top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Enero 30, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Dragon ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Ang Dragon ay silang mga isinilang noong taong 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024 at 2036.


Ang Dragon ay nagtataglay ng kakaibang tapang at enerhiya. Gayunman, kahit sila ay may pagkadominante, hindi naman sila nawawalan ng alalay o tauhan na sumusunod at inuutus-utusan nila. Kaya naman, sa kalagitnaan ng kanilang edad ay sadyang napapaligiran ang mga Dragon ng mga tapat na tauhan na lalong nagpapayaman at nagpapalakas sa kanila.


Dahil nga ang isang Dragon ay laging masigla at punumpuno ng enerhiya sa kanilang buhay, hindi sila pupuwedeng walang ginagawa, dahil kung ganito ang magiging sitwasyon ng isang Dragon, paniguradong manlulumo at magkakasakit sila.


Kaya naman, ang pinakamasuwerte, pinakadakila, pinakamapalad at pinakamayamang Dragon ay ‘yung Dragon na aktibo, busy at madaming ginagawa. Sa ganu’ng sitwasyon, bukod sa pagyaman, ang Dragon ay tiyak na liligaya habambuhay.


Kaya naman, kapag ang Dragon ay may gustong abutin, ito ay kanyang pinaghihirapan.


Karamihan sa Dragon ay dambuhala at sobrang laki, ngunit nakababahala na may mga sandali ng kanilang buhay na matatagpuan mo silang bigo.


Ngunit, kung ikaw ay isang Dragon at minsan ka nang nabigo, nalungkot o nasawi sa anumang aspetong ng iyong buhay, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa, dahil sa lugmok na senaryo ng iyong karanasan, may bababa na isang anghel mula sa langit upang hanguin ka sa kumunoy ng iyong mga problema at sa sandaling nahango ka na, ‘yung mga dating yaman ng iyong buhay at karanasan ay tiyak na ibabalik isa-isa nang mas maganda at bongga, kung ikukumpara sa mga nakaraan mong tagumpay.   


Dahil laging nakikitaan ng pagiging buo ang loob, bagay na bagay sa isang Dragon ang negosyong may kaugnayan sa pagbebenta, dahil kayang-kaya nilang ibenta ang mga bagay na wala naman talagang kakuwenta-kuwenta.


Bukod sa pagbebenta, bagay din sa isang Dragon ang career at negosyong sila ang namumuno o siya ang namamahala. Dahil sa sandaling naging manager sila, tiyak na lalaki at lalago ang organisasyon na pinamumunuan nila.


Manatili kayong nakasubaybay sa Forecast 2024, na eksklusibong n’yo lang mababasa sa pahayagang Bulgar upang marami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong kapalaran. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat niyang gawin upang suwertehin at magtamo ng marami pang mga biyaya at mga pagpapala sa buong taong ito ng Year of the Green Wood Dragon.


Itutuloy…


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Enero 29, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Dragon ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Ang Dragon ay silang mga isinilang noong taong 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024 at 2036.


Madaling nagtatagumpay ang mga Dragon dahil sa kanilang pagiging matapang. Kaya kapag nakakita ka ng isang Dragon na bigo sa buhay, paniguradong pinanghinaan sila ng loob. 


Dalawang klase ang Dragon, kaya maski ako ay nagtataka rin kung bakit sa kabila ng sinasabi at pinaniniwalaang napakasuwerte umano ng Dragon ay may nakikita pa rin tayong bigo at malungkot ngayon. 'Yun nga ang dahilan, ang isang katangian kasi ng Dragon ay ang pagiging masigla, magagalitin, panay ang ungol, pinamamalo ang mahabang buntot at higit sa lahat bumubuga ng apoy - ito ang mga Dragon na ubod ng suwerte sa buhay, at lagi mong matatagpuang maligaya. Ginawa kasi ang hayop na Dragon upang lumipad at makipaglaban.


Samantala, 'yung isang klase naman ng Dragon ay nasa loob lang siya ng kanyang kuweba, nakahiga, maghapong natutulog na para bang ginaw na ginaw, at ayaw lumabas ng kuweba para makipaglaban at makipagsapalaran. Naduwag, ika nga at ayaw nang umalis sa kanyang comfort zone. Sad to say, sila ang mga bigo at hindi masaya sa kanilang buhay. Kulang na nga lang sabihin ng kanilang pamilya na, “Ba't ayaw mong magtrabaho, akala ko ba magaling ka?”


Pero sa katunayan, obvious naman ang sagot at hindi lang niya lang ma-open up, ngunit hayaan n'yo kong sabihin ko na ngayon, “Eh paano, ako ang Dragon na nasa loob lang ng kuweba buong maghapon at panay lang ang tulog!”


