top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | May 6, 2023


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Boar o Baboy ngayong 2023 o Year of the Water Rabbit.

Ang Boar o Baboy ay silang mga isinilang noong taong 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019, at 2031.


Bagama’t may katalinuhan ang isang Baboy, kadalasan ay hindi naman siya nagseseryoso sa kanyang talino. Sa halip, kadalasan ay ginagamit at inaaksaya lamang niya ang buhay sa pa-easy-easy na gawain at kahit sabihin pang mahirap talagang gawin ang isang gawain, tulad ng nasabi na, sa sobrang positibo niyang attitude, ito ay nagagawa niyang padaliin.


Bukod sa hangad ng Baboy na madaliin at padaliin ang anumang ginagawa at magpa-easy-easy lang sa buhay, karamihan sa mga Baboy ay matatagpuan mo ring payapa at laging kalmante sa buhay. Mas pinipili nila ang masasarap na pagkain, magagandang gamit sa bahay, magagandang tanawin at maging relaks at pa-easy-easy lang.


Kapag nakakita ka ng lalaki o babae sa araw ng Linggo na nakasakay sa duyan na nakatali sa magkabilang puno ng mangga na paugoy-ugoy lang habang nagkukutkot ng tsitsirya, sigurado na siya ay isang Baboy.


Tunay ngang sa 12 animal signs na ipinatawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo, walang ibang pinakarelaks, laging kampante at masaya ang buhay kundi ang tila walang pinoproblemang nilalang na Baboy, at kahit sabihin pang siya ang kahuli-hulihang dumating sa nasabing pagtawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo, okey lang at relaks pa rin ang isang Baboy.


Samantala, sa negosyo at career, tulad ng attitude niya sa buhay, madaling magtatagumpay ang Baboy sa mga career o gawaing may kaugnayan sa negosyo, pagba-buy and sell, pamumulitika, charitable works at iba pang gawaing naka-expose sa lipunan at namimigay ng kung anu-anong bagay, na siyang gawain na palaging nagpapasaya sa isang Baboy.


Magaling din siyang mamahala ng mga tao, mahusay magsalita, napakagalante at caring sa kanyang mga nasasakupan at talaga namang maalalahanin at mapagmahal sa kanyang mga kliyente, kaya naman isa ang Baboy sa mga animal signs na kusang yumayaman dahil sa pagnenegosyo.


Sa aspetong pandamdamin, pag-ibig at pakikipagrelasyon, sinasabing hindi kayang itago ng Baboy ang kanyang emosyon o nadarama. Kaya kapag may mahal siyang isang tao, kahit anong tago at pagsikreto ang gawin niya rito, tiyak na mahahalata ito ng mga taong nakapaligid sa kanya.


Kapag naman ipinadarama niya ang kanyang feelings at pagmamahal, sa lahat ng paraan at pagkakataon, bonggang-bongga niya itong naisasagasawa. Kumbaga, ibibigay, sasabihin at ipagkakaloob lahat ng Baboy ang higit pa sa kanyang sarili, mapaligaya lamang niya ang mga taong mahal na mahal niya.


Dahil sobrang expressive kung magmahal, sobrang sakit din naman kapag siya ay nabigo o nasaktan. Ngunit sinasabing bagama’t maraming kabiguan sa pag-ibig at pakikipagrelasyon ang naranasan ng Baboy na tulad mo, hindi ka pa rin dapat malungkot dahil ang totoo nito, kahit marami kang kabiguang naranasan sa pag-ibig at pakikipagrelasyong pinasok mo, sa last part ng makulay na buhay ng Baboy, tunay ngang pinaglaanan pa rin sila ng tadhana at kapalaran ng kumpleto, buo, maligayang pamilya at maligayang pag-ibig habambuhay.


Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | May 2, 2023


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Boar o Baboy ngayong 2023 o Year of the Water Rabbit.

Ang Boar o Baboy ay silang mga isinilang noong taong 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019, at 2031.

Bukod sa mahilig sa kasiyahan, parties, celebrations, gimmick at galaan, ang isa pang pangunahing katangian ng Baboy ay mahilig ito sa barkada. Sa mga sandaling kasama niya ang kanyang mga kaibigan at barkada, tunay na masaya siya at parang ‘yun na ang lahat sa buhay niya. Dahil dito, kadalasan ay napagbibintangan ang isang Baboy na kulang sa ambisyon at walang responsibilidad sa buhay.


Sa kabila ng pagiging mahilig sa kaibigan at kasiyahan, hindi alam ng taong nasa paligid niya na kaya pala ganu’n ang isang Baboy ay dahil gusto nito na palaging nasa umpukan ng mga kaibigan dahil may malalim pa itong kalungkutan at hinanakit sa kanyang pamilya.


Bagama’t ganito ang kalimitang nagiging sitwasyon, hindi ito ipinapahalata ng Baboy, sa halip, kabaliktaran pa ang nakikita sa kanya. Sa panahong successful na ang isang Baboy sa kanyang buhay, hindi nawawala sa kanyang ugali ang pagtulong sa kanilang pamilya.


Kadalasan, akala ng iba ay ginagawa niya ito upang siya ay purihin at parangalan ng kanyang mga kapamilya, lalo na ng kanyang mga magulang, ngunit sa totoo lang, ‘di ganito ang kanyang intensyon dahil likas na mabait at matulungin ang Baboy.


