top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Pebrero 4, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Snake o Ahas. 


Ang Snake o Ahas ay silang mga isinilang noong taong 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013, at 2025. 


Sinasabing ang Ahas ay siya ring Taurus sa Western Astrology na nagtataglay ng ruling planet na Venus. 


Ayon sa Western Astrology, ang Taurus ay isa sa pinakamapalad na zodiac sign ngayong 2024, dahil nasa zodiac sign niya ang auspicious planet na si Jupiter. Dagdag dito, ang mga Ahas ay mapalad mula alas-9 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga. Higit lalo sa buwan ng Abril hanggang Mayo at Setyembre hanggang Nobyembre, habang ang kanilang mapalad na direksyon ay ang timog at timog silangan.


Pinaniniwalaan na ang mga Ahas na isinilang sa panahon ng tagsibol at tag-araw ang higit na mapanganib. Kung ikukumpara sa medyo tutulug-tulog at tahimik niyang kapatid na isinilang sa panahon ng taglamig at taglagas.


Ang Ahas ay nagtataglay ng kakaibang pang-akit, pagkamisteryoso na hinaluan ng sobrang katalinuhan at pagkatuso. Ang ugaling ito ng Ahas ay kilalang-kilala sa pagiging praktikal. 


Sa kabilang ng pagiging praktikal, karamihan sa mga Ahas ay sadyang nahuhumaling sa mga gawaing may kaugnayan sa espiritwalidad, misticismo at kakaibang relihiyon o paniniwala, na lihim na ikinasasaya at ikinalulugod ng kanilang damdamin at kaluluwa.


Kaya kung ang isang Ahas ay aktibo sa kanyang relihiyon, asahan mong magiging deboto siya. Kung saan, habang siya’y nagseseryoso sa gawaing espiritwal, mas lalo siyang susuwertehin at pinagpapalain ng langit.


Sinasabi rin na sa panahon na sobrang abala ang Ahas sa nasabing mga bagay na may kaugnayan sa relihiyon, misticismo at espiritwalidad, tiyak na sa panahong iyon ay nasa peak o rurok na sila ng kanilang kapalaran. Ibig sabihin, masaya, maunlad at mabunga na ang kanyang mga pinagkakaabalahan. 



Itutuloy…


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Pebrero 2, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Dragon ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Ang Dragon ay silang mga isinilang noong taong 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024 at 2036. 


Sa unang bugso ng taong 2024 lalo na sa unang quarter ng taon mula sa buwan ng Enero hanggang Marso, wala gaanong mangyayari sa iyong career at sasabayan pa ito ng mga ‘di inaasahang gastusin.


Ngunit pagsapit ng huling linggo ng Marso hanggang sa buwan ng Abril, may mga sorpresa na mag-aangat sa iyo. Sa panahong ito, maaari ring dumating ang pag-ibig at mainit na romansa, basta’t ‘wag ka lang tatanggi.


Sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo, hindi ka dapat magpabigla-bigla at magpadalus-dalos ng desisyon, dahil sa isang pagkakamali, ang magandang pangako ngayong taon ay maaaring mapurnada.


Kaya anuman ang iyong maging desisyon, lalo na pagdating sa pag-ibig, negosyo, at career, isipin mo munang mabuti ang consequences o kahihinatnan, dahil kapag tama ang iyong desisyon at diskarte, magtutuluy-tuloy ang pag-angat mo hanggang sa last quarter ng 2024. Maganda at positibong kapalaran ang mararanasan mo na may kaugnayan sa iyong career. 


Pagsapit ng Hunyo hanggang Setyembre, lubhang magiging mapalad at hectic ang iyong mga schedule na magdudulot naman sa iyo ng karagdagang oportunidad upang magkapera ka. Kasabay nito, tuluy-tuloy din na uunlad ang pakikitungo mo sa mga kaibigan mo.


Gayunman, may babala na sa sandaling pinairal mo ang iyong init ng ulo at padalus-dalos na pagdedesisyon, ang lahat ng magandang oportunidad na darating sa kalagitnaan ng taon ay maaaring sumablay at tuluyang maglaho.


Kaya dapat mong panatilihin ang pagiging kalmado at mahinahon upang magtuluy-tuloy ang suwerte sa last quarter ng taong 2024, higit lalo sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre. Kung saan, malaki at dambuhalang mga oportunidad ang tiyak na magaganap sa iyong karanasan, kabilang dito ang pagkakaroon ng sobrang laking income na kahit ikaw ay magtataka kung paano ito nangyari.


Bago matapos ang taong 2024, may mga oportunidad din na pangingibang-bansa para libang ka.


