top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Ika-5 Araw ng Abril, 2024


Ipagpatuloy  natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Ox o Baka. 


Ang Ox o Baka ay silang mga isinilang noong 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021, 2033. 


Sa pakikipagkapwa tao, kahit pa sabihin na ang Baka ay pagkatuso pagdating sa pera, may bahagi rin naman ng kanyang puso ang malambot. Ibig sabihin, may hibla rin sila ng awa sa mahihirap.


Tunay ngang nahahabag ang kanilang kalooban kapag nakakakita sila ng mga taong naghihikahos o wala na talagang pag-asa sa buhay. Kaya kapag ganito ang sitwasyon ng mga taong malalapit sa Baka, paniguradong gagawin nila ang lahat para lamang makatulong sila.


Ang hindi alam ng Baka, dahil sa lihim nila na pagtulong, pinagmamasdan na pala sila ng nasa itaas, kaya sa dakong huli ang langit mismo ang gaganti sa mga lihim nilang pagtulong, kung kaya pinagkakalooban sila ng dagdag suwerte at magandang kapalaran na may kaugnayan sa salapi, materyal na bagay at sa kanyang propesyon.


Samantala, dahil hindi nga mahilig sa pakikipagbolahan, kahit pilitin mo, hindi ibibigay ng Baka ang kanilang commitment sa iyo, dahil para sa kanila, kapag kaya nilang gawin ang isang bagay, agad nila itong gagawin. Pero, kapag hindi naman nila ito kaya, hindi talaga nila iyon gagawin. 


Ayaw nilang mangako, lalo na kung ang pangako sa simula pa lang ay alam na alam na nilang mapapako. Sa halip, tunay ngang bihirang-bihira magbigay ng pangako ang isang Baka, pero sa sandali namang sila ay mangako, kahit ano pa ang mangyari, kahit magunaw pa ang mundo, tiyak na tutuparin nila ang kanilang binitiwan.


Bukod sa pagiging materyoso at may pagkapraktikal, ang Baka ay nakakagawa rin ng legacy, kung saan, ang ibang mga tao ay itinatayo ang kanilang mga pangarap sa buhangin tulad nilang nagtataglay ng animal sign na Rabbit o Kuneho. Ang Ox o Baka ay nakakapagpatayo rin ng kanilang mga pangarap at ambisyon sa totoong building.


Kaya ito ay nananatili habambuhay.


Oo, ganu’n kagaling ang isang Baka, lalo na kung ang pag-uusapan ay ang mga tangible things na nahahawakan ng mga kamay, kaya naman kung ikaw ay isang Baka habang patuloy sa pag-angat ang graph ng pag-unlad sa aspetong pangmateryal na bagay, samantalahin mo ang pag-iipon para sa future mo.


Samantala, dagdag dito, sinasabi ring ang isang Baka ay tunay namang nagtatagumpay sa mga gawain at propesyong tulad ng military dahil sa taglay nilang katatagan at katapangan, sa kabila ng mga kritikal at nakakapanindig balahibong pakikipagsapalaran na madali naman nilang nalulusutan.   


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Ika-4 Araw ng Abril, 2024



Ipagpatuloy  natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Ox o Baka. 


Ang Ox o Baka ay silang mga isinilang noong 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021, 2033. 


Sinasabi ring bagama’t masipag at masikap sa buhay, ang Baka ay kadalasang nagiging makasarili o nakatuon lamang ang iniisip niya sa kanyang sarili at pamilya. Kaya naman wala silang masyadong pakialam sa iniisip ng ibang tao o kahit na ng kanilang mga kapitbahay. Sa halip, ang mas pinapahalagahan nila ay ang kanilang personal na buhay at kung paano matatapos at mapagkakaperahan ang isang proyektong kasalukuyan nilang ginagawa.


Dahil sa ugaling ito ng Baka, mahirap sila maimpluwensyahan, sapagkat bukod sa pagiging malaya sa pagdedesisyon, may sarili rin silang daigdig o mundo na sila lang ang nakakaalam at ayaw na ayaw nilang sila ay nagugulo o nagagambala sa pribado at tahimik nilang mundo na sila rin ang may gawa.


Kaya naman, inisip ng iba na ang Baka ay mahirap pakisamahan, dahil sa una mong magiging ekspresyon sa kanila ay  para bang may pagka-weird at walang pakialam sa kung anuman ang mangyari sa kanilang kapaligiran. Ngunit, hindi naman ito totoo at sa katunayan, kasundung-kasundo ng Baka ang tulad nilang mapag-isa, palaisip, mahusay magplano, perpeksyonista, may katalinuhan at may pagkatusong Snakes at Rooster.


Sinasabi ring dahil sa pagiging praktikal at materyoso, kung minsan handang isakripisyo ng Baka ang kanilang kaligayahan, gayundin ang kanilang personal na pangangailangan, kapalit ng mga kapaki-pakinabang na pangmateryal at salapi.


Halimbawa, may dyowa ang isang Baka, sa katunayan hindi nila ito ginagawang first priority dahil ang mas pinagtutuunan nila ng pansin ay ang kanilang career at trabaho.