Gayunman, dahil likas na mabait, galante at matulungin, ganunding attitude o ugali ang ipinapadama niya sa kanyang mga kaibigan. Palagi siyang mabait at mapagbigay hanggang sukdulang maubos na lahat ang kanyang pera o resources upang mapasaya lamang ang buhay ng mga taong nasa paligid niya.


Dahil dito, hindi kataka-taka na may panahon sa buhay ng Baboy na nasisimot o nauubos talaga ang kanyang kabuhayan. Pero ang nakapagtataka, balewala ito sa isang Baboy. Bagama’t, nauubos ang kanyang ipon at pangkabuhayan dahil sa pagbibigay, lagi siyang pinagpapala ng nasa itaas. Kahit ubos na ang kabuhayan ng Baboy, pumapasok naman sa kanya ang mas maraming blessings na tila walang tigil na buhos ng ulan mula sa langit. Ibig sabihin, kahit sobrang galante at mapagbigay ang isang Baboy, dobleng biyaya at pagpapala ang matatanggap niyang gantimpala mula sa langit.


Samantala, sa kabila ng mabait at galanteng Baboy, ‘di alam ng mga nakapaligid sa kanya na may malalim itong kalungkutan sa puso. Minsan ay hindi siya naiintindihan ng kanyang mga kaibigan, at hindi rin niya nauunawaan ng mga ito. Kaya’t sa bandang huli, lihim at tahimik na umiiwas ang Baboy sa kanyang mga kaibigan nang walang nakakaalam na may lihim na pala itong hinanakit at tampo sa mga naging matatalik niyang kaibigan.


Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | April 29, 2023


Sa pagkakataong ito, tatalakayin natin ang katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Pig na tinatawag ding Boar o Bulugang Baboy ngayong Year of the Water Rabbit o 2023.


Ang Boar o Baboy ay silang mga isinilang noong taong 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019, at 2031.


Ang Boar o Baboy ang ika-12 animal sign sa Chinese Astrology, kung saan siya rin ay isang Scorpio sa Western Astrology na pinaghaharian ng planetang Mars.


Sinasabing ang mapalad na oras ng isang Baboy ay mula alas-9:00 ng gabi hanggang alas-11:00 ng gabi, sa buwenas at mahiwagang direksyong north o hilaga, northwest o hilagang-kanluran.


Pinaniniwalaang magiging marahas, mahilig sa sarap at layaw ng katawan ang mga Baboy na isinilang sa panahon ng tag-araw o tag-init, kung ikukumpara sa kapatid niyang Baboy na isinilang sa panahon ng tag-lamig o tag-ulan.


Kilala sa pagiging easygoing, easy go lucky, masiyahin, at pa-easy-easy ang isang Baboy.


Dahil dito, ang Baboy ay itinuturing isa sa pinakamasarap na makasama o maging kaibigan dahil tiyak na yayayain ka niya sa lahat ng uri o gawaing masasarap at masaya.


Dahil ang pangunahing hangad niya ay sarap at ligaya, madalas ay natatagpuan ng Baboy ang kanyang hinahanap– masarap na karanasan at hayahay sa buhay, kahit lumipas ang buong maghapon na tila wala siyang iniinda sa buhay.


Sinasabi na kung hindi matututunan ng Baboy na mag-ipon para sa kanyang future, bagama’t magiging masaya ang kanyang buhay, kinabukasan ay may babala na maghikahos, maghirap at masasadlak sa kaawa-awang kalagayan ang Baboy sa aspetong pangkabuhayan.


Sinasabing kung mayaman at masikap sa buhay ang mapapangasawa ng Baboy at tinuruan siyang magtipid at mag-ipon para sa future, wala nang sasarap pang buhay kundi ang buhay ng Baboy na nagawang mag-invest at magtabi ng kabuhayan.


Dagdag pa rito, bukod sa pagiging galante at matulungin, kilala rin ang Baboy sa pagiging palakaibigan. Kadalasan, nag-iipon ang Baboy ng kabuhayan at maraming pera, hindi para sa future kundi para ipagmayabang sa mga kakilala at kaibigan niya.


Dahil dito, kung hindi magiging masinop, madaling nauubos ang kabuhayan ng Baboy sa pakikisama at pakikisalamuha sa kaibigan, hanggang matagpuan na lang niya na simot na at wala nang laman ang kanyang bulsa.


Samantala, ang ugaling ito ng Baboy ang hinahangaan ng kanyang mga kaibigan, kaya ang pamumulitika ay kusang duumarating sa buhay niya. Nagiging leader siya ng malalaking pangkat o grupo hanggang sa bandang huli ay siya na ang ‘Big Boss’ ng nasabing samahan at maaabot niya ang pinakamataas na posisyon.


Ang problema naman kapag nasa taas na ang posisyon ng Baboy, marami ang naiinggit at hindi nasisiyahan sa istilo ng kanyang pamamahala. Kaya ang kadalasang nangyayari, pinipilit siyang ibagsak at siraan, na nagiging daaan upang hindi magtagal ang pamumuno niya sa anumang mataas na posisyon at dahil ayaw na ayaw ng Baboy na mamroblema at talaga namang pagpapasarap lang talaga gusto niya sa buhay, kapag na-pressure, nainis o na-stress, madaling umaayaw sa panunungkulan ang tipikal na Baboy.


Itutuloy


 
 
RECOMMENDED
bottom of page