Pagdating naman sa mga may asawa na, inaasahang higit na iigting ang romansa at pagmamahalan sa taong ito ng 2024. Kung saan, mapapanisn mong higit na mas magiging agresibo ang iyong kapareha na dapat mong tugunan at pagbigyan upang lalong sumarap at uminit ang iyong pagmamahalan.  


Sa mga single riyan na wala pang boyfriend o girlfriend, sa taong ito ng 2024, magiging paborable ang inyong kapalaran sa buwan ng Marso, Hunyo, Setyembre at Oktubre, maaari rin dumating ngayon ang inyong hinihintay na prinsesa o prinsipe ng inyong buhay. Ngunit ito ay mabilisan lamang na magaganap, kaya dapat kayong maging alisto. Kapag ito ay iyong pinalampas, babalik at muli itong kakatok sa susunod na taong 2025.


Kapag may dumating, kailangan n’yong maging mabilis, dahil lahat ng mga pangyayari sa buong taong ito ng 2024, sa larangan ng pag-ibig, romansa at pakikipagrelasyon ay mabilis na lilipas.


Kaya ngayon palang, iplano n’yo na kung paano n’yo pananatilihin ang romansa at relasyong darating. Kasabay ng pagpa-priority sa pag-iipon bilang paghahanda sa mas maligaya, produktibo at masaganang future na magaganap sa taong 2025 hanggang 2027.


Itutuloy…


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Enero 31, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng animal sign na Dragon ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Ang Dragon ay silang mga isinilang noong taong 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012, 2024 at 2036. Pagdating sa pag-ibig at pakikipagrelasyon sinasabing sa murang edad naiinlab ang Dragon at kapag hindi nila nakatuluyan ang kanilang puppy love, binuburo na lamang nila ang kanilang sarili sa pagiging single. Kadalasan sa mga Dragon ay matagal nilang mahanap ang kanilang aasawahin habang ang iba ay tuluyan nang hindi nakakapag-asawa.


Subalit sa totoo lang, karamihan talaga sa Dragon ay hindi nila nakakatuluyan ang kanilang first love. May mga pangyayari pa nga na hindi sila nakaka-recover sa kabiguang ito, kaya naman ang ending, kahit umibig pa siyang muli, hindi na ito kasing tindi nang nauna niyang pag-ibig. Dahil nga nabigo siya sa naunang pag-ibig o pakikipagrelasyon, nahihirapan na sila muling magtiwala, at maniwala sa salitang forever.  Sa kabilang banda, may mga Dragon naman nakaka-recover sa unang pag-ibig o pakikipagrelasyon na nagdudulot din sa kanila ng matinding kabiguan at pagkasawi.


Kung makaka-recover man sila, magiging maligaya na sila habambuhay. Maging ang kanilang ikalawang pag-ibig ay dapat kamukhang-kamukha ng kanilang naunang naging nobyo o nobya, lalo na pagdating sa pisikal na itsura. Sa ganitong paraan, tunay ngang may pangako ng isang maligaya, maunlad at panghabambuhay na pag-ibig sa mga isinilang na Dragon.Dagdag dito, bagamat mahirap mapaibig ang isang Dragon, sinasabi namang kapag nakuha mo ang kanyang tiwala at simpatya, tiyak na habambuhay ka na niyang mamahalin.Ngunit, once na sirain mo ang kanyang pagtitiwala, mahihirapan na naman ang mga Dragon na magpatawad. At dito na papasok ang pagkukuwestiyon niya sa kanyang sarili na matapos ka niyang mahalin at pagkatiwalaan ay magagawa mo pa ring sirain ang kanyang tiwala.


Kaya kung ika’y may boyfriend o girlfriend na isang Dragon, hindi mo siya dapat pagsamantalahan o lokohin. Dahil kapag ganu’n ang nangyari, darating at darating ang panahong gagantihan ka niya ng palihim at lantaran sa panloloko at pagkakamaling ginawa mo sa kanya.   Tugmang-tugma naman sa isang Dragon ang may karisma, at mautak na Unggoy. Pagdating sa pagnenegosyo at pagpapaunlad ng kabuhayan, saktung-sakto ang mga Dragon sa Rat o Daga, dahil ang kanilang pagsasama ay siguradong magiging maunlad, at maligaya. Aalagaan naman ng isang Ahas o Snake ang pagiging agresibo hanggang sa mapawi ang pag-aalinlangan ng isang Dragon, at mararamdaman din ng isang Ahas na may karamay at kasangga siya na isang matapang na Dragon.


Sa ganitong bonding, ang pagsasama ng Ahas at Dragon ay tunay ding magiging maligaya. Manatili kayong nakasubaybay sa Forecast 2024, na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang Bulgar upang madami pa kayong matutunan at matuklasan tungkol sa inyong magiging kapalaran sa taong ito ng 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang kayo’y suwertehin sa buong taong ito ng Year of the Green Wood Dragon.


Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page