Hindi natin sila masisisi, sapagkat ang tunay na ikaliligaya nila sa mundo ay ang

makitang dumarami nang dumarami ang kanilang ipon.  Oo naman, natutuwa ang isang Baka sa tuwing nakikita nila ang naiipon nilang salapi sa bawat araw na lumilipas.


Sa ganitong tanaw, mas nagiging maligaya, hindi lamang ang panlabas na katauhan ng isang Baka kundi pati na rin ang kaibuturan ng kanilang puso at kaluluwa.


Kaya naman kung gusto mong yumaman o maging successful, piliin mong makasama o makaisang-dibdib ang isang Baka. Nangyaring ganu’n dahil tulad ng nasabi na, sa 12 animal sign na pinatawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo, ang Baka ay isa sa pinamateryoso at mapagmahal sa salapi, masinop sa kabuhayan at talaga namang yumayaman.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.


 

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Ika-3 Araw ng Abril, 2024



Ipagpatuloy  natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Ox o Baka. 


Ang Ox o Baka ay silang mga isinilang noong 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021, 2033. 


Ang animal sign na Ox o Baka ay may zodiac sign na Capricorn sa Western Astrology na pinaghaharian ng planetang Saturn. Ibig sabihin, upang higit na lumigaya at magtagumpay ang mga taong isinilang sa animal sign na Ox, ang kailangan sa taong ito ng 2024 ay magsumikap sila, dahil sa pamamagitan ng “hard work” tunay ngang makakamit ng Ox ang tagumpay at magandang kapalaran sa buong taon ng Green Wood Dragon.


Dagdag dito, sinasabi ring ang animal sign na Ox ay sadyang mapalad tuwing sasapit ang ala-1 hanggang alas-3 ng umaga, habang ang kanilang masuwerteng direksyon para sa isang Ox ay ang hilaga at hilagang-silangan.


Bukod sa pagiging masipag at masikap, ang mga taong isinilang sa animal sign na Ox, ay sinasabi ring maaasahan, nakaayos ang kanilang ginagawa, at kalmado lang sa buhay, dahil pinaghahandaan na nila ang kanilang future o kinabukasan.


Bukod sa maaasahan ang mga indibidwal na naiimpluwensyahan ng animal sign na Ox, kilala rin sa pagiging makatarungan. Kung saan, hindi sila nagpapabaya sa pangako na kanilang binibitiwan. Dahil mahalaga sa kanila ang “word of honor” lalo na pagdating sa pagnenegosyo at kalakalan, kaya karamihan sa kanila ay umuunlad at yumayaman.


Dahil nga masipag at praktikal, kung minsan kinukulong din nila ang kanilang sarili sa imahinasyon, pagpaplano at pangarap. Ngunit, hindi naman talaga ganu’n. Sa halip, ang ibig sabihin lamang nito ay gusto lang nila kung ano ang kanilang ginagawa sa ngayon at nasimulan nilang gawin.


Kaya ang akala ng iba ay kulang sa imahinasyon at pagpaplano ang mga Baka dahil para sa mga Baka, mas simple at mas madaling gawin ‘yung tumpak at

makakapagbigay sa kanila ng kasaganahan at kaligayahan sa kanilang buhay.


Dahil ang Baka ay hindi gaanong mahilig sa komplikado at mabusising mga gawain, tulad ng nasabi na, marami silang mga accomplishment at madali nilang natatapos ang mga gawaing nakaatang sa kanilang mga balikat.


Kaya naman, kung ikaw ay isang manager o supervisor at nagkaroon ka ng isang tauhan na isinilang sa animal sign na Ox, tunay ngang ikaw ay sadyang magiging mapalad, dahil nagkaroon ka ng kasama o tauhan, na bukod sa masipag ay talaga namang maaasahan at sunod lang nang sunod sa anumang bagay na ipag-uutos mo.


Bukod sa maaasahan, sila ay nagtataglay din ng kakaibang kasipagan at sadyang mapagmahal sa pribado at tahimik na buhay.


Ang Baka ay sinasabi ring hindi masyadong mahilig sa lipunan at ang mas pinahahalagahan nila ang trabaho at mga bagay na pagkakaperahan.


Wala rin sa bukabularyo ng isang Baka ang salitang pagyayabang o kayabangan, iniiwasan din nila ang maluho at marangyang pamumuhay, kaya naman sinasabing karamihan sa mga Baka bukod sa masipag, tuso at may pagkamateryoso ay madaling umuunlad ang kabuhayan hanggang sa tuluy-tuloy na yumaman.


Tunay nga bihirang-bihira ka makakakita ng isang Baka na sa edad 55 ay hindi pa mayaman. Kung saan, sa sandaling tumanda ang isang Baka ng lagpas 50, walang duda tiyak na siya ay may masagana at maunlad ng kabuhayan na maihahanay at masasabing ang tusong Baka na ito ay isa sa mayayaman at lalo pang yumayaman sa kanilang lugar.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang BULGAR upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page