambing at mapang-akit sila. Hindi lang mapang-akit, bagkus, mainit din sa kama, mahusay sa romansa at masarap magmahal dahil nagagawa nilang pagbutihin ang anumang relasyon na kanilang napapasukan.


Ngunit minsan, ang nagiging problema nila ay nahihirapan silang intindihin ang kanilang kapwa, kaya naman may tendency na madali silang mabugnot at uminit ang ulo, kaya napagbibintangan sila na mahirap kausap at mabagal umintindi.


Sa kabila nito, ang totoo ay madali naman silang bolahin kapag pinuri-puri at nilambing sila. Kumbaga, kung papaliwanagan mo nang may kasamang pambobola ang Baboy, tulad ng nasabi na, dahil likas silang mabait at mapagparaya, madali mo talaga silang mauuto. At minsan, tulad ng nasabi na, madali ring napagsasamantalahan ng ibang tao ang likas na kabaitan at pagiging maawain ng mga Baboy.


Dagdag pa rito, may pagkagalante rin ang mga Baboy at sensitibo sila sa damdamin at kalagayan ng iba. Sabi nga sa aklat na Chinese Elemental Astrology ni E.A. Crawford, “The Boar is the original soft touch and will open his home and give out money to all. He is generous to those he loves and those he wants to love him, and will share everything he has, even to his own detriment.”


Ngunit minsan, ang nagiging problema nila ay nahihirapan silang intindihin ang kanilang kapwa, kaya naman may tendency na madali silang mabugnot at uminit ang ulo, kaya tuloy napagbibintangan sila na mahirap kausap at mabagal umintindi.Dahil sa ganitong ugali ng mga Baboy, may isang panahon sa kanilang buhay na sila ay nababangkarote. Kumbaga, nalulugi ang negosyo o nauubos ang kanilang kayamanan.


Gayunman, kahit magkandalugi-lugi at bumagsak ang kabuhayan, ang nakakatuwa sa Baboy, nananatiling buo ang kanyang loob, patuloy siyang lumalaban sa hamon ng buhay, hanggang sa makita mo siyang nakatayo, matatag at maunlad na muli ang kanyang kabuhayan.Kaya ang ugaling nabanggit ang hahangaan mo sa mga Baboy. At kahit may panahong bumagsak ang kanilang kabuhayan, kayang-kaya nilang makarekober at muling umunlad.


Ganundin sa pag-ibig, kahit naisanla na ng mga Baboy ang kanilang puso at pag-ibig sa maling nilalang at kahit na nagkandabigu-bigo sa pag-aasawa at pakikipagrelasyon, darating din sa kanilang buhay na muli silang makaka-move on. Dahil dito, magagawa nila muling magmahal, magkaroon ng bagong karelasyon at makabuo ng mas masaya at panghabambuhay na pamilya.


Kung sa ibang mga animal signs ay walang ikalawang saya o gloria, para sa mga taong isinilang sa Taon ng Baboy, palaging may “second chance”. At ang ikalawang mundong ito sa kanilang karanasan ay siguradong higit na magiging maligaya, dakila at panghabambuhay.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.



Itutuloy….


 
 
RECOMMENDED
bottom of page