top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | May 23, 2023


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga isinilang sa animal sign na Baboy o Pig ngayong Year of the Water Rabbit o 2023.

Ang Pig o Baboy ay silang mga isinilang noong taong 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019 at 2031.

Kung ikaw ay isinilang noong taong 1959 at 2019 humigit kumulang ganito ang magiging kapalaran mo. Dahil sa patuloy na pagiging palakaibigan mo ay tuluy-tuloy kang susuwertehin, higit lalo sa huling yugto ng taong ito, lalo na sa larangan ng salapi at materyal na bagay.

Kung nitong pagbungad ng taong 2023 ay hindi gaano naging maayos ang iyong kalagayang pang-pinansyal, umasa kang bago matapos ang taon ng Water Rabbit, mabilis na aangat ang graph ng pagkakakita, at lalo pang madaragdagan ang pang-pinansyal na pakinabang lalo na sa buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre 2023.


Kaya lang, may babala na kung hindi ka magtitipid, ang salapi at perang mahahawakan mo sa last quarter ng 2023, ay madaling ding mauubos, kaya kailangang sa taong ito ay matuto kang magsinop.

Samantala, kung matututo kang magtabi ng materyal na bagay at hindi inuubos ang pera na nahahawakan, sinasabing magtutuluy-tuloy ang suwerteng makakamit mo hanggang sa susunod na taong 2024.

Sa pakikipag-relasyon, sinasabing sa taong Water Rabbit, may mga pagsubok na darating na may kaugnayan sa pinansyal na maaaring ikagulo ng kamada ng inyong pagmamahalan.

Kaya sa panahong ito ang relasyon ay dapat na patatagin, sa pamamagitan ng pag-unawa at lambing. Laging sabihin sa sarili kapag may dumarating na kagipitang pang pinansyal na “Ito man’y lilipas din.” – At talaga namang lilipas ang suliraning pang-pinansyal na nakakaapekto sa relasyon sa pagpasok ng Setyembre at Oktubre, upang tuluy-tuloy na muling sumagana ang kabuhayan kasabay ng muling pag-init ng pagmamahalan.

Sa pangkalahatan, nakadisenyo na ang magandang kapalaran ng Baboy na isinilang noong 1959 at 2019, sa last quarter ng taong ito hanggang sa susunod na taon, pinapaalalahanan din sila ng kapalaran na ingatan ang kanilang kalusugan.

‘Ika nga, aanhin mo ang magagandang kapalaran na dumarating sa iyo, kung may nararamdaman ka naman sa iyong katawan? Ibig sabihin, kasabay ng suwerte at magandang kapalaran, huwag mo ring kalimutan ingatan ang iyong kalusugan, kaya sa last quarter ng taong ito hanggang sa susunod na taong 2024, ugaliin pa ring mag-exercise. Siyempre dapat ding umiwas sa mga pagkaing nakasasama sa ating kalusugan at dapat ding iwasan ang mga gawaing na nagdudulot ng stress. Dapat ay magkaroon din ng libangan at mag-relaks.

Kung iingatan mo ang iyong kalusugan at mapapanatili mo ang magandang pangangatawan,tiyak na matatamasa mo ang isang masarap at suwerteng taon na noon pa inilaan sa iyo ng iyong kapalaran.

Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | May 18, 2023


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng isinilang sa animal sign na Baboy o Pig ngayong 2023 o Year of the Water Rabbit.


Ang Pig o Baboy ay silang mga isinilang noong taong 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019 at 2031.


Kung ikaw ay Baboy na isinilang noong 1935 at 1995, ang iyong pangkabuhayan ay hindi kakapusin, at ‘di mawawala sa iyo ang mga tapat mong kaibigan. Palagi kang makakatanggap ng tulong na galing sa itaas, anuman ang maging sitwasyon at kalagayan mo. Dagdag pa rito, hindi lang tulong at mga pagpapala ang matatanggap mo ngayong Year of the Water Rabbit dahil may mga ‘di inaasahang suwerte ka ring matatanggap.


Kaya lang, kapag palagi kang naging mabait sa iyong mga kaibigan at hindi nag-iingat, may babala na maloko ka ng malaking halaga sa taong ito. Kaya ngayon pa lang, pinapaalalahanan ka na ng iyong kapalaran na mag-ingat sa pakikipagtransakyon upang ‘di mawalan ng malaking halaga.


Sa career, negosyo, salapi at sa pangkabuhayan, sinasabi rin sa taong 2023 hanggang 2024, malaki ang tsansa ng Baboy na makapagbenta ng malalaking halaga, kaya dapat sa taong ito ‘wag kang titigil sa pag-aalok dahil siguradong may malaking komisyon ka na maibubulsa.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, mahihirapan kang mamili sa mga taong napapalapit sa iyo dahil lahat sila ay magugustuhan mo. Likas kang palakaibigan kaya maaari ring gumulo ang iyong pasya dahil ayaw mong may mawala sa kanila. Marami kang makakarelasyon ngayong taon, hanggang sa malito ka kung sino ba sa kanila ang dapat mong piliin na makakasama habambuhay.


Sa mga may karelasyon, maaaring magkaroon ng ups and downs ang ugnayan niyo sa taong ito.


Upang mapanatili ang isang masayang pagsasama, pairalin ang pagiging maunawain, umiwas sa tukso at maging tapat sa kasuyo.