Kaya nga sinasabing kapag ang isang indibidwal na isinilang sa Year of the Dragon ay kadalasang kinakampihan ng kanilang mga magulang, nakakalungkot isipin na napakarami sana niyang power, potential, at opportunities na nasayang lamang. Oo, napakarami sana niyang suwerte sa buhay na hindi niya pinitas o pinuntahan dahil sa takot at karuwagan na kanyang nararamdaman. Masaya at kuntento na kasi siya sa loob ng bahay. 


Manatili kayong nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibong n'yo lang mababasa sa pahayagang Bulgar, upang marami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran sa taong ito ng 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs. Kung ano ang dapat gawin upang suwertehin at magtamo ng mas maraming suwerte at pagpapala sa buong taong ito ng Year of the Green Wood Dragon. 


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Enero 28, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Dragon ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Ang Dragon ay silang mga isinilang noong taong 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024 at 2036.Mas madaling uunlad ang isang Dragon, kung hindi sila aasa sa kanilang mga magulang. Sinasabing kapag ang Dragon ay takot na maging independent, malabo at maaaring hindi umunlad ang kanilang buhay. Kaya dapat sa isang Dragon, hangga’t bata pa, matuto na silang mabuhay ng independent at hindi umaasa sa ibang tao. Dagdag dito, dahil likas silang masuwerte, bihira ka lang makatatagpo ng isang Dragon na bigo sa buhay, dahil karamihan sa mga Dragon ay successful, lalo na kung sila ay lalayo sa sinilangan nilang bayan.


Pinaniniwalaan din ng mga sinaunang Chinese na ang mga Dragon ay pinoprotektahan ng langit, kung ikaw ay may kasamang Dragon sa bahay, may proteksyon ka sa mga negatibong kaganapan. Kaya ang paninirahan ng isang Dragon sa inyong bahay ay talaga suwerte. Bagama’t karamihan sa mga Dragon ay maunlad, walang nakakapansin na sa kaibuturan ng pagkatao ng isang Dragon, mababakas mo sa loob ng kanyang puso ang malalim na kalungkutan. Ang kalungkutang ito ay ang dahilan kung bakit ang Dragon ay labis na matulungin at mapagbigay.Risk taker din ang mga Dragon, pero dapat hinay-hinay lang. Nangyaring ganu’n, sapagkat anumang panganib ay kaya nilang harapin, na kadalasan ito ang nagpapahamak o nagpapapangit ng kanilang kapalaran.


Kung minsan ay sumosobra talaga ang tingin nila sa kanilang sarili. Kaya hindi na nakagugulat kung makatatagpo ka ng isang Dragon na dating may negosyo at bahay, pero kanila itong binenta at sinanla dahil lamang sa pag-aakalang hindi sa kanila ito.


Pero huli na bago matuklasan ng isang Dragon na mali pala ang kanilang naging pasya.Minsan, ang Dragon ay nasasadlak din sa labis na kabiguan, ‘yun bang walang-wala talaga as in zero, ang nakatutuwa lang sa isang Dragon ay halimbawang nawalan sila ng ari-arian o anumang bagay dahil sa taglay nilang lakas at tiwala sa sarili, walang anu’t ano sa isang kisapmata, mabilis pa sa kidlat, ‘yung mga bagay na nawala sa kanila ay ibabalik ding isa-isa ng langit.Hindi lamang sa materyal na bagay nangyayari ito, dahil maging sa pag-ibig, anuman ang mawala sa kanila, mahal sa buhay, pamilya, career o karangalan, basta’t ‘wag lang silang mawalan ng pag-asa, at sa halip ay patuloy lang kumilos dahil isang umaga, pagmulat na pagmulat ng kanilang mata, nasa harapan na nila ang mga bagay na dating nawala sa kanila - tulad ng nasabi na, mas madami, mas masagana at mas maganda pa.


Kaya kung ikaw ay isang Dragon, bilang ganti sa mga tinatamasa mong magandang kapalaran, lalo na’t ito ay nakatakda ng dumating sa iyo isa-isa at sunud-sunod ngayong taong 2024. Ang una mong dapat gawin ay matuto kang magpasalamat sa nasa itaas, sa pamamagitan ng pagdarasal.


Kapag lagi mo itong ginawa, makikita mo, mas madaming suwerte at magandang oportunidad ang darating sa iyo. Ang puhunan mo lang dapat ay sunggab nang sunggab!Manatili kayong nakasubaybay sa Forecast 2024, na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang Bulgar upang marami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong kapalaran. Sa taong ito ng 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat gawin upang suwertehin at magtamo ng mas marami pang mga suwerte sa buong taong ito ng Year of the Green Wood Dragon. 


Itutuloy… 

 



 
 
RECOMMENDED
bottom of page