top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Pebrero 11, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Horse o Kabayo.


Ang Horse o Kabayo ay silang mga isinilang noong taong 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014 at 2026.


Dahil likas na matalino ang Kabayo, sinasabi ring higit silang nagiging maligaya kapag nae-express nila ang kanilang isipan at saloobin.


Kaya naman, kapag may nakausap silang mga tao na walang gaanong alam sa mga bagay-bagay at walang sense kausap, madaling silang naiirita at nawawalan ng interest, dahil sa isip-isip nila, ‘di lang nila kayang sabihin na, “Ang gara naman nito, walang sense at walang kuwentang kausap!”


Kabaligtaran naman nito, kapag matalino at malawak ang kanilang nakakausap, sila ay nagiging masigla at masaya. Kaya swak na swak din sa Kabayo ang nagtatali-talinuhan na Tandang, ang malalim at malawak na mag-isip na Aso at ang isa pang matalinong Ahas.


Bukod sa makuwento, ang Kabayo ay sadya ring mabilis sa lahat ng bagay. Kaya naman, ayaw na ayaw din niyang nakakasama ang mga taong babagal-bagal. Nangyaring ganu’n, dahil tulad ng kanyang animal sign na Kabayo o Horse, tipikal na ugali ng Kabayo ang pagiging mabilis. Mabilis magsalita, magsulat, magpasaya, mag-isip at kumilos.


Kaya kung hindi magagabayan ng tumpak ang kanilang mga kinikilos, tiyak na mabibigo talaga sila.


Ang ikinaganda lamang dito ay kapag nabibigo ang isang Kabayo, dahil nga likas silang matalino at madiskarte, mabilis din silang nakakaahon sa mga pagsubok at kabiguan ng kanilang buhay.


Ang isa pang magandang katangian ng Kabayo ay pinaniniwalaan ding hindi sila basta-basta naaapektuhan ng anumang pagbabago. Sapagkat, para sa kanila ang mga pagbabago sa buhay at pangyayari na nagaganap sa araw-araw ay bahagi lamang ng kanyang karanasan at kapalaran.


Bukod sa mabilis magpasya, mabilis din silang nakaka-adopt sa mga pagbabagong nagaganap. Ang isa pang ugali ng Kabayo na ‘di natin malaman kung makakabuti ba sa kanya o hindi ay ang diskarteng may kakayahan siya sa multitasking. Ibig sabihin kaya nilang pagsabay-sabayin ang kanilang ginagawa.


Habang nagko-computer ay magagawa pa nilang makipagtsikahan sa pamamagitan ng telepono, kasabay nito ay kaya pa nilang uminom ng kape at nagbabasa ng paborito nilang libro. Ang lahat ng iyon, ay maginhawa nilang magagawa. Ang galing ‘no?


Kaya naman sa pag-ibig at pakikipag-ugnayan sa kapwa, hindi sinasadyang napagsasabay-sabay din nila ang  iba’t ibang uri ng pakikipag-ugnayan, pakikipagkaibigan at pakikipagrelasyon, na minsan bagama’t nakakagulo sa kanilang isipan at damdamin ay kayang-kaya naman nila itong i-handle ng maayos at maligaya.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang Bulgar upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024.


Itutuloy…


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Pebrero 10, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Horse o Kabayo.


Ang Horse o Kabayo ay silang mga isinilang noong taong 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014 at 2026.


Pinaniniwalaan na may magandang kapalaran na naghihintay para sa mga Kabayo, lalo na kung sila ay nasa middle age na. Kung saan, ganap at nasa rurok na sila ng kanilang mga karanasan.


Ang pangunahing katangian ng isang Kabayo ay ang pagiging masayahin, energetic, hindi mapakali, hindi napapagod at napakahirap tanggihan.


Higit nilang pinapahalagahan ang pagiging malaya at ayaw na ayaw nilang nakakulong sa bahay. Sinasabing sa 12 animal signs, ang Kabayo o Horse ang isa sa pinakamahilig sa adventure at pakikipagsapalaran, dahil doon mismo sila lumiligaya.