Samantala, kung ikaw ay isinilang noong 1947 at 2007, sinasabing sa taong 2023, isa-isang matutupad ang mga pinapangarap mo. Kaya nakabalot sa buong taong ito ang magagandang regalo sa iyo ng langit, tulad ng pagkilala sa mataas na antas ng lipunan.


Maaari kang magkaroon ng iba’t ibang karangalan at iba pang mga ‘di mo inaasahang suwerte na may kaugnayan sa pinansyal, pangdamdamin at paglalakbay ang darating.


Kaya kung ikaw ay Baboy na isinilang noong taong 1947 at 2007, kung maganda ang naging kapalaran mo noong 2022, lalong gaganda ang daranasin mo sa taong ito. Kung hindi naman kagandahan ang 2022 mo, tiyak na ngayong 2023, tulad ng nasabi na, gaganda na ang iyong kapalaran, higit lalo sa huling hati ng taong 2023.


Habang kasabay din nito, kusang darami ang mga oportunidad ng pagkakakitaan, hindi lamang sa pagtatapos ng 2023, bagkus darating ang maraming suwerte at magagandang kapalaran hanggang sa pagbungad ng taong 2024.


Bagama’t maraming suwerte ang darating sa Baboy, dapat mo pa ring iwasan ang pagiging mapusok dahil ngayong 2023, mahihirapan kang itago ang nag-iinit at nag-aapoy mong damdamin, kung saan kadalasan, ang mapupusok na pag-ibig ay humahantong sa kasawian. Kaya kung matututunan mong kontrolin ang iyong emosyon, mas magiging makabuluhan at malinamnam ang naghihintay na pakikipagrelasyon, na hahantong sa masayang pag-ibig sa taong 2028.



Itutuloy


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | May 9, 2023


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Boar o Baboy ngayong 2023 o Year of the Water Rabbit.


Ang Boar o Baboy ay silang mga isinilang noong taong 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019, at 2031.


Sa pakikipagkapwa-tao, higit na mapagbigay ang Baboy kung ikukumpara sa iba pang 12 animal signs na ipinatawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo. Gayundin, ang Baboy ay mas willing na magbigay kaysa sa tumanggap dahil napaka-generous ng puso at pagkatao niya, kaya siya ay binibiyayaan din ng magagandang kapalaran bilang ganti sa mapagbigay niyang attitude.


Kahit bigay siya nang bigay sa mga nangangailangan at sa mga taong malapit sa kanya, tila hindi siya nauubusan ng suwerte. Gayundin, ang mga pagpapala at suwerteng galing sa langit at mas malaki at bongga kaysa sa mga pangkaraniwang suwerte na natatanggap ng ibang tao.

Sinasabi ring sa 12 animal signs, ang Baboy ay mapagmahal sa kanyang mga magulang, kaya kapag siya ay nagkaroon ng anak, halos ganundin ang pagmamahal na ilalaan niya sa kanyang anak at halos ibigay niya na ang lahat.


Pagdating naman sa pag-ibig, labis kung magmahal ang Baboy. Subalit kung ang pagmamahal na ito ay hindi gagantihan ng pagmamahal, bagkus, dahil walang gusto sa kanya ang kanyang minamahal, mananatili ang pagtingin niya, pero unti-unti siyang didistansya sa taong ‘di siya pinapahalagahan.


Dagdag pa rito, bagama’t may manaka-nakang mga kabiguan sa pag-ibig na mararanasan ang isang Baboy, hindi naman ‘yun mananatili dahil ang nakalaan para sa kanya ay isang maligaya, masarap at panghabambuhay na pag-ibig sa piling ng kanyang minamahal na pamilya. Ibig sabihin, kahit makaranas ng mga frustration sa love life ang Baboy, sa bandang huli ay matatagpuan din niya ang maligaya at panghabambuhay na pag-ibig dahil ang bagay na ‘yun ay nakatakda na sa kapalaran ng isang Baboy.


Samantala, katugma ng Baboy ang mabait at tahimik na Tupa, gayundin ang sopistikadong Kuneho. Kapag kasama ng Baboy, Tupa at Kuneho, siya ay magiging kampante at masaya, gayundin, tiyak na mauunawaan ng Tupa ang ugali ng Baboy na sobrang mapagbigay dahil halos ganundin ang ugali niya.


Habang, tuturuan naman ng Kuneho ang Baboy na maging sopistikado at lalong maging pino ang ugali nito. Ka-compatible rin ng Baboy ang Tigre, kung saan tuturuan siya na lalo pang tumapang upang magkaroon ng dagdag na kulay at pakikipagsapalaran sa kanyang buhay.


Tugma rin sa Baboy ang Daga, Baka, Dragon, Kabayo, Tandang at Aso dahil ang lahat ng animal signs na ito ay uunawain ang pagiging masayahin at pa-easy-easy na buhay ng Baboy. Gayunman, hindi lang makakasama ng Baboy ang mga ito kundi lagi pang sasang-ayunan ng nasabing animal signs ang kagustuhan at hilig ng Baboy, kaya sila ay makatitiyak ng masarap at maligayang pagpapamilya habambuhay.


Ang pinakapaborableng panahon naman para sa mga Baboy ngayong 2023 ang petsang mula ika-19 ng Marso hanggang ika-25 ng Marso, mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-25 ng Hulyo at mula sa ika-2 ng Oktubre hanggang sa ika-30 ng Nobyembre.

Itutuloy


 
 
RECOMMENDED
bottom of page