Kung career naman ang pag-uusapan, ‘wag na ‘wag n’yong ikukulong ang isang Kabayo sa kuwarto, tulad ng mga gawain o propesyon na maghapong nakatutok sa computer.


Kung ganito ang mangyayari, tunay ngang hindi sila liligaya, maliban na lamang kung every weekend ay gagala o gi-gimmick sila kasama ang kanilang mga kaibigan.


Bukod sa pagiging malaya, sinasabi rin na ang Horse o Kabayo ay isa sa 12 animal sign na may mabilis at matalinong pag-iisip. Kung halimbawang may problema o iniisip na proyekto ang isang team, mabilis na nakakapag-isip ang mga Kabayo sa kung ano ang dapat gawin at solusyon.


Sa totoo lang dahil sa katalinuhan ng isang Kabayo, hindi lang solusyon ang agad nilang naiisip, bagkus kadalasan pa nga ay alam na alam nila ang kauuwian ng pangyayari.


Kung saan, kadalasan lagi pang tama at tumpak ang kanilang haka-haka.


Kaya naman ang Kabayo ay sinasabing higit na nagiging maligaya at tagumpay sa isang propesyon na ginagamitan ng isip at malalim na pag-aanalisa, tulad ng paglalaro ng chess o kaya naman madestino sila sa isang digmaan at sila ang pangunahing heneral na taga-isip ng kung ano ang dapat gawin.


Sa ganu’ng gawain, komplikado ang iniisip pero exciting ang nagiging resulta, gustung-gusto ito ng isang Kabayo at sa ganu’n ngang gawain, tunay ngang nagtatagumpay at nagiging maligaya sila.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang Bulgar upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024

Itutuloy…


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Forecast | Pebrero 9, 2024


Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa mga katangian at magiging kapalaran ng mga animal sign ngayong 2024 o Year of the Green Wood Dragon.


Sa pagkakataong ito, dadako na tayo sa pag-aanalisa ng pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Horse o Kabayo.


Ang Horse o Kabayo ay silang mga isinilang noong taong 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014 at 2026. 


Sinasabing ang animal sign na Horse o Kabayo ay isang Gemini sa Western Astrology na nagtataglay ng ruling planet na Mercury.


Pinaniniwalaang ang mga Kabayo ay mas papalarin mula alas-11 ng umaga hanggang ala-1:00 ng tanghali. Ang mapalad namang direksyon ng Kabayo ay ang south o timog.


Sinasabing ang mga Kabayo na isinilang sa panahon ng tagsibol at tag-araw ay higit na mabilis, malakas, may magandang pangangatawan at kapalaran kung ikukumpara sa kapatid niyang isinilang sa panahon ng winter o tag-ulan.


Sa madaling salita, sinasabing isa rin sa malapad na animal sign ngayong taon ay ang Kabayo, mabilis na lalago ang kanilang pangkabuhayan, career at siyempre lahat ng may kaugnayan sa materyal na bagay ay madodoble rin, higit lalo sa kalagitnaan ng taong 2024.


Kaya naman sa taong ito ng Wood Dragon, anuman ang i-invest at hawakan ng Kabayo ay tiyak na magiging ginto. Ibig sabihin, kikita ang mga kabayo ng malaking halaga, anuman ang kanilang makursunadahang gawin.


Samantala, hindi lang sa propesyon, career at materyal na bagay susuwertehin ang Kabayo, dahil maging sa pakikipagrelasyon ay tiyak din na makararanas sila ng sobrang saya at sarap na romansa.


Manatiling nakasubaybay sa Forecast 2024 na eksklusibo n’yo lang mababasa sa pahayagang Bulgar upang madami pa kayong matutunan at matuklasan, tungkol sa inyong magiging kapalaran ngayong 2024. Iisa-isahin natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng 12 animal signs at kung ano ang dapat n’yong gawin upang suwertehin kayo ngayong 2024


Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page